Chapter 1: Or what if Eric is flirting with her?

4 0 0
                                    

Jean's POV

Nagising ako bigla dahil nagring ang phone ko.

*BABES ERIC CALLING*

"Hello babe ang aga naman ata ng date natin ahh, natutulog pa ako pati 2:45 pa nga ehh." Ang unang sinabi ko kay Eric. May date kasi kami ngayon tapos susunduin daw niya ako mamayang 3:30. Tatawag lang daw siya sa akin kung nasa labas na siya ng bahay.

"Babe sorry pero hindi muna matutuloy ang date natin may importante kasi akong gagawin ehh." Pagpapaliwanag niya sakin.

Napaupo naman ako sa sinabi niya.

"Hindi na naman matutuloy?!" Grabe siya sa loob ng 2 years naming pagsasama parang 7 times pa kaming lumabas at nag date. Ehh kasi totoo naman ehh 2 years na kaming nagsasama tapos 7 times pa kaming lumabas at nag date. Parang ewan relasyon namin.

"Babe sige na last na to. Babawi talaga ako sayo bukas. Promise!!! Sige na." Paglalambing niya.

"Eric last na talaga to. Sige na bye . " Hindi ko na siya pinasagot pa, pinatay ko na kaagad ang tawag at inihagis ang phone ko sa unan ko.

Palagi nalang kaming ganito. Ewan ko, it's so complicated. Humiga ako ulit at pinikit ko ang aking mga mata. Biglang pumasok sa aking isip ang isang bagay na ginagawa ko pag nobobored ako.

SHOPPING!!!

Tinawagan ko kaagad si Kaye.

"Hello Kaye? Pumunta kayo ni Lynne dito. Pupunta tayo ng mall, dapat before 3:10 nandito na kayo. Ikaw na bahala magsabi kay Lynne. Bye!!!" Hindi ko na siya pinasagot pa at pinatay ko na ang tawag.

Agad agad naman akong naligo at nagbihis. Ang napili kong suotin ay ripped jeans na color blue at crop top para medyo sexy tapos ginamit ko ang aking sneakers na color pink. And then I'm ready to go.

Hindi pa pala wala pa pala dito sina Kaye at Lynne.

By the way, sila ang pinaka bestfriend ko. Ang true name nila ay Precious Lynne Mendoza at Vanessa Kaye Ramirez. Ako naman si Brielle Jean Garcia pareho kaming 16 years old. Medyo mayaman kami kasi ang mga magulang ni Lynne ay ang nag mamay-ari ng City Mall tapos ang tatay naman ni Kaye ay ang Business Manager sa Company namin so obviously ang tatay ko ay ang nagmamay-ari ng pinaka mayaman at sikat na company sa buong pilipinas.

Nabigla naman ako ng tumunog ang phone ko tinignan ko at nag text na pala sila na nasa labas na sila ng bahay.

Kinuha ko ang dalawang credit cards ko at susi ng room ko pati mga importante na gamit na kailangan ng mga babae pag namamasyal. Dali dali akong lumabas at nagpaalam kay manang na lalabas muna ako.

"Dalian mo nga Jean." Sabay nilang sabi sakin.

"Oo eto na po." Ito nalang ang nasabi ko.

"City mall tayo Kaye." Sabi ni Lynne sa kanya nung pagpasok ko sa sasakyan . Alam talaga ni Lynne kung saan kami pupunta syempre sila ang may-ari ng City Mall, the best mall in my whole life.

"Ok." At pinatakbo na niya kaagad ang kanyang sasakyan. Pagkatapos ng 15 minutes ng chikahan ay dumating na kami sa aming destination. Hindi naman gaano kalayo ang kaya mabilis kaming nakarating.

"Girls!!! OMG I'm so exited. Tara punta na tayo sa Clothes for fabulous Girls! Excited na sabi ni Kaye. Well alam niyo na si Kaye, siya ang pinakamahilig mag shopping tapos ako second at si Lynne naman ehh mas gustong kumain pero syempre nagsho-shopping din.

Pumasok na nga kami sa Clothes for fabulous Girls. Syempre dun kami pumasok kasi sa pangalan pa lang ehh very catchy.

Pagpasok namin agad kong nakita ang cute na kulay pink na dress na may design na hearts and flowers tapos may nakalagay na "I'm so FAB." Pinili ko kaagad iyon tapos I spotted a ripped jeans, kinuha ko naman iyon gusto ko kasi ng ripped jeans.

PILI, BAYAD, PILI, BAYAD, PILI, BAYAD

Hanggang nagutom kami at umalis na sa store.

"Guys nakakagutom kain tayo." Pagyayaya ko sa kanila.

"Sige ba ayun oh, mukhang masarap doon. Tara na." Sabi ni Lynne habang hinihimas ang kaniyang tiyan.

Pumasok kami sa isang restaurant at umorder na kami.

Habang naghihintay kami sa aming mga order may nakita akong lalaking kamukhang-kamukha niya. Pinikit pikit ko ang aking mga mata at talagang siya nga at may kasamang babae.

"Guys look isn't that Alexa?" Tanong ko sa kanila. Si Alexa ay ang pinaka maganda, sexy at flirt sa aming campus.

"OMG!!! Is she flirting with Eric?! Tanong ni Lynne na kumakain na pala hindi ko namalayang na deliver na pala ang aming order.

"Or what if Eric is flirting with her?!" Sabi naman ni Kaye.

Kinuha ko kaagad ang phone ko at nagtext ako kung nasaan siya.

Nakita kong binasa niya pero hindi siya nag reply.

Tinext ko ulit. Nainis siya kaya nagreply siya ng nasa bahay ni James yung bestfriend niya. Talagang
nagsinungaling pa.

Nagreply naman ako kung hindi ba siya nagsisinungaling.

Sabi naman niya hindi raw. Dali dali narin akong kumain para maka-alis na.

"Girl ok lang yan." Sabi nila sa akin ng sabay sabay.

"It's ok girls." Sabi ko sa kanila. "Tara na girls. Mag iwan ka ng 1000 pesos Kaye para sa bayad."

Pinicturan ko muna sila bago umalis. Pag labas namin sa restaurant tinignan ko kaagad kung anong oras na 4:30 na pala matagal tagal din pala kaming nagshopping.

"Kaye uwi na tayo, gusto ko nang matulog may klase pa tayo bukas." Sabi ko kay Kaye.

Kahit na parang sosyal at mean ako tignan I'm still concern about sa aking grades.

"Ok." At pinatakbo na niya ang sasakyan at hinatid muna ako.

After how many minutes nakarating na kami sa aking bahay.

"Bye guys, see you tomorrow. Wag mag papalate ahh?"

"Bye din Jean. Ingat always!" At pumasok na ako sa loob. Good thing wala pa si Mama at Papa.

Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at nag shower pagkatapos nag bihis tapos humiga kaagad ako sa kama ko. Tinitigan ko ang picture ni Eric at Alexa.

At nakatulog ako......

"Miss Jean? Gising na daw po kakain na po."

"Miss Jean?" Pagigising sakin ni yaya.

"Yaya? Andyan na po ba sina Mama at Papa?" Pagtatanong ko kay yaya na parang inaantok pa. Pero totoo naman. Nakakapagod kaya mag shopping no.

"Opo miss, hinihintay kana po nila sa baba." Sabi ni manang Rosa.

"Ok po manang, susunod na po ako" Sabi ko naman.

"Sige po bababa na po ako." Pagpapaalam ni manang.

Pagbaba ko agad na akong kumain at kumain sa sala. After how many minutes natapos rin ako at bumalik na sa kwarto ko.

Nagtoothbrush na ako.

At nakatulog ulit.

Hi guys. How's the story? Sensya na po kung medyo pangit sa simula pero promise magugustuhan niyo rin ang story ko. Hanggang dito nalang muna po.

Don't forget to:

Vote the Story

And

Follow Me.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Belong TogetherWhere stories live. Discover now