chapter 1

33 5 24
                                    

It was the light from the window that woke up hanna. She mentaly swore words hating the light of the sun at dumagdag pa ang ingay na likha ng mga nag-uumpugang takip ng kaldero't kaserolang pinaglalaruan ng makukulit at pasaway nyang mga pamangkin.

"Linggo pala ngayon. Daig pa nitong bahay ang ingay sa sabong" nasabi ni hanna sa sarili. Bumuntong hininga na lamang siya ng maalala ang araw ngayon. Inunat niya ang kaniyang katawan bago bumangon.

"Good morning ma" bati ni Hanna sa kaniyang ina na noo'y nakaupo na sa mahabang mesa.

"Good morning din anak, maupo ka na't mag almusal" alok ng kaniyang ina at agad naman siyang naupo at nagsimulang kumain. Masaya siyang sumusubo ng di sadyang tamaan ito sa noo ng paliparin ng isa nyang pamangkin ang isang takip ng kaldero dahilan upang mapasigaw at mapahiyaw sa sakit si hanna.

"Ouch! anak kayo ng nanay nyo!!!! bat ba kase pinaglalaruan yang lintek na kalderong yan!" sigaw ni Hanna sa mga pamangkin. Dagling nagtakbuhan ang mga bata paakyat ng kanilang bahay. Tila takot na masaktan.

Tatlong taon na ang nakalilipas ng iniwan si Hanna ng kaniyang pinaka mamahal na nobyo. Naging dahilan ito ng pagiging mapanakit ni Hanna sa kaniyang mga pamangkin. Dahil na nga sa hangang ngayon depresed parin siya sa nangyari napagbubuntungan niya ng galit ang mga inosente niyang pamangkin. Hahabulin pa sana ni hanna ang mga bata pero pinigilan siya ng kaniyang ina.

"Hanna! hindi sinasadya ng mga bata na tamaan ka. Anak naman wag mo na silang saktan. Hindi mo pa ba nahahalata na kinatatakutan ka na at pilit ka ng iniiwasan ng mga pamangkin mo? ni ayaw ka nilang lapitan dahil sa takot na dala ng labis mo na pananakit" sermon ng kaniyang Ina.

"Ma, kung palagi mo nalang silang kukunsintihin sa mga mali nilang nagagawa, hindi sila matututo"ani ni Hanna sabay walkout at padabog na isinara ang pinto ng kwartonya sa 2nd floor ng kanilang malapalasyong bahay,

napaisip nalang ang ina sa inasal ng kanyang bunsong anak nang biglang dumating ang kapatid ni hanna na si Lora na kakauwi lang nito galing magsimba

"mano po ma"Pagbibigay galang ni Lora sa ina at saka lang nito napansin na nakasimangot pala ang ina

"anyare sa mukha mo ma?para kang nautangan ah? pagbibiro ni Lora

"yang kapatid mo hindi ko na maintindihan kung bakit galit na galit pa rin sa mundo!"sabay higop na kapeng kanina pa nanlalamig.

"mama naman para namang hindi mo alam kung bakit nagkaganyan si Hanna, makakamove on din yan, sadyang bitter pa kase"sabay tawa ng malakas

"sana nga anak at ng bumalik sa dating sigla si hanna"sabi ng ina

hindi man sinasadya ni hanna na mapakinggan ang usapan ng kanyang ina at kapatid nya ay tyempo naman na pagbaba nya ay dinig na dinig nya ang lahat. Nagpapaasalamat pa rin si hanna na may ina at mga kapatid syang umiintindi sa kanya sa kabila ng kanyang kalugmukang dinadaanan hanggang kasi ngayon ay naaalala pa rin nya ang sakit na iniwan ng kahapon sa kanya, ni hindi namalayan ni hanna ang unti unting pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mala-brillanteng mga mata ng bigla syang gulatin ng kanyang kapatid na lalaki na kanina pa pala nakamasid lang sa kinatatayuan nya

"bunso!!!!!"gulat sakanya ng kanyang kuya james napabalikwas nalang si hanna at sabay hampas sa kanyang kuya

"kuya naman eeee bat ba ang hilig mong manggulat makukunan ako sayo"pagbibiro ni hanna kahit pa nakalimutan nyang punasan ang kanyang mga luha dahilan para mapansin ng kanya kuya

still into YOUWhere stories live. Discover now