Heartbreaker #01

265 5 1
                                    

"Hindi mo ba talaga ako nagustuhan kahit konti lang?" Nakanguso kong sabi sa lalaking kaharap ko ngayon. Kaunti na lang papatak na ang luha ko.

Nandito kami sa park ng subdivision kung saan kami nakatira. Dito kami madalas tumambay at favorite spot namin itong bench sa ilalim ng malaking puno. Madalas kami magkita dito para magkwentuhan, magkulitan at magkantahan.

Napabuntong-hininga sya bago magsalita.

"Gusto kita, alam mo yan." Mahinahon nyang sabi.

"Oo, naiintindihan ko. Gusto mo 'ko bilang kaibigan..p-pero.." yumuko ako at mahinang sinabi, "..m-mahal kita.." yes, we've been friends since high school and until now na graduating na kami ng college friends pa din. Hanggang friends na lang ba talaga?

Katahimikan. Nanatili akong nakayuko at mabilis na pinahid ang butil ng luha sa mata ko bago pa ito tuluyang bumagsak.

Oo, nakakaiyak. Ilang beses na ba akong nagconfess sa kanya? Ilang beses nya na rin ba akong ni-reject? Di ko na alam. Ever since naging magkaibigan kami, aware sya na crush ko sya pero di nya masyado binigyan ng pansin yung feelings ko. Naging super close kami hanggang sa humantong sa love ang dati'y paghanga lang na nararamdaman ko para sa kanya. Sino ba namang hindi magkakagusto sa tulad nya? Bukod kasi sa angking kagwapuhan at katalinuhan ay napakagentleman pa. Ideal guy kung iisipin mo. Kaya nga ako nain-love sa kanya eh. Ewan ko ba, ang kulit ko lang siguro talaga.

"Cassey.." narinig kong tawag nya ngunit nanatili akong nakayuko. Siguro nga sanay na syang madalas kong sinasabi na gusto ko talaga sya at mahal ko sya pero iba yung ngayon, medyo masakit na. Kaya sa tingin ko kailangan ko na talaga maggive-up sa feelings ko para sa kanya at magmove-on. Hay buhay.

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya. Nakatitig sya sa akin na para bang naaawa at humihingi ng tawad.

Ngumiti ako bago magsalita, "O-okay lang. Naiintindihan ko. Sorry, ang kulit ko noh? Haha." Pilit akong tumawa at binaling ang tingin sa aking mga kamay na kanina pa nilalamig.

"Someday, you'll find someone better. Someone you deserve." Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko ang kanyang ngiti, ngiting may lungkot pero nakakagaan sa pakiramdam, dahil na rin siguro sa sinabi nya.

Pero sa isip ko, sino pa ba yung better kung ikaw na yung best para sa akin? Sino nga ba? Meron pa ba?

"Okay..." yun na lamang ang nasabi ko at nanatili akong nakatitig sa kanya.

Hinigit nya ako para akbayan at inihilig ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Kapag dumating yung taong mamahalin mo at magmamahal sayo, makakalimutan mo din ako." Di ko alam kung bakit nya nasabi yon pero pakiwari ko ay may tampo sa boses nya.

"Imposible." Tugon ko na hindi lumilingon sa kanya.

Imposible kasi sya ng first love ko at sa kasamaang palad, sya din ang first heartbreak ko.

Naramdaman ko ang mahinang pagtawa nya at tinapik ako sa ulo.

"Salamat Wade. Salamat sa pag-intindi." Pagkasabi ay napapikit na lang ako.

Ito na talaga yung last. Mukhang wala na akong aasahan. Okay na din yun, basta we remain friends. Siguro ngayon, sinasabi ng puso ko na mahal ko pa rin sya kahit masakit kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang talaga.

---

A/N:

This short story will have, I guess, 3 to 5 parts? Depende sa hangganan ng imahinasyon ko. Haha!

I hope you'll like it.

Vote. Comment. Share.
Thanks.

<3mhengz

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Two TimerWhere stories live. Discover now