*Part 21*

25 1 2
                                    

Dahil mahimbing si angelie naisip nyang lumabas ng apartment para maghanap ng mahihiraman ng pera.

Nakarating sya sa kabilang kanto , sa tindahan madalas nilang bilhan ni fatima."
Biglang dumilim ang mukha nya ng maalala ang kaibigan , "mali! " "'dating kaibigan". Sabi ng isip nya"
'Ipinilig nya ang ulo upang iwaksi sa isipan ang kaibigan at nag aatubiling lumapit sa harap ng tindahan .
Agad naman syang nakita ni "ICEL" ang dalagitang pamangkin ng may ari ng tindahan.
"Hi!ate elaine" , "May bibilhin ka ba"?
Napa iling sya, "A- Ano!".. "Ano kasi "... Nauutal siya sa pagsasalita.
" Ano mangungutang ka na naman!" Boses ni aling bebeng na nasa pintuan habang nakapamewang.
" Aba! " Malulugi ang tindahan ko kung ganyan ng ganyan", " Di ka pa nga nakakabayad sa dati mong utang eto ka na naman "," Uutang na naman! "Mahabang litanya ng babae..
"Pasensya na po ", namumula ang mukhang hingi nya ng paumanhin.
" Pasensya!" ---"Puro pasensya !"
"Pera ang kailangan ko hindi pasensya".
" Namumuhunan ako at hindi ko mauutang yan sa binibilhan ko! " Mataray pa ring sagot ng matanda.
" Si- sige po!"" Di na po bale"... "S-salamat na lang po". Namumula ang mukhang pamamaalam nya at walang lingon likod at malalaki ang hakbang na lumayo sya sa lugar na iyon"
Pagdating sa tinutuluyan ay pasalampak na naupo sa tabi ng kamang hinihigaan ng anak at pasubsob ang mukhang inilapat sa gilid ng kama at mariing nakapikit ang mata, Maya maya ay tuluyan na syang napahagulgol ng iyak dahil sa kahihiyang tinamo.
Awang awa sya sa sarili.
" Ano bang kasalanan ko! "
"Bakit mo ako pinarurusahan? " Mahinang usal nya .
" Masama ba akong tao para makaranas ng ganitong parusa?" Dagdag pa niya habang patuloy na humahagulgol.
'Lumipas ang mga sandali na nanatili lang sya sa kinaroroonan , ngayo'y yakap ang sariling tuhod. Tahimik na rin sa paghikbi kaipala'y napa idlip sya."
'Naalimpungatan sya ng muling umiyak si baby angelie at tatlong mahihinang katok mula sa pintuan ang nagpabalik sa kanyang kamalayan'
"Sandali lang anak, titingnan ko kung sino ang kumakatok ha".'paalam sa bata na para bang maiintindihan sya nito at tinungo ang pintuan.
"Aling Mona!. "Kayo po pala".
"Bakit po? " ang kalapit apartment pala niya.
"Nagluto ako ng pansit".. " kaya heto dinalhan kita". Nakangiti sabay abot sa dala.
"S-salamat po!" Nag aalangan ang ngiting sabi nya na tinanggap ang dala ng babae.
"Happy birthday po pala" dagdag pa nya.
Natawa si aling Mona, "naku! "Hindi ko birthday iha".. "Nagpaluto ang apo ko para merienda eh napadami luto ko kaya naisipan kitang dalhan!" 'Nakatawang paliwanag sabay kuha sa kaliwa nyang kamay at nagulat pa sya ng ilagay ng babae ang limandaang papel sa kanyang palad.
"Alam kong kailangan mo ito", turan sa pera'
" P-pero ,.. W-wala"....
"Shhhh!" Putol sa kanyang sasabihin, "Hindi ito utang", "bigay ko ito sa baby mo" 'sya nakatulala lang, di alam kung ano ang sasabihin'
"Nasa tindahan ako kanina", " nakita at narinig ko lahat" seryosong wika ng kaharap. 'Sukat sa narinig ay muling nangilid ang luha nya'
"Nauunawaan ko ang pakiramdam ng walang wala dahil naranasan ko na yan" , 'may lungkot na gumuhit sa mukha ng matandang babae.
"Hindi ko po alam kung ano ang dapat kong sabihin", "aling Mona" at tuluyan ng tumulo ang luha nya'.
"Shhhh!".. " Tama ng iyak", mabuti pa pumasok ka na sa loob at baka kung napapano na ang anak mo"..."Kanina pa naiyak yun ah"
"O-oo nga pala", nalilitong ayon pa niya'." Pasensya na po hindi ko na kayo napatuloy sa loob.
"Ok lang!".."Di na rin ako magtatagal at may gagawin pa ako." "Kumain ka na habang mainit pa yan",'turan sa pansit na dala. "alam kong kanina ka pa di kumakain" dagdag pa bago tumalikod..
'Bago tuluyan umalis ang babae"
"Aling Mona!"
'Tawag na ikinalingon ulit nito... "Maraming salamat po" aniya
"Walang anuman!" Sagot nito at nagpatuloy ng umalis.
Hawak pa rin ang pinggan ng pansit na tinungo ang nag iiyak na anak.
Inilapag muna niya iyon sa gilid ng kama at sinalat ang lampin ng bata, kumuha sya pamalit at binihisan ito.
Matapos bihisan ang anak ay lumabas syang kasama ito upang bumili ng gatas ng bata.Pagbalik ay saka pa lang sya nakakain. Pakiramdam n'ya ay isang linggong hindi kumakain dahil halos hindi na nginunguya ang pansit na bigay ng kapit bahay.
Pansamantalang napanatag ang kanyang loob, pero hindi dun natapos ang kanyang pag iisip. Hatinggabi na rin syang natulog.Lahat ng kaibigan at kakilala nya na pwedeng hingian ng tulong ay na txt na nya pero ni isa ay wala tugon. Hanggang tuluyan na siyang igupo ng antok...

My Mommy Has A Secret.... 💌(On Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora