Never Too Late

11 0 0
                                    

Charlenne's POV

Alam kong malas ako kasi nagkasakit ako pero ng dahil kay Darwin , naramdaman kong may dahilan pa na sumaya kahit na sandali na lang ako sa mundo . He never gave up on me , pinapalakas niya ko lagi . Mahal na mahal talaga niya ko , sobrang dama ko yun . Bawat araw na lumilipas , lagi siyang may ginagawa para patahanin ako , ang swerte swerte ko gawa niya . Iniwan ko na sya noon pero andito pa rin sya hanggang ngayon . Ano bang ginawa ko at minahal niya ko ng sobra ? Bukod sa durugin at saktan ang puso nya , bat di nya ko mabitaw bitawan ? :| Limang buwan na ang lumipas simula ng magkabalikan kame ni Darwin . Ilang linggo na lang din , sasama na ko kay God . Nalulungkot ako , sobrang nalulungkot . Ayoko pang iwan yung mga mahal ko pero ano nga namang laban ko . Tao lang ako , mamamatay , pero bat ang aga ko kase kunin ni Lord , ni hindi pa nga ko nakakapagtravel kasama si Darwin eh :'( Unfair talaga ang buhay . You should cherish every moment of your life , di naman kase natin alam kung kelan tayo mawawala dba ? Magsorry ka na sa lahat ng mga nagawan mo ng mali at sabihin mo na yung mga gusto mong sabihin sa iba bago pa mahuli ang lahat . Ako nga oh , binalikan ko na si Darwin habang may oras pa, di ko kase mapigilan yung sarili ko na hindi sya yakapin . Mamimiss ko kase siya talaga . Ano na kayang mangyayari sa kanya pag nawala na ko ? Haaaaaaaaay :'(

"Babyyyyyyyy , goodmorning <3"  niyakap niya ko agad . Di ko pala nasabi sa inyo na dito nagsstay si Darwin samin habang buhay pa ko . Pumayag naman ang parents ko at ang parents niya , syempre , sino bang tututol eh limited na nga ko . Mahina na din ako , madalas na lang akong naka wheel chair or nakaupo sa kama ko .

"Say ahhhh daliiiii" Lagi nya din akong pinaghahandaan ng breakfast in bed, grabe talaga tong lalaking to .

"Masarap ba luto ko ? Cute cute mo talagaaaa" Masaya na ko twing nakikita ko syang nakangiti sa harap ko , napapangiti na lang din ako bigla gawa nya eh <3

"Charlenne , baby . iloveyou" ang seryoso ng muka nya . Parang gusto ko na namang umiyak .

"Ohhh wag ka ng umiyak cha , please ? Malulungkot ako sige ka"

Bigla ko na lang syang niyakap , naiiyak na talaga ako eh :|

"Uyyy babyy , wag na sabing umiyak ehh . Mahal kita"

Naiiyak ako pag sinasabi nyang mahal nya ko , di ko matanggap na di ko na sya makakasama . Ang bigat sa pakiramdam , gusto kong lumakas , gusto kong maging normal ulit . Darwin iloveyoutoo :'(

"May sasabihin ako sayo Cha , nasabi ko na din to sa mga magulang natin .. pumayag sila na sumunod ako sayo ."

Bigla ko syang sinimangutan . Loko to , nagbiro pa -___-"

"Joke lang baby , hmmmm . pikit ka muna :)"

Sumunod na lang ako sa kanya . Pagkapikit ko , maya maya hinalikan nya ko dahilan para dumilat ako . 

"Will you marry me Charlenne ??" may hawak syang maliit na box :"""""(

Matutuwa ba ko o malulungkot lalo ? </3

"Da .. Darwin" Napahagulgol na lang ako sa sinabi nya TT_______TT

"Umiyak ka na naman . Shhhhhh tahan na . Ayokong di tayo kasal pag nawala ka . Mahal kita dba ? kaya papakasalan kita hanggang sa huli . Happy man o sad ang ending naten . Gusto ko lang siguraduhin na akin ka kahit nasa langit ka na . Dont worry , sayong sayo lang din ako . Ganto kita kamahal Charlenne <3"

Ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo <3

Never Too LateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang