Chapter 13

3.9K 164 7
                                    


Chapter 13

     Iginala ko ang mata ko sa parke pagkababa ko sa sasakyan ni Kelvin. Nagtatakang sinulyapan ko siya. Sa lahat ng lugar, bakit kaya dito?

"Bakit dito?" Isina-tinig ko ang tanong sa aking isipan.

"Gusto kong subukan ang mag-date dito. I want to experience it just like the other." Sinulyapan niya ang mga magkasintahan na nakaupo sa damuhan na sweet na sweet sa isa't isa. Hindi na nakapagtataka kung lapitan sila ng mga langgam.

Napakunot-noo ako ako sa sinabi niya.

"Ibig mong sabihin hindi mo pa na-experience ang mag date in public?" Manghang tanong ko.

"Never. Ngayon pa lang..." He smiled.

"Saan mo dina-dala ang mga ka-date mo?" Curious na tanong ko. Mayaman siya kaya baka dinadala niya sa mga sikat na restaurant. Romantic dinner kumbaga. Ang suwerte naman ng mga babaeng 'yun ang mamahal ng kinakain.

"I... Err..." Nag-alangan ito. He stared at me for a second.

"Saan?" Ulit ko. Napakurap ito ng ilang beses, pagkatapos ay sunod-sunod na napalunok. Nagtatakang tinitigan ko siya. Anong problema niya?

"Dinadala ko sila sa— in bed." He said, almost whisper.

Natigilan ako. I should have known.

"Ah... Oo nga pala." Napahugot ako ng hangin. Siya nga pala si Kelvin. The ultimate babaero. I forgot.

"So, anong gusto mong masubukan dito?" Pag-iiba ko.

"Anything." He said softly.

"Kahit ano?" Napangisi ako. Kahit ano daw eh.

"Okay. Simulan natin ito." Pinagdaop ko ang mga kamay namin. He wants to experience how to date in public places? Then, ipapakita ko. Sisiguraduhin kong hindi niya ito makakalimutan.

Nagulat siya sa ginawa ko. Kaya mas lalo akong napangiti. Ang cute niya... Namumula kasi ang tenga niya.

"Halika na?" Hinila ko siya patungo sa direksyon kung saan ang malaking fountain. Ang fountain na iyon ang pinaka atraksyon ng parke. Nasa gitna iyon na napapalibutan ng iba't-ibang bulaklak.


Hindi nakapagtatakang maraming nagda-date sa lugar na ito. Romantic naman kasi talaga ang paligid. Marami ring mga puno na nagsisilbing lilim ng mga nagda-date o namamasyal lang kapag tanghali na at masakit na sa balat ang sikat ng araw.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahak niya sa kamay ko kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya. Again, my heart beats faster than its normal rate. Napabuga tuloy ako ng hangin.

"Mag wish ka." Sabi ko sa kanya ng marating namin ang fountain. Tiningala ko ang tubig na lumalabas sa pinakataas na bahagi ng fountain. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa kanya.

"What?" Nalilitong tanong niya. Hindi ko siya sinagot sa halip ay kumuha ako ng barya sa bulsa ko. Inilapit ko sa mukha ko ang barya. Pagkatapos ay pumikit ako.

Hinihiling ko na ang araw na ito ang pinakamasayang birthday niya.

Ipimulat ko ang mga mata ko pagkatapos ay ibinato ko ang barya sa fountain.

RhapsodyWhere stories live. Discover now