Chat 1

501 14 0
                                    

Hersheys Menatamiz POV

Napahilamos nalang ako dahil sa inis. Agad akong naglog-out, dahil pinupatakte na naman ako ni Kitkat. About sa reportings namin, eh next week pa naman ang pasukan. Semestral break kasi namin ngayon, at yung magaling naming teacher binigyan pa kami ng sakit sa ulo. Napahikab nalang ako dahil sa antok.

Hindi ko tuloy nabawi yung nawalang star ko sa ranked game. Naglalaro kasi ako ng mobile legends kanina. Nang biglang tumawag sa messenger si Kitkat.

Istorbo talaga hayyss.

Alas dos na ng madaling araw, pero wala pa akong tulog.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para icheck ang facebook ko. Siguro tulog na yung babaeng yun.

Pag-open ko palang, naagaw ng atensyon ko ang isang friend request.

"Tob Lee Ron Makalimutan sent you a friend request"

Sino naman kaya 'to?

Inistalk ko ang facebook niya, pero puro anime lang ang laman. Pati profile niya. Picture ni Naruto ang nakadisplay.

Pipindotin ko na sana ang 'Delete request' Kaso 'Confirm' ang napindot ko.

'Jusmiyo! Bakit ba ang bobo ko?

Agad kong hinanap ang 'unfriend button' kaso biglang may nagmessage sa akin.

Tob Lee Ron Makalimutan: Thank you for accepting my friend request, I hope na iaccept mo rin ako sa puso mo :)

Agad akong nabilaukan kahit wala akong kinakain. Dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya?!

Nagsend lang ako ng sticker na 'LOL' sakanya. At agad na akong nag log-out. Wala naman sigurong masama kung hindi ko na siya i-unfriend diba? Mabait naman siguro siya.

A/N: Hi Guys! Sorry kung super ikli ang bawat update ko po. Hindi po ito kagaya ng mga ibang stories dito sa watty na super haba ang bawat chapter. Siguro kapag sinipag baka aabot ng 500 words. HAHAHA. Pero i will do my best para ma satisfy kayo sa story ni Tsokalate HAHAHA. Yun lang. Godbless po!

Pa-add po sa Facebook

Fb: JA G. Romero and Rain Montefalco WP


Sent you a friend requestWhere stories live. Discover now