Fifth Trouble

45 3 0
                                    

Part 1

<Bother's POV>

Kasalukuyan akong nagpepedal ng aking bike nung biglang tumunog yung phone ko.

~{What am I suppose to do when the best part of me was always you?

And what am I supposed to say when I'm all choked up and you're okay?

I'm falling to pieces, yeah

I'm falling to pieces, yeah}~

Yeah! Fan ako ng The Script eh!

Sinagot ko na yung tumatawag at baka importante to.

"Hello, Baby B?" -sweet na sabi ni Kuya Rust

"Yes, Kuya?" -ako

"On the way ka na ba sa bahay?" -siya

"Yeah.. Siguro mga 10 blocks away na lang nandyan na ako. Bakit?" -ako

"I will just say that you don't need to come home." -Kuya

(O____O) WHAAAAATTTT?????!!!!!

"Pinapalayas nyo na ba ako?!" -huhuhuhuh.... ;(

"............." -hindi na siya nagsalita

"Kuya!!!! Please.... Magpapakabait na ako basta wag nyo lang akong palayasin!!!!! Saan na ako ngayon titira?! Paano na ako kakain? Paano na yung allowance ko?! Hindi na ba ako mag-aaral?! Paano na yung future ko?! Saan na ako ngayon pupun-" -hindi ko na natuloy yung sasabihin ko

"BWAHAHAHAHAH!!!! You're so funny Baby B! Masyado ka namang paranoid! Hindi ka naman namin palalayasin eh! Hindi ka lang dito uuwi kasi magdodorm ka na." -sabi naman ni Kuya

"Ahhh... Akala ko nama- WHATTTTT???!!!! Mag-d-d-dorm ako?! NO WAY!!!" -reklamo ko

"Baby B, kapakanan mo lang naman ang iniisip namin eh. Ibebenta na kasi ni Kuya Ron yung bahay natin at lilipat na kami sa Ilocos. Hindi ka naman namin pwedeng isama kasi kakaenroll mo pa lang sa bago mong school." -he explained

"Pero pwede naman ulit akong magtransfer diba?" -ako

"Hayy... Baby B, wag kang mag-alala. Sa atin naman yung dorm na yun kaya hindi mo kailangang magworry. Tsaka lima lang naman kayong titira dun eh." -siya

"P-p-p-pero! Hindi ba talaga ako pwedeng sumama na lang sa inyo?"

"Baby B, dadalawin ka naman namin dun eh... Tsaka hindi ka naman namin hahayaang mapahamak. Alam mo naman na ikaw yung Princess namin diba?" -Kuya Rust

"Hayy... Sige na nga Kuya. Saan na ba ako titira?" -ako

"I'll text you the address. Tsaka nandito na kaming apat. Hinihintay ka na namin dito sa bago mong bahay. Take care Baby B!" -Kuya

"Ok Kuya... Bye." -sabi ko sabay end ng call

Bakit naman kaya sila lilipat ng bahay eh ang laki-laki ng bahay namin? Siguro pinayagan sila nina Mom and Dad na lumipat. Palibhasa lahat sila may trabaho na kaya pwede na silang magdesisyon.

Sana makagraduate na rin ako para naman pwede din akong magpalipat-lipat ng bahay.

~Boss, you have a text message~

Sabi nung phone ko.

Tinext na pala sa akin ni Kuya yung address ng bago kong bahay.

Nagpedal na ulit ako papunta doon sa address na tinext sa akin ni Kuya.

Buti na lang at malapit lang yun dito.

Hayy... sana naman may pagkain dun sa dorm.

Part 2

Trouble again and again and AGAIN??!!!Onde histórias criam vida. Descubra agora