Chapter 1- 1st Encouter

237 5 0
  • Dedicated kay Jam Arcilla
                                    

Kumusta? Alam ko yung iba baka mawirduhan sa story na ito. Medyo magulo at sana maabot ng imagination nyo ito. Mehehe.(sorry may pag kaweird din ang writer. *Toinks*)

Sa palagay nyo ba magkakagustuhan ang dalawang taong may magka ibang personality? Pero sa ibang nababasa, napapanood at nakikita ko Oo meron din na ganon ang pangyayari.

Ang dalawang tao na pwede na hindi pwedeng magkagustuhan. Parang tubig at langis hindi daw pwedeng pagsamahin? Try nyo kayang paglahukin sa iisang lalagyan. O diba magkasama na sila. Pagtinapon nyo ba hihiwalay yung tubig sa langis o langis sa tubig. Diba hindi? Kase magkasama pa din sila kahit hindi mu haluin.

…Sshhh. Quiet ka lang ha? We have a secret. But please don't tell anyone.

At eto na nga sisimulan ko na kaya ang paglalahad sa kwento namen na magulo, may pagka weird at SPG as in SPG po sa karahasan. Walang green minded dito okay? Pero hindi naman sya sobrang karahasan. Slight lang.

Chapter 1- 1st Encouter

Bago ang lahat magpapakilala muna ako. Ang pangalan ko ay Bella Primrose Lopez. Na ang ibig sabihin daw ay Maganda at Maayos na rosas. Yun ang sabi ng mama ko. 17 years old na ako. At nasa ika limang baitang ng High School. Kung ang elementary eh may anim na grade. Ang High School naman dito eh may anim din na years. Simula Grade 7 hanggang Grade 12. At Grade 11 na ako.

 Malapit ng mag senior, makakatakas na din ako sa mga magulang ko. pagnatapos na ako ng high school. Makakaalis na din ako sa pamamalakad nila. Bakit nga ba gusto kong umalis sa poder nila? Dahil mas gusto kong mamuhay ng mag isa. Yung walang kokontrol. Yung kung saan magiging masaya ako. Hindi ko kase gusto ang buhay ko ngayon. Bakit? Dahil kinokontrol nila ako. “wag mung gawin yan” “ganito ang gawin mo” “ayusin mo yan” “ayusin mo ito” yung mga ganong bagay. At sawa na ako. At ang higit sa lahat na ikinatatakot ko ay yung dumating ang araw na ibabayad nila ako sa pinagkaka utangan nila ng loob. Ano ang mararamdaman mo pag ipambabayad ka lang pala sa utang?

Hindi ko din gusto kung saan ang kinabibilangan kong pamilya ay kinatatakutang kalabanin ng ibang pamilya pagdating sa negosyo. At sa pinapasukan kong school walang nakaka alam ng tunay kong pagkatao. Maliban na lang sa president ng school at principal. Pinaki usapan ko silang wag sasabihin kahit kanino ang tungkol saken. Ayoko kase ng mga plastic. Yung kilala ka lang dahil sa may maganda kang katayuan sa buhay. At ano ang tingin nila saken ngayon? Isang weird, low profile at pangit na babae. Eh pano kaya kung alam nila ang stado ko sa buhay? ano ang magiging tingin nila. Ahh alam ko na. Isang maganda at kahanga hanga sa paningin nila. Ang lalabo din ng mga tao.

 Mas pinili ko ang buhay na mag isa na lang ako. Kahit walang kaibigan okay lang ako. Nadanasan ko na din dati ang gamitin at pagtaksilan ng mga dati kong itinuring na matatalik na kaibigan. At ang masaktan dahil sa pagmamahal na akala ko tunay. Yung ibinigay ko ang buong buhay ko para sa kanya pero nabigo lang ako. At ipinangako kong hindi na iyon mauulit pa. Mas gusto ko kung ano ako ngayon. Mas gusto ko na nilalayuan nila ako. Mas gusto kong hindi nila ako nakikita bilang isang mayaman. Kahit itsura ko tinatakpan ko din para hindi nila ako mapansin. At minsan pumasok na din sa isip ko na may halaga pa ba ang buhay ko? Pero inalis ko sa isip ko ang mag suicide dahil sa dipresyon. Ewan. Siguro dahil takot akong mamatay?

…….. @ the DAEMON ACADEMY

“Uy girls alam nyo ba na may ginulpi na naman daw yung grupo nina fafa Hiro.?”- classmate kikay girl 1

“Kyahhhh. Talaga? Eh ano bang isyu? Why nagbugbugan?”- classmate kikay girl 2

“Baka naman nantitrip lang alam nyo na siga sila dito sa school diba?”- classmate kikay girl 3

The EMO and BADBOY SECRETs...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon