Chapter 20

14.4K 530 90
                                    


Author's note:

Hi babies ^____^ sorry if chapter 19 break your hearts, at dahil mahal ko kayo and I love Azi too. Ayoko namang patagalin na heart ache ang iniwan sa inyo ng story na to So babawi ako in this chapter..

This is one of the most especial revelation Chapter of the Story. At dahil nangalahati na tayo . I will start to dedicate my baby readers on the next chapter 21 and I will choose the person who stated the most inspiring comment. ^.~

Enjoy babies . !

--Ms. HotChic Author <3

---------------------------

I was on my way home... Nauna na akong umuwi , hindi daw maiwan ni Ezra si Erin kaya mag-isa akong nag commute pauwi sa bahay...

Hindi ko napansing tumulo na pala ang luha ko. Parang sunod sunod na sakit ang dumarating sa akin . Kailan lang nang maramdaman kong nahuhulog na ako sa kanya pero puro sakit lang dala.

Ano ba to?.. pagsubok?..

Parang ayoko makita si kuya... mahal ko si kuya, ganun din si Erin. Bakit sa dinami dami pa ng magiging boyfriend niya, yung kuya ko pa??..

Ibig sabihin si Eya na madalas binibisita ni kuya sa Hospital ay si Erin Freya?.. bat hindi ko agad nalaman yun..

Bakit kung kailan ganito ang nararamdaman ko , dun ko pa malalaman ang lahat??..

Huminto ako sa isang park at naupo sa duyan..

Di ko alam kung uuwi pa ba ako kung makikita ko lang sa bahay ang dahilan kung bakit ako nasasaktan...

Tooooot tttooooot

Toooot tooooot

Biglang nagvibrate ang phone ko. Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi bago inopen ang message.

Asan ka na? Nagdidilim na

Alam kong si Erin to from my own number. Mas lalo lang bumuhos ang luha ko.. Ayokong makita niya na umiiyak ako, ayokong makita niya na nasasaktan ako.. ayokong malaman niya na may nararamdaman na ako sa kanya.

"Nalaman mo na..." boses ni ate Aika

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at kasama niya si Ate Krystal..

"Ayun lang bahay namin dito" at tinuro ni Ate krys ang malaking bahay sa tapat ng park.

"Dapat hindi mo sinasarili yang problema mo, ishare mo naman.. ayaw sabihin sakin ni Aika baka magalit ka daw kasi"

Umupo sila sa may damuhan sa harap ko at kita sa mga mata nila na gusto nilang malaman ang dahilan ng pag iyak ko..

Sinabi ko sa kanilang May nararamdaman na ako para kay Erin, pero di ko sinabi na nasa bahay ang kaluluwa niya at kasama ko araw araw.. Sinabi ko rin na nalaman kong ang boyfriend pala niya ay ang kuya ko.

para akong binagsakan ng langit at lupa, parang maya maya lang ay mahihimatay ako kanina..

Sa huli ,umupo narin ako sa damuhan, niyakap ako ni Ate krystal hangang sa napatahan na nila ako. Napaka bait nitong dalawang to, natutuwa ako at sila ang nagkatuluyan..

"Pag gising niya, sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo.. Malay mo ikaw pala ang mas mahal niya kaysa sa kuya mo.."

"imposible naman yan ate Aika, 5 years na sila.. at sa mga larawan , makikita mong mahal na mahal nila ang isa't isa. Parang kontrabida lang ako sa story nila.." sabay punas ko ng luha..

The Sexy Ghost in My Room (girlxgirl)Where stories live. Discover now