Chapter 33: Introducing Him

18 0 0
                                    

Ang nakaraan:

Hindi na sinagot ni Jeremy ang mga kaibigang sina Paul at Jhay.

Wala na ring salita na lumabas sa bibig ng dalawang kaibigan nito.

Ngunit sa kanilang mukha mababakas ang pagkabalisa sa balitang nasagap nila.

----

KU Gym

Nabungaran ni Lyndon at Marko ang tatlong kateam pagbukas nila ng pinto. Nagulat pa ang tatlo sa pagpasok na iyon ng dalawa. Nagkatinginan silang lima at...

"Mga tol, alam ko ng mga tinginang yan e." Si Lyndon ang nagsalita.

"Talaga!" Sagot naman ni Jhay sa kanya.

"Oo. Yang mga tingi nyong yan, tsk, mga tol, kung uutang kayo, sorry wala akong pera pangpautang sa inyo mga bro ." Saad naman ni Lyndon at detetsong nagpunta sa kanyang locker at binuksan iyon at saka kinuha ang towel para maligo.

"Pare, hindi kami mangungutang sayo, may pera ako kakapadala lang ng tatay ko ng allowance ko." Sagot naman ni Jhay sa kanya

"Oo nga. Bakit ba utang ang nasa isip mo ha, Lyndon? Wala ka bang nabalitaan sa labas bago ka pumasok dito?" Segunda namang sabi ni Paul.

"Bakit? Yung kay Joshua Gomez? Mga tol, hindi na natin dapat pang pag-usapan ang tungkol sa mga lumipas na. Tutal matagal ng panahong nanahimik ang mundo ni Joshua at ng Captain natin, kaya forget about that old issue." Mahabang sabi naman ni Marko. "And one more thing, masaya na si Captain sa kung anong meron sya ngayon at sa kung sinong karelasyon nya ngayon." Segunda pa nya sa mga kaibigan. Wala namang kumibo sa mga ito sa sinabing iyon ni Marko, bagkus, ay minabuti na lamang nilang abalahin ang mga sarili sa kani-kanilang gagawin.

Samantala, dumako naman tayo sa loob ng opisina ni Paulo James.

"Basta! Mareko, wag na wag kang magdidikit sa Joshuang yan, kung ayaw mong magulo ang mundo ng lahat. Mas mabuti pang umiwas ka na lang sa kanya." Madiing sabi ni Paulo James kay Mary Jacq. At saka tinungo ang kanyang swevel chair para maupo ito.

"Bakit naman kelangan kong iwasan ang taong yon? Wala naman syang masamang pinakikita sa akin at kina Leslie at Hershey." sagot naman ni Jacq sa kanya, na sinundan sya sa kanyang table at saka umupo rin ito sa bakanteng silya sa harap ng mesa ni Paulo James.

Nagkatitigan muna ang magMare bago muling magsalita si Mary Jacq.

"Huy! Ano na?" Muling saad ni Mary Jacq kay Paulo James, na nakatitig lamang ito sa kanya, at kunwaring nagbu-beautiful eyes pa ito sa kanya.

"Huy ka din. Ah, basta umiwas ka na lang, tapos ang usapan natin. At walang magiging problema. Okay!" Pag-gigiit nito sa kaibigan.

"Psss." Bulong naman ni Jacq.

------

"Captain. Captain, wait lang." Paghabol naman ni Jerome dito.
Huminto naman si Zed sa tawag na iyon ng kateam.

"Oh! Jerome, anong ginagawa mo dito? I heard you have a long test today." Saad ni Zed sa kanya, at saka muling naglakad.

"Postponed, Captain. Syangapala, Cap, pwede bang hindi muna ako makapag practice mamaya, kc may date kami ni Louella e." Nahihiyang sagot nito kay Zed, na napahinto sa paglalakad at napatitig ito kay Jerome. "Captain, okay lang kung hindi pwede, nagbakasakali lang naman ako kung papayag ka." Muling sambit ni Jerome.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Secret BoyFriend..Where stories live. Discover now