OAB 21

601 16 1
                                    

Chapter 20

***

Jessica's POV

"Tatlong lalaki ang natagpuan sa isang abandonadong gusali sa ***." nabasa ko na headline ng halos lahat ng diyaryo dito.

Di naman ikauunlad ng bansa yan e kaya sinubo ko nalang ulit yung lollipop ko at nagpatuloy sa paglalakad pero bigla akong napatigil. .

Flashback*

"Nahulog na ang loob ko sayo Jessica pero..di tayo pwede... " sabi sakin ni Kris pagtapos niya akong halikan.

"Pero bakit? Mahal din naman na kita ah?" totoo yun. Pero bakit?

"Balang araw maiintindihan mo din.. iloveyou today and always be.." umiiyak na kaming parehas. Di ko maintindihan...bakit ganun?

End of Flashback*

Di ko namalayan may luha nang pumatak mula sa mga mata ko. Mali bang mahalin ko siya?

"Umiiyak ka nanaman.." may biglang nagsalita sa likod ko. Ang tagal ko din siyang hinintay. Humarap ako sa kanya at tinanggal ang lollipop sa bibig ko

"Ang sakit kasi eh... Lay ang sakit bestfriend ang sakit sakit.." at tuluyan ng bumuhos ang luha ko kaya niyakap ako ng bestfriend to the rescue ko na si Lay.

Is this the right time to move on or not?

Taeyeon's POV

*flashback

*BOOG*

Ano yun? Kalamapag mula sa taas. Anyare? Nagmadali akong umakyat at pumunta sa kwarto ni Tiffany pero nakahiga lang siya dun at natutulog. Bigla akong tumakbo sa restroom sa kwarto ni Jessica at nakita siyang walang malay.

"JESSICA!!" sigaw ko.

Ginising ko na kagad si Panyang para dalhin sa ospital si Sica. Nasa ospital kami ngayon at nakaupo sa labas ng operating room. Biglang bumukas yung pinto kaya sinalubong kagad namin ni Panyang yun.

"Doc ano pong balita? Ok lang po ba si Sica? May sakit po ba siya?" sunod sunod na tanong ni Panyang kaya binatukan ko siya.

"Gago isa isa lang ang tanong!" tumingin ulit ako sa doctor.

"Ok lang naman ang pasyente pero kailangan niyang maadmit muna dito dahil may mga test pa kaming gagawin sa kanya. Sige mauna na ako." napabuntong hininga nalang kami ni Panyang. Buti nalang okay na siya.

----- Sa kwarto ni Jessica...

"Krisis..." bigla akong napabangon at napatingin sa higaan ni Jessica nang sumigaw siya. Nilapitan ko siya.

"Uyy ano ok kana ba?" tanong ko. Tsaka anong 'Krisis'? Diba problema yun sa bansa.

"Oo medyo. Teka anyare bat ako nandito?" tanong niya sakin at umupo.

"Bobo kita mong nasa kitchen ako at nagluluto e------ AY SHET YUNG NILULUTO KO!!"

Jessica's POV

"---AY SHET YUNG NILULUTO KO!!" napabalikwas si Tiffany ng bangon at nagising dahil sa sigaw ni Taeyeon.

Punyetang babae yun bungangera talaga.

"Panyang ano nangyare saken?" tanong ko sakanya.

"Aba malay ko sayo pinagdrive lang naman ako ni Taeyeon papunta dito sa ospital eh tapos tulog ka."

PUTAHAMNIDA WALANG KWENTANG KAUSAP MGA TAO DITO!

*End of flashback

Our Addict BoyfriendsWhere stories live. Discover now