"Nasaan tayo?" Pagtatanong ko sakanya nang makababa na kami . Isa pa, hindi siya nakashades or kahit ano. Kapag siya pagkaguluhan dito, iiwan ko siya!
"Hindi ko alam." Hindi niya pala alam e---"WHAT!? Hindi mo alam? Kai naman hahanapin na ako ni mama dun! Mayayari nanaman ako! Ugh! Kim Jongin slash Kai nakakainis ka talaga!" Sigaw ko sakanya. Ako naman tong hindi natauhan at napaka-shunga. Nag walk-out kasi ang mokong at syempre ano pa bang isisgaw ko?
"KAAAAAIIIIIII!!!" Sa sobrang inis ko, napasigaw nalang talaga ako. Sino ba naman hindi maiinis sa bigla ka nalang hilahin papalabas ng classroom at dalhin sa lugar na hindi mo alam? At hindi rin niya alam? At kung maka-walkout pa siya, akala niya alam niya ang lugar na 'to. Pinagmasdan ko ang mga buildings.. puro Korean stores!
At sa gilid nakita ko, "Welcome to K-Pop Town in Makati!" (A/n: Gawa-gawa lang ko lang yan)
Napatakip nalang ako ng bibig sa gulat nang makita ko ang mga babaeng nagtatakbuhan at natatarantang kinuha ang mga cellphone nila at may pinipictur-an.....si Kai!
"Oh my gad ate! Salamat at binanggit mo ang pangalan niya, nako kung di dahil sa'yo magsisisi ako ng bongga paguwi ko pag malaman kong andito siya tapos hindi ko siya nakita! Waaaah! Tignan mo oh, naka close up pa ako sakanya!" Sabi ng isang babaeng sobra na ang feels at sa akin pa binuntong! Pagkatingin ko sa cellphone niya ay...
picture nga ni kai! at andami nang nakapalibot sakanya at kitang kita sa mukha niya ang pagka-hirap. OTL Oo eh! Pagkahirap talaga ang term kasi hindi naman siya sanay na pagkaguluhan kasi hindi yan lumalabas ng magisa lang.
Dali-dali akong tumakbo at hinanap siya. Uhgh! Bakit ang bilis kasi maglakad nun? Saan na kaya napunta yun?
"Excuse me, may nakita kayong ano.. pinagkakaguluhan?"
"Ah oo doon siya papunta, sino ba iyon? Grabe pagkaguluhan dito ineng!" Nginitian ko nalang si lola at sumugod na.
Takbo...
Takbo...
Hanggang sa matanaw ko na ang isang lalaking pinagkakaguluhan nga. Papalapit na sana ako pero nagulat ako nang biglang ako na ang dumugin ng mga fans na kanina lang ay siya ang dinudumog!
What the hell is happening?
"WAAAHH! SIYA ANG EXO'S GIRL!!!!" Puta 'yan nanaman! EXO'S GIRL. KINGINANG EXO'S GIRL YAN! PAHAMAK SA BUHAY!
"Omg oo nga! At last na-reveal na din ang face ni unnie! Wahhhhhhh omg sa lahat ng babaeng nalilink kay Kai Oppa, Ikaw lang ang pasado samin!" Inaalog-alog ako ng mga fans niya. Wala naman na akong nagawa kundi ang magpa-alog at magpa-tulak at tumungo. Mapapagod din sila. Naisip ko. Kung ang mga idols napapagod, malamang ang mga fans, napapagod din.
"She's not HER! Leave her alone! PLEASE?!" Biglang tumahimik ang mga tao sa paligid at nakita kong wala nang gumagambala at gumugulo kay Kai dahil lahat sila nabaling ang atensyon nila sa akin, na akala nilang.. ang EXO'S GIRL.
"She's not that... girl.. Her name's Janey Jung. Please leave the fuck her alone and don't you ever lay a hand on her. She's a friend of all of us 12. She's a different girl. Hindi siya ang babaeng nakikita niyong kasama namin months ago... because that girl... argh. Just leave Janey alone." Nakita ko din na nakatungtong pala siya sa isang table. Bumaba siya at binigyan siya ng space ng mga fans na maglakad papunta sa akin.
"Let's go." Hindi muna nagpa-alam... bigla-bigla nalang nanghahawak ng kamay.
"I envy her..... nahahawakan niya ang Kai natin! REVENGE!" Binigyan siya ng glare ni Kai at dun naman siya natahimik.
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)
Fanfiction{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya? Started: August 25, 2013 Finished: April 12, 2014