Chapter 2:)

6.5K 260 9
                                    

Avery's pov

Lumipas na ang isang buwan,
Wala paring pagbabago.
Ganon parin!

Lagi kong nakikita si Ivan na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya,

Ngunit tuwing nakikita niya ako ay napapahinto siya at bumabalik ang pagkairita sa kanyang mukha.

Minsan tuloy iniisip kong iwasan na lamang siya ngunit hindi ko kaya, isa pa magkaklase kami.

Ayokong mawala ang ngiti sa labi niya, kahit hindi ako ang dahilan.

Alam kong marami ang nagkakandarapa sa kanya.

Ngunit ni minsan ay diko siya nakitang may kasamang babae.

Mabuti na rin yun, ng hindi madagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

Mabait naman siya kung ituring niya ang mga babae, sa akin lang talaga siya naiirita at nagagalit.

"Ms. Avery!" Tawag saken ng isa sa mga guro ko.

Naglalakad lakad kasi ako ngayon dala ang isang DSLR na hiniram ko lang kay Janna, kailangan ko ito upang kumuha ng litrato para sa isang Compilation na gagawin ko.

Bawat booth na madadaanan ko ay kinukuhanan ko ng litrato.

Lumapit ako sa guro na tumawag sa akin.

"Pasensya sa abala" pangunguna niya.

"Okay lang naman po" nakangiting turan ko.

Ngumiti din siya.

"Pakibigay naman ito kay Ivan, kaklase mo siya diba?"

"P-po ? O-opo, kaklase ko nga po." Sagot ko, bakit sa dinami dami namin ay ako pa?

"Salamat" huling sambit ng guro bago tuluyang umalis.

Tumingin ako sa kamay ko, hawak ko ngayon ang isang libro sa Mathematics !

Bakit ako? Bat ako pa?

---

"I-Ivan!" Tawag pansin ko kay Ivan na seryosong kausap ang isang babae,

Si Lyra, isa sa mga kaklase ko rin,

Napatingin siya saaken.
Ngunit sa pagkakataong ito, ako ang unang umiwas!

Pinagmasdan ko saglit ang kabuuan ng hardin na pinaghihirapang ayusin ng mga hardinero ng paaralan, maganda ang pagkaka ayos nito.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Ivan na prenteng nakasandal ngayon sa nag iisa at namumukod tanging puno ng hardin.

Nakita kong nagpunas ng luha si Lyra bago tuluyang umalis.

B-bakit sila magkasama?
At bakit umiiyak si Lyra?

Ayokong mag isip ng kung ano-ano!
Ayoko!

"Anong kailangan mo?" Malamig niyang tanong ngunit mahihimigan mo parin ang pagkadisgusto sa boses.

Bumuntong hininga ako ng malalim,

Swallowing the pain! I wish this heart of mine will stop beating for him!
I wish someday--

"Tsk! Ano ? Tutunganga ka na lang diyan?" Iritang sabi niya,

Lumapit ako sakanya at pasimpleng pinagmasdan ang mukha niya...

Someday... I could finally say that these feelings are long gone!!!

"E-eto pinapabigay ni ma'am"

Padabog niyang kinuha ang librong inaabot ko.

Pagkatapos niyang kunin ay dali dali akong tumalikod sa kanya at naglakad palayo...

Pinilit kong iwanan ang nararamdaman ko sa kanya nung mga oras na tumalikod ako sakanya ngunit hindi lang ang nararamdaman ko ang naiwan, pati narin ang puso ko!

---

"Janna nakita mo ba ang litrato sa wallet ko?" Tanong ko sa aking kaibigan na ngayon ay nilalantakan ang french fries na ibinigay ng manliligaw niyang si Kristoff.

Mabait naman ang lalaking iyon atsaka matalino.

"Bakit? Nawawala ba?" Tumango ako sa tanong niya.

"Tignan mo sa bag mo, baka nahulog lang doon"  turan niya.

Umiling ako sakanya.
"Wala talaga eh!"

"Pabayaan mo na nga yun, chaka maswerte ang makakapulot nun, sa ganda mong yan ? -aish tiyak na mahuhulog iyon sayo." Proud na na sabi ng may pataas taas ng kanyang kilay.

"Bolera!" Asar ko sakanya.
"Hmp! Hindi no!? Totoo naman kasi, masyado ka lang humble! Atsaka marami kaya ang nagkakagusto sayo, slow kalang talaga at manhid! Sa dinami dami ng lalake, dun ka pa sa taong wala namang gusto sayo!"

Napatungo ako sa huli niyang sinambit--

"S-sorry, di ko sinasadya! Hayaan mo na kasi yung picture, okay? Sorry talaga!" Paumanhin niya.

Totoo naman talaga yung mga huli niyang sinabi .

"Okay lang yun noh. Tama ka, hayaan na natin yung litrato ko. Haha"
Sagot ko sakanya.

---

Natapos ang isang araw, sa sobrang pagod, pag kauwi ko ay nakatulog agad ako.

Naalimpungatan ako ng makarinig nanaman ako ng hagulgol mula sa babaeng walang ibang minahal at hiniling na makasama kundi ang isang lalakeng walang namang isang salita!

Minsan naisip kong, ang mga lalake ay pare-pareho lamang, ngunit pati ang labis labis na pagmamahal ni mama ay nakuha ko rin yata.

Patuloy parin kaming nagmamahal kahit nasasaktan na.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga,
Tumungo ako sa kuwarto ni mama.

Sapo sapo niya ang dib dib gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan naman ay nakatakip sa bunganga.

Wari'y pinipigilan niya na mag ingay.

Niyakap ko siya!

This is what she needs!
What we need!

"Tahan na ma, please?" Pagpapatahan ko sakanya.

"He doesn't deserve your tears" sabi ko sa malumanay na boses.

"Patawad anak! Naistorbo ko pa yata ang pagtulog mo"

Umiling ako at ngumiti.

"Ma, siguro ito na ang oras para palayain siya sa puso mo"

Biglaang napatingin si mama sa akin marahil sa sinabi ko.

Ivan Lopez!

Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha sa mata ni mama.

"T-tama ka anak!  S-siguro nga" sambit niya sa gitna ng kanyang pahhikbi.

Marahan akong tumango.

Sa una pa lang naman ay wala na talaga akong pag asa at sa pakikitungo pa lang niya saaken, kaya ni minsan ay hindi ako umamin sakanya...

Ivan Lopez...

Pinapalaya na kita!

At tuluyan ng bumagsak ang mga luhang matagal ko ng pinipigilan.

---

I Hate You! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon