chapter 4

11 1 0
                                    

Hindi ito pwedeng magkamali tandang tanda ni Kasper ang lalaking nakita niya na nakatitig sa kanya at animo'y mangangain ito ng tao, isa ito sa 3 pumaslang sa babae kagabi.

"I have to escape, I really have to run away but how?" tanong ni kasper sa sarili dahil parang walang lakas ang mga paa nya para tumakbo at magtago sa lalaking titig na titig sa kanya.

Patakbo na sana si kasper pero huli na ang lahat dahil nakalapit na ang lalaking balak nyang takbuhan, agad nitong itinutok ang baril sa tagiliran ni Kasper na noon ay takot na takot.

"Maglakad ka papuntang parking lot"utos ng lakaki, dagli namang sumunod si Kasper nag-umpisa na itong maglakad at ilang sandali pa ay narating nila ang parking lot kung saan naghihintay pala ang 2 pa nitong kasama.

"Sa wakas nahuli mo rin"nakangising bungad ng isang lalaki.

"Muntik na tayong naisahan ng lokong yan. Anong balak mong gawin dito pare?"tanong pa ng isa samantalang si Kasper ay tahimik lang na nag-iisip ng paraan upang makatakas.

"Ano pa nga ba?eh di katayin! Iwas na din sa duming naiwan ng patayin natin yun kagabi"sagot ng lalaki.

"saan natin to titirahin?" tanong ng lalaking palinga-linga at sinisiguradong walang taong makakakita sa kanila.

"Sa Laguna.sa dating lugar"sagot ng lalaking naghahanda na ng sasakyan. Si kasper naman ay naalala ang itinurong sumpa ng kanyang yumaong lolo na kapag nasa bingit ng kamatayan ay ihiling na ang lahat ng gustong mangyari at idasal ang latin na itunuro sa kanya. Pumakit nga ito at seryoso itong humiling at maya maya pa ay nag-umpisa ng magdasal ng latin na itinuro ng kanyang lolo bago ito pumanaw. Naniniwala kase si Kasper dito kaya bago mahuli ang lahat ay balak na nitong maisakatuparan ang pamanang sumpa.

"sira ulo ata ito pare ahh" pabirong usal ng lalaking kanina pa nakikinig sa dasal ni Kasper.

"Oras na para umalis dito"sabi ng lalaki. Isinakay na nga ng mga ito sa sasakyang dala nila, ilang oras ding tinahak ng kanilang sasakyan ang daan ng may tumawag sa telepone ng isa sa mga lalaki.

"hello boss andito na nakuha na namin ang witness! pagpapahingahin na ba namin?!" tanong ng lalaki

"gusto kong makilala muna ang taong yan bago nyo tirahin, dalhin nyo yan dito sa bodega"sagot ng kausap

"right away boss"sagot at imbes na magtuloy ng Laguna ay dinala ito sa bulacan. Maghahating gabi na ng marating nila ang isang liblib na lugar na tanging abandonadong building lang ang andoon. Sinalubong sila ng iba nilang kasamahan at itinuro ang kinaroroonan ng kanilang amo.

"boss ito na ang pasalubong namen" bati ng leader ng grupo

"good!" sagot ng bossing sabay kilatis kay Kasper na animo'y babaeng nagbibigay aliw ang tingin sa kanya dahil head to toe ito kung suriin sya. Samantalang nakilala agad ni Kasper ang mastermind ng krimeng naging dahilan kung bakit sya mapapahamak.

"The hell?Hanna have to know this, she need to know everything about this, Hanna will be in danger kapag hindi nya nalaman ito! pabulong nyang turan sa sarili habang nag-iisip ng paraan kung paanong makakatakas sa kamatayang nakaabang sa kanya ngayon, binalot ng kaba ang pagkatao nya ng mapansin nyang walang taong nakapaligid sa kanya kaya dahil pumasok ang mga ito sa isang silid at parang mga negosyanteng nagkakaroon ng meeting sa loob dahil dito ay nakahanap ng tyempo si Kasper, wala syang sinayang na sandali agad na naghanap ng posibleng madaanan palabas ng bodega hindi naman ito nabigo dahil sa gawing kAnan ng bodega na malapit lang sa kanya ay may butas na pader na kasya ang tao kaya pinuntahan nya ito at pilit pinagkasya ang sarili ilang sandali lang ay nakalabas nga sya at maingat na naglakad hanggang umabot sya sa bukana ng gate ngunit may mga lalaking nagbabantay dito kaya nag-antay pa sya ng kaunting sandali upang makahanap ng tyempo ng biglang may sumigaw.

"gugong nakatakas ang testigo halughugun nyo ang buong bodega kailangang maiharap nyo sakin ang taong yun buhay man o patay dahil kung hindi kayo ang papatayin ko"turan ng lalaking mastermind sa kanyang mga tauhan.

"Please God help me and please keep me safe from any harm Hanna needs to know everything!" sabi nya sa sarili na kahit nasa bingit ng kamatayan ay si Hanna pa rin ang naiisip. Nakahanap si Kasper ng tyempo ng umalis ang mga lalaking nakabantay sa gate para hanapin sya, agad itong nakalabas ng gate ng wala man lang nakakapansin sa kanya. Lakad takbo ang ginawa nya para makalayo agad ngunit hindi nya alam kung saan sya dadalhin ng ginagawa nyang lakad takbo dahil parang wala pa syang natatanaw na daan o highway man lang patuloy pa rin sa pagtakbo ng ilang minuto pa ay abot tanaw na nya ang mga ilaw sa kabahayan ngunit malayo layo pa ito kaya patuloy syang tumakbo napahinto nalang ito ng mapansin ang grupo ng kalalakihan na papalapit sa kinaroroonan nya at agad naman syang nakatago sa isang malaking punong kahoy hingal man ay pinipilit pa rin nyang maging mahinahon. Ilang minuto rin syang nakakubli sa puno, ng walang makitang tao sa paligid ang kalalakihan ay umalis din agad ito. Patakbo nya ulit na tinahak ang daan ngunit maingat nya itong ginawa upang hindi makalikha ng ingay na maaring maging sanhi ng kanyang maagang kamatayan. Halos 2 oras na syang tumatakbo ng marating nya ang kabahayan agad syang naghanap ng posibleng makatulong sa kanya, hindi naman ito na nabigo dahil may mag-asawang matanda ang nagpapasok sa kanya, agad nyang kinapa ang cellphone nya para kumOnTak ng kaibigan at sabihing sunduin sya sa lugar na ito. Laking pasalamat nya at may mag asawang tumulong sa kanya. Humiling din ito na kung maari ay pagputok ng araw na sya aalis upang hindi na masyadong delikado. wala munang balak magpunta si Kasper o magsumbong sa mga kapulisan dahil aalamin nya muna ang lahat tungkol sa lalaking nakaharap nya kanina bago sya gumawa ng mga hakbang.

A/n:hindi pa nagtatagal ang aking kwento pero may mga rebelasyon na.ahhaha..sana suportahan nyo ito hanggang dulo.hahayaan ko muna kayong malito sa kwento dahil kailangan nyong tapusin ito para mas lalong maintindihan.salamat po.abangan po ang susunod na chapter nito,hihi

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

still into YOUWhere stories live. Discover now