Chapter 11 Part 1

53 13 0
                                    

Chapter 11 Part 1

Sa gitna nang kanilang masayang saluhan, huminto si Rose sa pagkain at mag-isang nagsalita.

“Maiba tayo. Hindi ba’t, isang elemento na lang ang kailangan nating hulihin? So...p’wede ba na lumabas tayo? Kahit ngayong araw lang?”

Huminto rin sa pagkain si Felix at lumingon kay Rose. "Oo. Mukhang masaya nga ‘yung naisip mo." pagsang-ayon nilang dalawa sa sinabi ng kaibigan.

Huminto sa pagkain si Oira at uminom ng isang basong tubig. “Sang-ayon rin ako sa naisip mo. Ngunit ang tanong, saan naman tayo pupunta, kung sakali?" kunot noo niyang tanong.

Habang iniisip ng lahat kung saan sila pupunta, muling nagsalita si Rose. “Alam ko na kung saan tayo pupunta.” nakangising sabi nito, na tila may namumuong masamang ideya sa isipan.

Makalipas ang halos isang oras nila na pagbabyahe ay dumating na silang pito na nakaporma at malayo ang kanilang mga hitsura sa tuwing sila ay naglalakbay. Kung ang mga lalaki ay nakasuot lamang ng ripped jeans at simpleng tshirt, ang mga babae nama'y nakasuot ng bestida na hanggang tuhod with matching white tennis shoes.

Pagdating nilang lahat sa Mall na pinagdalhan sa kanila ni Rose ay magkakahiwalay silang nagtungo sa kani-kanilang mga nais puntahan. At dahil sa magkakaiba ang kanilang gustong puntahang lugar, napagpasyahan nila na mahati sila sa tatlong grupo. Kung sina Rose, Oira, at Aina ay pumunta sa isang store kung saan ay puro pampaganda at pansosyal ang naruon, samantalang sina Felix at Leo nama'y pumunta sa isang kilalang fastfoodchain. Sina Wayne at Usef nama'y magkasamang nanuod ng sine.

Pagdating ng tatlong dalaga sa kanilang nais na pupuntahan, kaagad silang pumasok rito at magkahiwalay tumingin-tingin sa mga nakadisplay na damit sa paligid.

“Sizzies, where are you? May mga napili na ba kayo?” maarteng tawag ni Rose sa kanyang mga kaibigan, habang tumitingin pa rin ng mga damit.

Magkasamang lumapit sina Oira at Aina sa kanya, na may dala-dalang mga napiling damit. “Meron na.” sabay na sagot nilang dalawa, sabay taas ng mga napiling damit na may hanger pang kasama.

“Ano pa’ng ginagawa natin, wardrobe time na!”

Sabay na pumasok silang tatlo sa isang fitting room at duo'y inumpisahan na nilang isukat ang mga damit na napili.

-

“Good morning, Sir. Can I have your order?” nakangiting tanong ng babaeng nasa counter kina Felix at Leo.

Pasimpleng lumingon si Felix sa kay Leo. “Ano’ng gusto mo'ng iorder, Leo?”

Bahagyang nagkamot si Leo ng kanyang ulo. “Pasensya na talaga. Wala kasi ako'ng alam na pagkain na pantao.” sagot nito habang nakangisi.

“Ayos lang. Sige, ako na ang bahala sa kakainin mo.”

Ibinalik na muli ni Felix ang paningin sa kahera. Ngumiti na muna ito bago magsalita. “Ahh, Miss. Isang burger, isang tunapie, at dalawang cokefloat.”

Tinipa ng kahera ang total. “Three hundred and seven-fiffty po lahat, Sir.”

Kumuha ng pera si Felix sa kanyang bulsa at kaagad na iniabot sa kahera.

Mysterious Force √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon