Bullet II

57 16 1
                                    

"gising na yung anak nyo ng gubat. Hinahanap ka" bungad ng lalaking may pulang buhok at tattoo sa ilalim ng mata kay Cloud.

"pwede ba hindi ko sya anak at hindi sya anak ng gubat..." napapailing na lang sya sa sinabi ng kasama.

"Edi anak nyo yun ni Tifa na ginawa sa gubat?" binigyan nya ng nakakalokong ngiti si Cloud pero sinuklian sya nito ng masamang tingin "hay oo na pikon ka kaagad hahaha" inakbayan nya ang kaibigan habang nag lalakad papunta sa infirmary ng agency nila.

"AAAAAHHHHHHHH!!!!" sigaw mula sa loob nung bata, mabilis na binuksan ni Cloud ang pinto para makita ang nangyayari pero...

"Renzel!" tawag nya sa batang lalaki. Takot na takot ito at nanginginig ang buong katawan. Mabilis syang lumapit at niyakap ang bata. Umiiyak ito... Sariwa pa para sa kanya ang nangyari. Hindi biro ang trauma na binagdaan nya. Tatlong araw silang nandun sa loob ng madilim na basement walang makain at mainom tapos ganun pa ang nangyari. Kahit sino mababaliw sa sa kalagayan na yun at higit sa lahat sa isang siyam na taong gulang na bata.

"sssshhhh... Andito na ako wag ka nang matakot!" niyakap sya ng bata, yakap na walang kasing higpit. Nangkumalma ang bata ay pinainom nila ito ng tubig ni Reno.

"Hi... Ako si Kuya Reno" inabot nya ang kanang kamay sa bata. Nag alinlangan itong abutin ang mga kamay nya pero sa bandang huli ay nag tiwala ito at nakipagkamay. "anong pangalan mo?"

"Renzel" tipid na sagot nung bata habang nakayakap pa din kay Cloud.

"nagugutom ka ba?" tanong ulit ni Reno
Tumango yung bata. "halika kumain tayo sa canteen sa baba" yaya nya dito. Pero Hindi ito sumagot.

"baka bumalik sya at hanapin ako..." takot na takot si Renzel, nanginginig pa ang boses nito.

"ayus lang walang mananakit sayo dito. Itong building na ito ang pinaka ligtas na lugar sa City na ito" Pagpapalubag loob ni Cloud sa bata. "at yung tao na yun? Hindi na sya babalik... Promise magiging ligtas ka na" dugtong nya pa.

"So... Sya pala yung survivor?" Napalingon sila sa pinto nakatayo doon ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng white suit... Lumapit ito sa bata at nginitian. "Hi... Ako si Rufus. And you are?"

"R-Renzel" takot syang tumingin sa lalaking nasa harap nya.

"ayus lang mabait sya" Si Cloud ang nag salita.

Matapos ang ilang oras na pakikipag usap sa bata at nakuha na ni Reno ang tiwala ay dinala nya na ito sa Canteen para pakainin. Si Cloud naman ay sumama papunta sa office ni Rufus para sa bagong assignment.

"Here..." inabot nya ang brown folder na nag lalaman ng pangalan ng mga biktima at ng iba pang data.

"sorry I'm late" mabilis na umupo sa tabi ni Cloud ang bagong dating.

"Noctis naman? Walang pagbabago? Hahaha" pang-aasar ni Cloud dito.

CLOUD'S POV

Hay lagi na lang late... Sya pala ang partner ko ngayon.

By the way... I'm Cloud Strife. 24 years old, private detective kami dito pero kung minsan pati Paranormal Activity pinapasok na naman para lang sa bayad. Actually random na nga ang trabaho namin eh. Kulang nalang agawan namin ng trabaho ang mga pulis at mga Secret agent. Globally competitive kase ang President namin. Si Rufus Shinra.

matagal na akong nag tatrabaho sa agency.. Shinra Company ang tawag nya dito. Sabi sa inyo bida bida yan eh.

Madami kaming mga trabaho maya't maya, kaya bawal mag kasakit. Lagi nyang inuuna ang may malalaking bayad. Kaya pataasan ng bayad ang labanan ng mga costumers namin. Sa sobrang sama ng taong yan kahit kami ibebenta. Nag offer nga sya na maging escort kami ng mga milyonaryo naming client. Million million ang kinikita ng company dahil nga mautak sya. Pero sa mga mayayaman lang sya naninikil ng malaki pero para sa mga pulis 40% off ang singil nya depende pa yun Kung gusti nya ang pag aproach sa kanya. Dito na rin kami sa building na ito nakatira may mga apartment dito at kinakaltas sa sweldo namin ang bayad nun. Pati pag kain sa canteen.

Children Of the GraveWhere stories live. Discover now