The First Day of Rain

915 30 14
                                    


Umuulan ng malakas. 

Nakasilong si Apollo sa isang waiting shed. Wala siyang dalang payong. Titingin siya sa relo. Alas otso na ng gabi. Uneasy ang pakiramdam niya. Panay ang tingin sa paligid.

Maghihintay si Apollo. Si Apollo ay normal-looking guy. Hindi kagwapuhan, pero hindi naman panget. Siya yung tinatawag nilang "Saktong Gwapo". Clean-cut, well-shaved, at malinis tignan.  Ngayon ay naka-semi formal wear siya.

Mapapatingin ulit siya sa relos. Alas 10. Mapapailing siya.

"Shit," 'yun na lang ang nasabi niya sa dalawang oras na paghihintay niya sa pagtigil ng ulan. 

Hihinga siya ng malalim. "Bahala na!"

Itatalukbong ni Apollo ang dalang backpack. Susubukan niyang sumugod sa ulan. Ngunit nang mapatakan ng bahagya ang kaniyang katawan ng ulan ay nanginig na ang buong katawan niya.

Babalik siya sa shed. Mapapailing na lang siya out of frustration. Magriring ang cellphone niya. "Honey" ang registered name ng tumatawag na may picture ng isang magandang babae. Sasagutin ito ni Apollo.

"Hello, hon," bungad niya.

"Huwag mo kong ma-hon hon!" bulalas ng babaeng kausap. "Ilang oras na akong naghihintay, ang sabi mo susunduin mo 'ko. Kung ayaw mo pala akong sunduin eh di sana sinabi mo na lang kaagad! Hindi yung pinagmumukha mo akong tanga!"

"Please listen, may konting problem lang," paliwanag ni Apollo.

"Wala akong pakialam, I'm breaking up with you!" sigaw naman ng babae. Tapos ay mapuputol na ang linya.

"Eh di break kung break!" buong tapang niyang sinabi sa sarili. Agad niyang papalitan ang pangalan ni 'honey' at gagawin niyang ex honey. Makikita natin na sa phonebook niya ay meron na rin naka-register na ex sweetheart, ex baby, at ex labs.

Makakalma si Apollo. Mapapasandal sa shed. Pero bigla siyang ma-f-frustrate at mapapatayo.

"Ano ba kasing problema mo at bakit ayaw mong tumigil? Lagi mo na lang sinisira ang buhay ko!" sigaw niya sa nagngangalit na kalangitan.

"Eto ka!"

Itataas ni Apollo ang middle finger niya. Biglang kukulog ng malakas. Mapapaatras si Apollo sa gulat.

"Langya, lumalaban pa," bulong ni Apollo sa sarili pero halatang may takot sa mukha niya.

"Okay ka lang ba?"

Hahanapin ni Apollo kung saan nanggagaling ang boses na 'yun. Makikita niya ang isang babae na may dalang payong na nasa gitna ng ulan.

Nag-slowmo ang buong mundo ni Apollo nang makita ang babaeng nakapayong sa gitna ng ulan. Dinadala ng ihip ng hangin ang buhok nito. Ang mga mata nito'y parang nangungusap at parang nang-aakit. Ang mala-sutlang balat niya ay nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid. 

"Huy! Sabi ko okay ka lang ba?" panggugulat ng babae.

Babalik sa ulirat si Apollo.

"Ah, oo, ok lang ako," sagot ni Apollo.

"Mukhang stranded ka diyan eh, gusto mo bang maki-sukob sa payong?" muling sambit ng babae.

"Ayoko, hindi ako basta-basta sumasabay sa strangers," pang-aasar ni Apollo.

"Ah ganun ba? Ok sige, ingat ka," sagot naman ng babae at sabay aalis.

"Wait!" sigaw ni Apollo. "Joke lang 'yun. Ang ibig ko lang sabihin, gusto kong malaman kung anong pangalan mo."

Lalapit ang babae sa waiting shed kung nasaan si Apollo.

"Arte ha?" taas-kilay naman na sagot ng babae. "Talia."

"Talia, as in Marimar, Maria La Del Barrio, Maria Mercedes?" muling pang-aasar ni Apollo.

"So nanunuod ka nung mga yun?" pang-aasar naman na sagot ni Talia. 

"Ah hindi, yung mama ko kasi, mahilig siya noon sa mga ganung palabas," agad naman na depensa ni Apollo.

"Ah, so Sergio ba ang pinangalan niya sa'yo?"

"Apollo nga pala."

Agad na iaabot ni Apollo ang kaniyang kamay kay Talia.

Kikidlat at kukulog. Tila nakikisabay ang panahon sa unang pagdadampi ng palad ng dalawa.

Walang ibang naririnig si Apollo kungdi ang tibok lang ng puso niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RainstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon