OND 25

60.3K 1.2K 57
                                    

[Genesis]

"grace ako to! si genesis!" tumingin ako sa mga mata niya, naka kunot noo sya habang naka tingin din sa akin

"genesis? ah, wait-- Genesis Crawford?" naka ngiting tanong niya

i smiled at her, damn hindi na ba sya galit sa akin? napa tawad na ba niya ako?

"yes, ako nga ito, kamus--

"uhmm, sorry ha? pero may gagawin pa kasi ako eh" naka ngiting sabi niya sa akin, napa tulala ako 

"uhm doc, kukunin ko lang sana yung mga papel ni Mr. arcilla" naka tingin lang ako sa kanya habang kausap ang doktor ni Margaux

damn, bakit hindi niya ako pinapansin? bakit parang hindi sya apektado sa presensya ko? bakit ganto sya umarte?

natauhan ako ng makitang papalabas na sya, mabilis akong tumayo para sundan sya, narinig ko pang tinawag ako ng doctor pero hindi ko na lang sya pinansin

....

"g-grace!" utal na tawag ko sa kanya, kasalukuyan syang naka tingin sa papel na hawak niya

"baki-- Genesis? anong kailangan mo?" naka kunot noong sabi niya

"grace, pwede ba tayong mag usap?" namamag asang sabi ko, saglit na tumingin sya sa cellphone niya at saka bumaling ulit ang tingin sa akin,

"uhm, medyo busy kasi ako eh, madami akong pasyente, siguro sa susunod na lang?"naka ngiting sabi niya, wala sa sariling tumango ako, damn, bakit ba ako natutulala sa kanya?

tumalikod na sya saka nag simula ulit na maglakad

napa lingon ako sa likod ko ng makarinig ng tumawag sa pangalan ko

"Genesis kamusta si baby?" nanlaki ang mata ko ng makitang nakatayo na si Margaux

"damn it margaux! dapat naka higa ka lang! bakit ka ba lumabas?" inis na utas ko, yumuko sya

"a-ayaw ko kasi doon, wala akong kasama" sabi nya, bumuntong hininga naman ako saka lumapit sa kanya at inakbayan sya

inalalayan ko syang maglakad

wala sa sariling napa lingon ako sa likod ko, at nanlaki ang mata ko ng makitang naka tingin sa amin si Grace, ng makita niya na nakatingin ako sa kanya, bigla syang ngumiti saka tumalikod na at tumuloy na sa paglalakad

damn baka kung ano na ang isipin niya!

..........

Nasa bar na ako ngayon, inihatid ko na si Margaux sa bahay nila, pinalabas din naman sya agad nung doktor eh, sinabihan lang sya na wag masyadong ma is stress dahil makakasama yun sa ipinag bubuntis niya

napa buntong hininga ako, damn it, bakit ganun ang pakikitungo ni Grace sa akin? bakit parang umaakto sya na parang walang namagitan sa aming dalawa?

galit pa ba sya? pinatawad na ba niya ako? mahal pa ba niya ako? i really hope that grace still loves me, dahil ako mahal ko sya, mahal ko pa din sya hanggang ngayon, huli ko nga lang na realize noon kaya nasaktan ko sya

but damn! i still want her! i need her! and i Freakin' Love her!

tuloy tuloy lang ang pag inom ko ng alak, iginala ko ang mata ko sa mga taong nag sasayaw

alam kong lasing na ako kasi medyo nahihilo na din ako eh, pero kaya ko pa namang mag drive

napa titig ako sa isang babae na naka red dress, may naka akbay sa kanya lalaki na naka blue namang polo shirt, nag bubulungan pa -,-

One Night Deal(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon