Chapter 29 - Before the Next War

2.3K 76 4
                                    


Ilang araw ang nakalipas matapos ang ginawang pagtangay ni LA kay Alyssa at ang komprontasyon sa pagitan nina Bang at Ara pero hanggang ngayon ay wala pang nagpapakita ni isa sa kanila.

Nakaalarma na ang buong pulisya at militar sa paghahanap sa dalawa at pati na rin sa pagbantay sa kasalukuyang presidente na si Bong Ravena.Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring kasiguruhan kung may pag-atake ngang magaganap sa araw ng SONA na ilang araw na ring ipinagpaliban.

"Kim..." Walang buhay na tawag ni Mika kay Kim nang makita ang pagdating nito.

"I'm sorry Ye, ngayon lang ako nakapunta sa'yo. Masyado kasing abala ang lahat sa headquarters. Ayos ka lang ba? Nababantayan ka ba ng maayos dito?"

"Ayos lang ako, Kim. Ang gusto kong malaman ay kung totoo ba... Kung totoong nagbalik na ang ala-ala ni Ara at niloloko lang tayong lahat ni Bang?" Nanlulumong tanong ni Mika na malapit ng maiyak.

"Oo, Mika. Nung huling magkausap kami, bigla na lang siyang nanghina at nahilo. Pagkatapos non hinahanap ka na niya at iyak na siya ng iyak. Hinayaan ko lang siya hanggang sa sabihin niyang kailangan niyang makita si Bang upang kausapin... Mula non hindi ko na siya nakita." Malungkot nasaad ni Kim. "Pero alam kong malapit na siyang bumalik, Ye."

"Kahit pa totoo yan... Hindi ko alam ang gagawin, Kim... Gising na si Kiefer... Hindi tamang ganito pa rin ang nararamdaman ko para kay Ara."

"Wag mong sabihin yan, Ye... Alam nating pareho kung sino si Ara sa buhay mo at kahit pa si Kiefer ang piliin mo hinding-hindi na siya mawawala..."

"Ewan ko, Kim. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari ngayon." Naiiling na saad ni Mika.

"Naiintindihan ko." Tugon naman ni Kim saka inakbayan at bahagyang niyakap si Mika. "Nandito lang ako palagi ha? Pati na rin si Jessey, yung kambal, Si Den, si Carol... Nandito lang kami kapag kailangan mo ng matatakbuhan." Paalala niya rito.

"Salamat, Kim."

**

"It's been days and still we haven't got a clue where that bastard brought Alyssa!" Dismayadong saad ni Mike saka hinampas ang mesa sa harapan niya. "Sinusumpa ko. Sa susunod na makita ko ang hayop na yon hindi ko na siya bubuhayin pa!"

"Kailangan nating maging matiyaga, Mike. Mahahanap din natin siya." Kalmadong saad ni Armand. "Maging ako nga ay sobrang nag-aalala na para kay Alyssa... Hindi maganda ang lagay niya."

Nagulat naman ang dalawa dahil sa biglang pagdating ni Edmond na humahangos pa.

"Si Ara... Bumalik na siya!" Balita nito sa dalawa.

"Victonara Galang?" Tanong ni Mike na napatayo na.

"Oo. Tulad nga ng report ni Fajardo. Si Dr. De Vega at si Ara ay iisa at kailan lang siya nakaalala at sandaling nagpakalayo... Ngayon bumalik na siya't sa mga tauhan ko unang nagpunta."

"That's good news! Kung ganon kailangan na natin siyang makausap ngayon din!" Sabi naman ni Armand. "Kailangan niyang malaman ang nangyayari kay Alyssa."

"She's on her way now. Kasama ng mga tauhan ko." Pahayag ni Edmond saka naupo na may ngiti sa labi. "Sinasabi ko na nga ba at hindi siya namatay."

"Hindi ba... Gulo ang hatid nito kay Aereen?" Alanganing tanong ni Mike kayEdmond. "Lalo pa at gising na rin si Kiefer at kasalukuyang nagpalagamot."

"H-hindi ko muna iniisip ang tungkol diyan... Malaki na si Aereen at iniiwan ko na sa kanya ang mga ganyang desisyon dahil alam kong responsable siya... Pero kung sakaling maipit si Aereen rito ay hindi ako magdadalawang isip na mangialam." Seryosong saad naman ni Edmond. "Si Dennise? Kumusta na siya?" Balik tanong naman nito.

Parallel Worlds : Break Through The TangentWhere stories live. Discover now