Once Upon A Sundae

38 2 0
                                    


Yvette's Point of View

I was never fond of parties. Especially children's party. Tuwing birthday ko, naghahanda lang kami sa bahay. Mga pamilya at kaibigan lang ang imbitado.

But today, it was different. Pinag-ipunan ng magulang ko ang 7th birthday ng younger sister ko. They spent too much for Yanna's birthday.

Hindi na ako mage-expect ng bonggang handaan sa 18th birthday ko, given the fact that they already spent too much today.

Medyo nakakainis lang na marami kaming pera noon pero hindi nila ako binigyan ng ganitong birthday. Samantalang ngayong kagagaling lang namin sa bankruptcy, napaghandaan pa nila ang 7th birthday ng kapatid ko.

Not that I wanted a party like this. Unfair lang isipin na hindi nila ako ginastusan ng ganito.

No wonder, malayo ang loob ko sa kanila lalo na sa paborito nilang si Yanna. Para lang kasi akong extra sa pamilya nila. Ang sakit isipin.

Because of that I hated people. Or should I say, I became afraid of people. I'm scared that people would only hurt me.

Ewan ko ba. Bakit pa ba ako sumama sa party ni Yanna dito sa Jollibee? I should've stayed at home.

Yanna is the center of this party, of course, and I'm not needed here.

"Yvette, okay ka lang ba?" No, I'm not. I never was.

"Yup, pero medyo bored na po ko. Puwede na po ba akong umuwi?" Tanong ko kay Mama.

"Sandali na lang naman, hija. After ng meal, another set of games na lang at appearance ni Jollibee and we're done. Maiwan muna kita, anak." Tinapik pa ako ni Mama sa balikat bago umalis at asikasuhin ang ibang bisita.

Hays. No matter how much I hated their special treatment to Yanna, I still love them. Nirerespeto ko pa rin sila dahil may magaganda rin naman silang nagawa sa akin.

"At ngayon, nandito na ang pinakahihintay ninyo mga bata. Mula sa Jollitown, sino itong kaibigan nating lahat?"

"Jollibeeeee!"

And the children went crazily excited because of that mascot. Daig pa niya ang superstar sa init ng pagtanggap sa kaniya ng mga bata.

Todo hiyawan ang mga bata habang naglalakad papunta sa harap si Jollibee.

Sumayaw nang nakakainis na sayaw si Jollibee together with the host and a waiter. Natutuwa ang mga bata but I felt otherwise.

I used to like everything about Jollibee.
Twirlie was my favorite and Jollibee was his. I used to be Twirlie but my Jollibee left me. Iyong Jollitown naming dalawa ay nasira gaya ng mga pangako niya. Well, aside sa bitter memories dito, masarap naman ang pagkain sa Jollibee and mababait ang crew.

Nang matapos ang sayaw ay nagtama ang mata namin ng mascot ni Jollibee. Nagpabebe wave si Jollibee sa akin at nagpacute. Buti na lang at hindi masyadong napansin ng iba dahil may kung anong sinasabi iyong host.

Tinawag sa harap ang magulang ko to give a speech. Wish nila maging ganito at ganiyan si Yanna.

To my surprise, tinawag rin ako para magwish daw.

"Happy 7th birthday. God bless." Pagkatapos ay umupo na agad ako.

"Okay, so siyempre meron ding wish si Jollibee para kay Yanna." Tinatranslate nang host ang gestures ni Jollibee.

"Una, sana ay lumaki si Yanna na matalino at maganda tulad ni Ate." Tinuro ako ni Jollibee.

"Pangalawa, sana ay lumaking mabait at seksing-seksi si Yanna tulad ng kaniyang Ate." Tinuro ulit ako ni Jollibee.

Once Upon A SundaeWhere stories live. Discover now