Kabanata 7

33.4K 357 6
                                    

  
Umalis si Ryan dito sa unit ko ng mga ala sais. Ngayon ay alas dose na at wala parin siya. Anim na oras na kung naghihintay sa kanya. Nag-aalala na ko kung ano ng nangyari sa kanya. I already call him pero walang sumasagot sa mga tawag ko. Kinakabahan na ko.

I tried to sleep but I can't. Pumipikit nga ang mata ko pero ang utak lumilipad naman sa kawalan. Kaya andito ako ngayon sa sala at umiinom ng gatas. Sinubukan ko na ring magbasa pero hindi talaga ako dinalaw ng antok.

Tumayo ako ng tumunog ang phone ko. I open it at agad na bumungad sa'kin ang litrato ni Ryan together with a girl. Agad na nag-init ang kalamnan ko dahil sa nakita. Tinignan ko kung sino nagpadala sa'kin at agad ding namilog ang mga mata ko ng si Allison iyon.

Tinawagan ko siya agad para makomperma itong pinadala niyang picture.

"Kita mo na? " bungad niya agad sa'kin.

" 'Asan ka? Bakit may ganito kang picture niya? " nahihimigan ko ang panginginig ng boses ko at dahil ito s galit.

" Andito ako ngayon sa bahay nila. Ngayon ko lang nalaman na magkaibigan pala ang mga parents namin. They invited us. Na-O'OP nga ako dito, eh. Bakit hindi ka pumunta dito? Para makita mo talaga kung ano ang ginagawa nitong si Ryan kapag wala ka. And don't worry wala na dito parents nila. " aniya.

Hindi na ko nakipagkwentuhan sa kanya at agad akong nagbihis para puntahan ang hinayupak na 'yon. Gumaganti ba siya sa'kin?

*

Naghihintay si Allison sa labas kaya agad kong nakita ang bahay nila Ryan. Hindi pa ko nakakapunta dito kaya this is so unfamiliar for me.

" Bakit hindi ka pa umuwi kung wala na pala dito parents mo? " agad kong tanong sa kanya pagkababa ko.

" Kung umuwi ako 'di sana 'di ko nasaksihan ang mga ginagawa ni Ryan ngayon. And besides nagpaiwan talaga ako kasi trip ko 'yong isang pinsan niya. " aniya habang papasok kami.

Malaki ang bahay nina Ryan. A picture of a modern house. Lahat ng makikita mo moderno. From floor to ceiling.

Nasa may pool sila at mukhang nagkakatuwaan. I can hear loud music.

" Lasing ba siya? "

" Yeah! Kasi nilasing nung babae. Uuwi na sana siya, kaso pinigilan niya. Mabuti at nakapagtimpi ako at 'di ko siya sinugod. "

" Does Ryan know your're here? "

" No. Hindi niya alam at hindi rin ako nagpakita. Look. " sambit niya.

Agad kong tinignan ang nginuso niya. At agad ko ring nakita si Ryan. Nakaupo si Ryan habang nasa kandungan niya iyong babae. Sumasayaw. Habang ang nasa paligid nila ay naghihiyawan. Agad na kumulo ang dugo ko kaya nagmartsa ako patungo sa kanila.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Allison sa pangalan ko pero 'di ko na siya nilingon. I am so furious sa nakita ko.

Hinawi ko ang nakaharang sa dinadaanan ko. Narinig ko pang nagreklamo sila pero hindi ko pinansin. Agad kong hinablot ang buhok ng babae at hinila siya palayo sa kandungan ni Ryan. Biglang tumahimik ang paligid but the music is still there. Sinampal ko ang babae ng sobrang lakas bago ko siya kinaladkad patungo sa pool.

Napupumiglas siya at nagsisisigaw pero para akong walang narinig. Naramdaman ko na nabaon ang kuko niya sa kamay ko pero di ko siya ininda. I push the girl in the pool.

Walang umawat sa'kin dahil siguro sa gulat.

"Buti nga sa 'yo malandi ka." sigaw ko sa babaeng basang-basa na ngayon.

Tinalikuran ko ang babae at hinarap si Ryan. Kita ko ang gulat sa mukha niya. Tss! May ulirat pa pala ang isang 'to pero nagpapalandi. Kung hindi ako dumating I'm sure may mangyayari sa kanila.

Paglapit ko sa kanya ay agad ko siyang sinampal. Doon lang nabalik ang huwisyo niya at tumingin sa'kin.

" Manloloko. Naniwala ako sa'yo. Naniwala ako kasi ang akala ko totoo ka. Sumugal ako sa nararamdaman ko. Sumugal ako dahil mahal kita. Pero bakit ganito? Sobra-sobra na ang tinaya ko pero ito... Niloko mo pa rin ako."

*

" Tss! Tama na. Matulog na tayo. Malapit na sumikat ang araw, oh. "

" Hayaan mo na ko. Kaya ko pa. Ikaw na matulog. "

Hindi ko na kinaya. Ang sakit palang maloko. Ang sakit palang magago. Tang'na! Bakit ba ko naniwala sa lalaking 'yon? Bakit ba ko nahulog sa mga pinaggagawa niya. F•ck buddy lang kami. 'Yon lang ang magiging papel ko sa buhay ng mga lalaki. Wala ng magmamahal sa'kin ng tunay.

Pamilya ko nga tinaboy ako sila pa kaya. Nakakatanga lang. Sige! Suko na ko. Sila na panalo at talo na naman ako. Palagi nalang. Palagi nalang ako talo. I'm a big big loser. Talunan ako kahit kailan. Walang tatanggap sa'kin kahit na sino.

*

Ilang araw akong nagmukmok sa unit ko. Hindi ako tumatanggap ng bisita. Si Allison nga di ko pinapapasok dito si Ryan pa kaya. Oo, nangungulit siya sa baba na papasok daw siya dito pero sinabihan ko sila na hindi pwede. I change my password dahil alam na din ni Ryan iyon.

Tawag siya ng tawag sa'kin pero 'di ko sinasagot. Pinatay ko na ang phone ko para walang makatawag sa'kin. Hindi na ko uminom kasi lalo lang sasakit ang ulo ko.

Nagpadeliver na lang ako ng iba't-ibang pagkain para pagkakalibangan ko. Nanuod din ako ng p•rn video para ma divert itong pinagdadaanan ko pero hindi rin gumana. Kaya nandito ako at nakatiya sa couch habang kumakain ng pizza.

" Hay!!! Nakakaloka na 'to ha. Hindi nga ako malolosyang sa mga lalaki pero malolosyang naman ako kakamukmok dito. Hindi na ko nasisinagan ng araw. Para na kong bampira nito. Tss! " reklamo ko sa sarili ko.

Hindi pwedeng ganito nalang palagi. Hindi pwedeng maging mahina. Hindi pwedeng magpapaapekto nalang ako sa panglolokong ginawa sa'kin ng lalaking 'yon. I need to be strong. I need to chin up and face him.








edited

HIDDEN ACTIVITY [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon