Bullet I

108 20 6
                                    


"takbo!! HAHAHAHAHA" sigaw nung lalaki habang tumatawa na parang isang baliw. Hinahabol nya ang isang batang lalaki, may hawak syang palakol na puno ng dugo
"papatayin Kita! Papatayin kita! Papatayin kitaaaaaa!!! Hahahaha! Anjn na ako!! Hehehehahaaha"

Kahit pagod at halos wala na syang lakas ay kailangan nyang tumakbo para mabuhay. Sobrang bigat na ng mga maliit nyang paa, habang umiiyak ay pilit nyang binubuhos ang lakas para tumakbo papalayo sa taong pumatay sa kanyang buong pamilya at ngayon sya naman ang punterya. "tulong!!!!" sigaw sya habang nag mamakaawa ngunit walang makakarinig sa kanya dito sa gubat malayo sa maingay na syudad. "pakiusap TULUNGAN NYO AKO!!! ARG!" dahil sa panghihina ay nadapa sya at tuluyang humalik sa lupa.

"hahahahahahaha" rinig nya sa papalapit na boses nung lalaki. "pag gugutay gutayin kita! Tulad sa mama at papa mo! Hahaha halika na dito!!! Mag... Pa. Ki. Ta. Ka. Na. Hahahahaha may idadagdag na naman ako sa collection ko Hehehe"

"pakiusap tulungan nyo ako... Please... Someone help me... Somebody... Anybody please..." hindi na sya makabangon ayaw nang gumalaw ng mga binti nya dahil na rin sa mga sugat na natamo pero hindi yun ang naging dahilan para tumigil sya sa pag layo. Gumapang sya sa abot ng makakaya pero kulang... Ang bagal... Kailangan mas bilisan nya pa dahil kung Hindi maabutan sya---

"Peek-a-boo! Hehehehe" naabutan sya nung lalaking balot ng dugo sa katawan ng sarili nyang mga magulang. Nakasampay sa balikat nito ang balat ng mukha ng kanyang mga magulang. Puno sya ng takot, sobrang takot hindi para mamatay kundi takot sa isang taong babalatan sya ng buhay. "hehehe ang ganda gandang collection... Isang pamilya na may magandang mukha hahahahaha" halos nag lalaway na ito sa pag nanasang marinig ang pagsigaw ng bata dahil sa sakit. "halika dito!!" hinila nya yung bata sa buhok nito pabalik sa hideout nya sa isang lumang bahay sa gitna ng gubat.

Nag simula ng bumuhos ang malakas na ulan. Tinabasa nito ang katawan ng bata kasama ng mga nasa paligid nya. Tinatangay ang mga dumi nya sa katawan yung mga lupa na nasa mukha nya at ang mga dugo at nililinis nito. Pero hindi ang takot... Hindi ang sobrang takot at galit na nasa kaloob looban nya. Kahit anong pagpupumiglas ang gawin nya ay hindi sya makaalis sa hawak nito at mas lalo lang syang nasasaktan. Halos ikatanggal ng anit nya ang sakit.

Pag kadating sa bahay ay agad silang bumaba sa basement. Nakaratay na dun ang mga wala nang buhay nyang mga magulang. Balot ng dugo at tanggal na ang mga balat mula ulo hanggang paa. Puni sya nang takot... Kung bangungot lang ito nais nya nang gumising upang maalis na sa impernong lugar na ito at mayakap na ulit ang mga magulang nya.

Tinapon sya ng lalaki sa loob ng malaking kulungan pang aaso. Alan nya nang Kamatayan nya... Nag dadasal sya dahil kahit hindi man sya mailigtas dito sa lupa ay kahit ang kaluluwa man lang nya at ng kanyang mama at papa.

"TUMAHIK KAAAAA!!!!" galit na galit na niyugyog ng lalaki ang kulungan mapatahimik lang sya. "SA TINGIN MO BA MAILILIGTAS KA NG 'AMA NAMIN' MOOOO!? HUH? HUUUH? WALANG DIYOS NA TUTULONG SAYOOO HAHAHAHAHA... Kaya tumahik ka!" sigaw ng lalaki, Nanlilisik pa ang mga mata nito sa kanya.

Gusto nyang may tumulong sa kanya, gusto nya pang mabuhay... Mabuhay ng matagal pa. Pero yung kagustuhan na yun ay unti unti nang nawawala ng makita nya ang matatalas na kutsilyo at iba pang gamit nito. Inilabas sya ng lalaki matapos nitong ayusin ang mga gagamitin sa proseso.

Itinali sya nun sa isang kamang bakal na puno ng dugo. Pati ang ulo nya ay itinali din. Itinapat sa kanya ang nakakasilaw na ilaw. Uumpisahan nitong tanggalin ang mukha nya bago ang katawan.

"TULUNGAN NYO AKOOO. TULONG!!!!" ubos lakas nyang sigaw. Pero tumatawa lang yung lalaki. Nakatapat na sa mukha nya yung maliit na kutsilyo ng marinig nilang dalawa ang mga yabag mula sa taas. "TULONG! TULO---MMMMMNNN!!!!" nilagyan sya nito ng busal sa bibig.

Children Of the GraveWhere stories live. Discover now