Chapter 41: Mahal mo ba anak ko?

17.9K 263 20
                                    

Pepper's POV


We're together for one month now. At sa araw araw na magkasama kami, wala na akong mahihiling pa. It feels like really home! Kaso hindi pa nakikilala nila daddy si Dominic. Saka na lang daw kapag medyo matagal na kami. Nasa province din kasi sila ngayon. Syempre christmas. Gusto nga ako isama ni Bryce pero siya ang may ayaw. Ewan, may na feel nga ako na parang may hindi tama sa mga nangyayari. Parang may hindi siya sinasabi sakin. Kung nakita niyo lang itsura niya nun nung tumututol siya na sumama ako. Talagang handa siyang ipilit ang gusto niya til death.

Pero hindi ko na siya tinanong pa tungkol dun. Baka kasi ako lang ang nag iisip ng kung ano ano. Tumatawag naman siya sakin tuwing madaling araw. Yun lang daw kasi ang free time niya dahil madami daw pinapagawa grandpa niya and syempre family affair. Hanggang umaga na kami mag uusap. May time nga na nakatulog na ko tapos pag gising ko nandun pa din siya. Tulog din. Kung di ko pa sisigawan hindi gigising.


"Anak, nakahanda na yung pagkain. Tara na" mula sa labas ng kwarto ko kumatok si daddy.

Namiss ko tong kwarto ko na ngayon ay nakukulayan na ng royal blue. May mga paw prints pa ng pusa kasi favorite pet ko yun. Pero nung namatay si Boomer - yung pusa ko, hindi na ko nag alaga ulit dahil sobrang nakakalungkot. Ganun pala talaga kapag napamahal na sayo. And for me Boomer is irreplaceable.

Hininto ko muna yung ginagawa ko. Nagdidikit kasi ako ng pictures namin ni Dominic sa scrapbook. Iniipon ko kasi yun para one day kapag kinasal na kami, may mababalik balikan kami at may maiipapakita sa mga magiging anak namin.

Ang advance ko mag isip noh? Pero kasi yun talaga ang gusto ko. Siya na yung huli.


"I miss you" kausap ko siya sa phone as usual. Alas dos na ng madaling araw pero feeling ko ang aga aga pa. Parang magsisimula pa lang ang araw ko oras na magkausap na kami.


"I miss you more. Sana nandito ka" malungkot na sabi ko sa kanya para lambingin niya ko. Di ba ganun naman ang mga girlfriend? Magdadrama para mapansin ni boyfriend. Though I miss him so much na kung may teleportation powers lang ako, pupuntahan ko siya ngayon din.


"Babe, baka hanggang new year kami dito. Unexpected eh. Change of plans" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Sabi niya kasi uuwi na din sila bukas tapos magkikita kami.


"K" maikling sagot ko


"Hey, you mad?" hindi naman ako nagagalit. Naiinis lang ako at nalulungkot. Nakakabaliw na kasi yung ganito na ang layo namin sa isat isa!


"No"


"Eh bakit ganyan mga sagot mo sakin? Ah alam ko na, yakapin mo si Pokey at isipin mong ako yan. Okay? Love you so much sweetheart" he said breathlessly. I suddenly felt blushing. I got the sweetest boyfriend with me. Ang tinutukoy niyang Pokey ay ang pink teddy bear na binigay niya sakin bago sila umalis.


"I loveyou--"


"I loveyou too so much sweetheart"


"Waaaaah!" napasigaw ako ng may ibang sumagot. Nakaangat yung extension phone at nakikinig si daddy!


"Uhm hello po?" tanong ni Dominic na siguro nagulat kung bakit naging panlalaki ang boses ko


"Babe wag ka muna magsalita! Daddy ikaw ba yan?" tanong ko in a shaking voice. Nakakahiya! Lately, hindi nga ako nakakapaglambing kay daddy sabay ngayon eto maririnig niya nag i loveyou ako sa boyfriend ko? Ugh!


"Ako nga ito Pepperoni, aba anong oras na ah" si daddy nga at buti na lang hindi naman siya galit. Tahimik lang naman si Dominic


"Daddy five more minutes po"


"Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?! Sumagot ka kung di babarilin kita!" seryosong sabi ni daddy na ikinataranta ko naman.


"Daddy!"


"Uhm, good morning sir. Opo ako ang boyfriend ng anak niyo. Ako po si Dominic"

Nararamdaman ko na mahaba habang interrogation ito. First time na makikilala ni daddy ang boyfriend ko tapos sa ganitong paraan pa. Ano ba yan, nung na meet ko parents niya mukha akong basura. Tapos ngayon naman siya ang makikilala! Sa hindi inaasahang pagkakataon na naman. Napaka trite naman talaga ng kasabihang expect the unexpected!


"Bakit hindi kita kilala at paano mo nakilala ang anak ko?"


"Uhm dad magka--"


"Tumigil ka nga Pepperoni hindi ikaw ang kausap ko. Ikaw na ba si Dominic ngayon?" putol ni daddy sa pakikipasok ko sa usapan. Naririnig ko naman si Dom na pinipigil yung tawa niya sa kabilang linya.

"Schoolmates po kami, Sir"


"Mahal mo ba anak ko?" kung kanina mukha akong tanga, ngayon naman parang gusto ko i cheer si daddy sa tanong niyang yun


"Opo sir. Siya po ang first love ko" ibinaba ko na ang phone at tumakbo sa kwarto nila daddy. Naabutan ko siya na kausap pa din si Dominic. Tumabi ako sa kanya at itinapat ang tenga ko sa receiver. Pero di na kailangan dahil ni loudspeak niya na. Si mommy mahimbing ang tulog dahil napagod sa pagluluto kanina.


"Handa ka bang gawin ang lahat para sa anak ko?"


"Opo sir, kahit buhay ko pa ang kapalit" tinakpan ko yung bunganga ko para hindi mapasigaw sa kilig. Patalon talon pa ko na parang palaka. Si daddy naman umiiling na nangingiti. Am I this inlove na nagiging childish na ako?


"Paano Dominic kung hindi naman pala ikaw ang nakatadhana sa anak ko?" matagal na katahimikan ang namagitan bago magsalita si Dominic. Kinakabahan ako. Siguro talagang pinag isipan niya ang isasagot niya.


"Hindi po ako naniniwala sa destiny... Kasi ang buhay natin nakadepende sa choice na pinili natin. Pero if ever nga po na hindi siya para sakin, handa akong kalabanin ang tadhana wag lang siya mawala sakin. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, sir. At alam kong mahal din ako ng anak niyo to the point na hindi niya din kakayanin na mawala ako." nagulat ako sa kaseryosohan ng sagot niya. I didnt expect it. Halata naman na na impress si daddy sa sagot niya

Totoo din ang sinabi niya. Hindi ko naman talaga kakayanin kapag nawala siya. Ilang chance na nga ang pinakawalan namin nun. Pero hindi na ngayon. Nag promise din kasi ako sa sarili ko na ita try kong hindi man yung perfect pero yung pinaka the best para sa kanya. Gusto kong burahin sa isip niya na hindi isyu yung age gap namin na three years lang naman para magmahalan kami.

Alam kong gusto siya ni daddy. Napangiti ako. Next year ipapakilala ko na siya. Para mas maging malaya kami. In that way na may blessing nila ang relasyon namin, alam kong mas magiging masaya pa kami.


"Paano mo nalaman na mahal ka talaga ng anak ko?" follow up question ni daddy


"I can see it in her eyes" sagot niya


Am I too that inlove para maging ganun na ka transparent sa paningin niya? At ano bang nakikita niya sa mga mata ko para ma confirm ang nararamdaman ko? Ugh, damn him minsan talaga napaka lalim magsalita nun.


"Well then, I guess this interrogation is over. Im handing the phone to her. Take care of my daughter. She's all we got" binigay na sakin ni daddy yung phone and tapped my back


"Hey"


"It was nice talking to your dad" sabi niya at masasabi kong hindi yun biro


"You mean our dad?" I asked sheepishly


"Hahahaha"


"What?"


"Yeah.. Our dad"

How Did I Fall Inlove With You?Where stories live. Discover now