AL#1

64 2 0
                                    


Biyernes ng hapon tapos umuulan.Kailangan kong umuwi ng bahay para makareview ako dahil sa Monthly Exam namin na Lunes.Shutang Inerns kasi bakit may nalalaman pa silang monthly exam?Tapos nakakaasar pa iyong Lit namin ay tungkol sa LOVE.

Tumatakbo ako ngayon dahil wala akong payong.Syempre basang basa ako.Alangan naman na dry ako diba?Ano iyon?Water proof?At sa kalagitnaan ng pagtakbo ko,may nakaharang na couple sa daan.Ano pa nga bang gagawin ko?Edi dadaan ako sa gitna nila para mas maganda *wink*

*blaaaaaaaaaaaaag*

"Ang daming dadaanan,bakit dito pa?" mataray na sigaw saakin ng babae

Mataray lang siya,ako,DEMONYITA

"Sa pagkakaalam ko kasi,ang pakikipaglandian ay nilalagay sa lugar.Hindi iyong naglalandian kung saan saang lugar"

"So you're say-"

"Magsalita ka pa at gagawin kong sentence ang buhay mo at ako mismo gagawa at tutuldok dito.So better shut up,bitch"

And by that,umalis na agad ako.Naglakad na ako,total basang basa na talaga ako.So ano pang silbi kung tatakbo ako,diba?Baka mamaya madulas pa ako at mahulog sa maling tao.Amputek.Ano iyong sinabi ko?Ang corny naman

~

Pagbukas ko ng facebook,nagpost agad ako sa Facebook Page ko.Aba sikat na kaya itong page kong ito.

Hugot ni Queen C : Ang FRIENDLY naman pala ng crush mo.Tingnan mo,hanggang ngayon,FRIENDS parin kayo.Labyu guys :*

Like l Comment l Share

As usual,ang dami nanamang naglike,nagcomment at nagshare.Pero bakit sila ganoon?Shineshare nila kung ano ang meron nila?Kasi dapat kung nasaiyo na,huwag mo nang ipahiram.Protektahan mo dahil baka di mo namalayan na angkinin na pala nila ito

Sinara ko na ang laptop ko at nagreview na.Uunahin ko na ang Math kahit alam kong mahirap.Pero ang Math ay parang Pag-Ibig,madali lang naman masolve ang problem eh,tao lang ang nagsasabing mahirap at gumagawang complicated ito at di nila ito masagot-sagot

~

Shutang inerns!Bakit pa kasi kailangang hanapin si x?Eh nandoon naman na siya sa iba at masaya na.So why bother find him?Asa ka namang mahal ka pa?Pero sabagay,lahat tayo ay binigyan ng chance maging tanga.Pero hindi porket libre,aaraw-arawin mo na

*kringgggggggggggg*

[Kyaaaahh!BEEEESSS!Nakausap ko kanina si crush.Iyong heart ko kanina.Shet lakas ng tibok.Parang may mga kabayong nagkakarera] Ayeth short for Harriete

"So paano naipasok iyang mga kabayo sa puso mo?At sobrang laki na rin ni Jasper,sabi mo nandyan siya sa puso tapos pati kabayo meron na rin.Laki ng puso mo,dre" pagbibiro ko.Syempre marunong din naman akong magbiro.Minsan nga lang

[Dami mong alam.Pero ang masakit no?Bes nagpatulong siya saakin para sa monthsary nila nung Arra-nadisgrasya ang muka] sasapakin ko na ba si Jasper?Pero hayaan mo na.Tanga naman kasi nitong kaibigan ko pero mas tanga parin naman pala si Jasper.

"Huwag kang magpakatanga sa taong alam mong mas tanga saiyo" ewan ko lang kung maiintindihan niya ba iyang sinabi ko

[Huh?What do you mean?] told yah!

"Lahat ng lalaki ay may kanya-kanyang prinsesa.Iyon nga lang isa si Jasper sa mga tatanga-tanga.Nasa harap na nga ang prinsesa nila,naghanap pa ng bruha"

[So bruha ako ganon?]

"Hinanap ka ba niya?Huwag assuming" tanga talag ng babaeng ito kaya bagay sila ni Jasper eh.Tch

[Hindi] sabi niya at kahi di ko siya nakikita,alam kong nakapout nanaman siya.Gawain niya iyan eh.Nagpapacute.Amp

"Bye na nga.Nakakaleche ka kausap"

[Teka-]

~tooot~

Ampalaya LoveWhere stories live. Discover now