Seven

830 54 23
                                    


Baekhyun's Pov

"Baek tignan mo nakita ko sa labas nang pintuan niyo." Sambit ni Luhan at inabot sakin ang sulat.

"Kanino galing to?" Tanong ko.

"Hindi ko alam e." Nagkibit balikat na sagot ni Luhan.

Tinigil ko muna ang paglilinis at umupo sa sofa. Binuksan ko ang envelope at sinimulan nang basahin ang nasa sulat.

'Dear: Baekhyun.

Si Kyungsoo to, ayos na ako ngayon. May tumulong sa akin mga mababait na bampira. Naaalala mo ba yung kwenento ko sayo na gwapong nakabanggan ko sa supermarket, siya tumulong sakin, kasama ang mga kasamahan niya. Wag na kayong magalala sakin, okay lang ako dito. Babalik ulit ako, for now hayaan mo muna akong lumandi. Pabakasyonin mo muna ako kotang kota nako maging tiga-bantay paki sabi kay Jesper mahal na mahal siya ng Tita niya pero gusto na rin nitong lumandi. Getting to know each other pa kami nito ni kuyang pogi, hindi na naman na sana need kasi kilala na siya ng puso ko bilang aking future bebeco.

Nagmamahal
Your dyosang bestfriend."

"Oh kanino daw galing?" Tanong ni Luhan na kakabalik lang galing sa kusina.

"Kay Kyungsoo" Tipid kong sagot at napasapo sa ulo ko.

Walanghiya talaga to si Kyungsoo, walang talab trauma sakanya pag naging malandi.

"Oh bakit? ano sabi sa sulat?" Na-excite na tanong ni Luhan.

"Ayos na daw siya, may tumulong sakanyang mga bampira. Babalik daw ulit siya pero sa ngayon getting to know each other daw sila ng pambirang tumulong sakanya. Napaka landi talaga." Sagot ko

Nanlaki naman ang ilong ni Luhan at napasapo rin sakanyang noo
"Kahit kaylan talaga to si Do Kyungsoo, kapag kalandian nawawala trauma e."

"Sinabi mo pa." Pagsasang-ayon ko.

"Balak pa ata magpalahi ng bampira, congrats Baek ikaw nalang ordinaryong tao saamin."

"Pakagat na rin ba ako kay Chanyeol?"

Kinuha naman nito ang unan sa sofa at hinampas sa mukha ko.

"Isa ka rin malandi e." - Luhan

"Nagbibiro lang naman." Sambit ko.

"Ibang kagat naman gusto mo kay Chanyeol e, kagat dyan sa ano." Sambit ni Luhan at tinuro ang ibaba ko.

~

Chanyeol's Pov

"Kamusta hyung?" Salubong saakin ng aking kapatid na si Sehun.

"Ganun padin, madaming ganap sa buhay." Sagot ko at niyakap din siya pabalik.

"Naparito ka ata?" Tanong ko.

"Nakaka-koto na don sa Lugar natin kaya napagisipan kong mamasyal muna dito sa mundo nang mga tao." Sagot ni Sehun.

Tumayo naman ito at tumungo sa kusina ko.
Wow palamunin talaga.

"Kamusta si Mom" Tanong ko.

"She's fine naman but abala din kasi maymagaganap daw na meeting tungkol duon sa kasal niyo nang magiging future Queen nang kaharian in short future wife mo." Sagot ni Sehun.

Napakunot ako ng noo
"About them again? No way." Inis kong sambit.

"Gusto nang ipa-urong ni mom ang kasal pero itong pamilya nang magiging asawa mo sobrang makulit at nagpapaawa kay mom kaya kung ako sayo pumunta ka muna sa lugar natin at humarap ka doon sa pamilya nang babae at sabihin mo yung totoo na ayaw mong makasal sa bruhalitang yun." Sambi ni Sehun at pati ito ayaw rin sa babaeng yon.

The Vampire's Baby (Chanbaek)Where stories live. Discover now