Part 21

36 6 0
                                    


*Last Class*

Hindi na pumasok ng klase yung dalawa after breaktime. Pati yung mga friendship nila ay wala din.

Siguro naguusap na sila tungkol sa kanilang mga damdamin. Siguradong madamdamin yun mga salitaan nila. Kase, biruin mo matagal na silang hindi nagkakaimikan. Tapos yung galit nila sa isatisa, hindi pwedeng hindi saglitan lang kase kapag yung puso mo dito ay nasaktan, maraming paliwanagan. Tapos magiging okay na sila. Tapos...Ako..ay magiging masaya para sa kanila.

Pero bakit ako nalulungkot ngayon? Dahil ba i choose to give up.?

Kaagad kong pinahid yung luha ko kong nagbabadyang tumulo. Tapos hinawakan ako sa balikat ni Taeyeon. Nakita pala niya ako.

"Hahanapin natin sila pagkatapos ng klase" bulong niya.

Tumango ako habang nakikinig na lang sa teacher nmin. Yung mga ipinapaliwanag niya, wala akong maintindihan. Yung kinuwento niya,..Parang ang sakit naman pakinggan. Yung ayaw mo nang makinig, kasi nakakasakit lng.

Tapos yung tipong gusto mong pabilisin ang oras pero hindi mo naman kaya at pakiramdam mo mas lalong bumabagal iyon.

"Yoona,"tawag nung teacher nmin.

Tumayo ako.

"Will you elaborate the word.,;SACRIFiCE?" tanung nung teachr nmin.

"Sacrifice- The act of giving up something that you want to keep especially in order to get or do something else to help someone"

"Good. Now give us an example of mina's sacrifices"

"All of her life, Mina is hiding the true to herself from the people around her because she is afraid to lose everything in her life. Even if she's not happy, she tried to live and be contented from what she have. But in the end those sacrifices is became unworthy because she choose to be happy from others even if she's not." paliwanag pagkatapos ay pinunasan ko yung luha ko. Yung classmate ko ay naiiyak na rin sa akin.

Lumapit sa akin yung teacher ko at inalo ako.

"Sorry, po. Nakakadala lang kwento ni mina" sabi kong niyakap yung teacher ko.

"Sssshh! It is just story."

"Bakit kasi mas pinili pa niya ang mabuhay ng masagana kung hindi naman sya masaya? Ngayon, parehas tuloy nawala sa kanya ang dalawang bagay na mahalga sa kanya."

"Tahan na. Kwento lang yan. Okay. You may sit down."

"Kainis kasi yung Mina na yan e" nguto ko tapos umupo na sa upuan ko.

Grabe. Narelate ako sa kanya. Ayoko na ng literature.

"That's all for today. Class dismiss"

Lumabas na kaming lahat. Kasabay ko si Taeyeon pababa ng building. Nung liliko na yung way ko saka ako pinigilan ni Taeyeon.

"Akala ko ba hahanapin natin sila?" tanong niya.

Umiling ako. "Wag na. Para saan pa? Para makita lang yung bagay na masakit sa mata?" sabi kong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

Si Taeyeon ay tila naguluhan sa aking sinabi.

"Ano bang nangyari?" tanong niya. Tapos kinuwento ko ang laht. Simula dun sa natuklasan kong pagkatao ni Kim Hyun. Tapos bigla-bigla akong nabatukan ni Taeoyeon.

"Baliw ka ba?!"sigaw niya.

"Aray ku naman! Bakit ba? Nagparaya na nga ako ah? Kasalanan ko parin?!"

"Oo. Kasalanan mo! Kailangan nating makita sila! Magaaway ang mga yun!"

"Hindi sila magaaway kasi nagmamahalan sila!" sabi ko tapos bigla akong sinampal ni Taeyeon. Nagulat ako kahit sya ay nagulat din sa nagawa niya pero hindi sya humingi ng sorry at sinigawan pa ako.

"Ikaw na pinaka-MANHID na nakilala ko! Yoona, binago mo lang ang sarili mo! Pero hwag mo naman baguhin yung pagkatao mo!" sabi niya tapos umiiyak na rin sya.

"Taeyeon...."

"Hindi na ikaw yung bestfriend ko. Hindi na ikaw si Yoona na nakilala ko. Bakit ba kailangan mong maging ikaw sa katauhang ayaw mo?!" pagkasabi niya ay tumakbo siya gusto ko na sana syang habulin kaya lang natauhan ako sa sinabi niya.

Bakit ko nga ba inalis sa sarili kung sino ako. Yung totoong ako?. Bakit ba ganito ako at hindi kagaya niya?

Bakit merong Ako pero Wala naman na totoong AKO.

Yung totoong AKO!

Gusto kong makita ang totoong AKO!

Gusto ko syang makilala!

Yung totoong AKO!

Yung SARILI ko nawala sa pagkatao ko.

Tumakbo ako palabas ng school. Tumakbo lng ako ng tumakbo kahit hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta may matatakbuhan yung paa ko, hindi ako tumigil sa pagtakbo. Kahit na pagod na pagod ako, kahit na hingal na hingal ako. Kahit na nanlalabo ang mga mata ko, patuloy lang ako sa pagtakbo.

Gusto kong habulin yung nawala sa akin. Gusto kong balikan yung dating dapat ay sa akin. Kasi Ako si Yoona.

Tapos nung Busina na lang yung narinig ko and then isang nakakasilaw na liwanag yung tumama sa mata ko. Pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng sakit. Nakita ko yung dugo ko na umaagos sa semento.

Tapos nagflashback sa utak ko yung nakaraan kung saan araw-araw akong sinisigawan ni Daddy. Yung araw-araw na kikita ko si mommy na umiiyak dahil sa akin. Yung Araw-araw na nasa bar ako at nagpapakasaya sa mga tugtuging nakakarindi sa tainga. Yung araw-araw na umuuwing lasi at hindi pumapasok sa eskwela. Yung araw-araw na binabastos ko yung teacher ko kaya napapatalsik ako sa lahat ng eskwelahan na pasukan ko. Tapos yung araw-araw na paulit-ulit na namamatay sa utak ko ang nakakabata kong...kapatid ng dahil sa akin. Ng Dahil kay YOONA.

................


Gynzairel

Yoona meets Unknown GuyWhere stories live. Discover now