Scene 1

371 34 95
                                    

Fallen_Angel_Eyes  - Jin 

acseas  - Migz

blue_phoenixx2  - paloma

MrTigerFM - Dan

My Warfeak Girl

( wag sana kayo ma-offend sa title )

Unang araw ng pasukan, humahangos sa pagtakbo si Paloma papasok sa loob ng gate ng school, na sinasadya na nakabangga niya ang isang studyanteng lalaki at nahulog ang mga librong hawak nito.

Sorry! Sorry!" Sabi ni Paloma habang pinupulot ang mga libro at tiningnan niya ang lalaki na nasa harapan niya. Natulala at kinabahan ng malakas si Paloma ng makilala niya kung sino ito. Si Dan, ang captain ng soccer at isa sa mga sikat sa school nila.

Sa susunod wag kang tatanga tanga sa daan!" Masungit na sabi ni Dan sabay kinuha ang libro sa kamay ni Paloma at umalis.

" Aba naman! Panira ng araw ang gagong yun! gwapo sana, ang sama naman ng ugali! Baka sirain ko yan kagwapuhan mo! " Naiinis na sabi ni Paloma at nagpatuloy siya sa pagpasok sa loob.



Samantala... Ang mag bestfriends na sina Migz at Jin ay kasalukuyan nasa daan pa habang nakasakay sila sa iisang bike. Si Migz ang nasa manibela at nakasakay naman si Jin sa likod ng bike habang nakahawak siya sa beywang nito.

Hoy Migz! Bilisan mo naman! Late na late na tayo!" Pasigaw na sabi ni Jin at naiinis na nilingon siya ni Migz

Tumahimik ka nga! Ang ingay ingay mo! Ito na nga at binibilisan ko na kaya lang ang BIGAT mo!  " angal na sabi ni Migz at kinurot siya ni Jin na tagiliran. "ARAY! NAMAN!"

KAPAL MO! sino mabigat ha! Baka kamo, ikaw lang ang walang lakas dahil payatot ka! " naaasar na sabi ni Jin.

Ikaw mataba!" Sagot ni Migz at muli siyang kinurot ni Jin. " Letse naman Jin! Nakakadalawa kana! Ang sakit ha!" Muli siyang kinurot ni Jin sa tagiliran at huminto siya na asar na asar. "ANAK NG - "  Mabilis na tumalon si Jin mula sa bike at tumakbo palayo kay Migz.

" Nge! Nge! Bleee! Asar talo si payatot! Byeeee!" Pang aasar na sabi ni Jin na pinagtatawanan si Migz at tumakbo paalis.

" Hoy Taba! Bumalik ka dito! Tangena naman! Paganti ako!" pasigaw na sabi ni Migz na hinabol si Jin habang nakasakay sa bike niya.


Sina Dan, paloma, Migz at Jin ay pare parehong nahuling dumating sa entrance ceremony kaya silang apat ay pinaluhod sa gitna ng school ground bilang parusa sa kanila.

" Shet. Nakakahiya ito! Na eexposed ang kagandahan ko sa initan at kahihiyan! " reklamo na sabi ni Jin.

" First time nangyari ito sa akin... haist! This is so embarrassing! " sabi naman ni Paloma na naiiyak sa kahihiyan.

" Payatot! Kasalanan mo ito kaya na late tayo! " naiinis na sabi ni Jin na sinisisi si Migz.

" Ano? At bakit ako sinisisi mo!?" inis na sagot ni Migz.

" Sino ba tinanghali ng gising!? Diba ikaw! "

" Sinabi ko ba sayo na hintayin mo ako!? At saka hindi sana tayo mali- late kung hindi dahil dyan sa kabagalan mo! Ang dami dami pa kasing kaartehan na nilalagay sa mukha! Eh wala na rin naman pag asa na gumanda siya. "

" HUH?

" ( smirk ) Totoo naman ha, himala ang kailangan mo."

"ANO! Ulitin mo nga yun sinabi mo! "

" Ay bingi? Sabi ko panget ka!"

"PANGET PALA HA! " Sinugod ni Jin  si Migz at sinakal niya ito sa leeg na nakapulot ang mga braso niya sa leeg nito.

" Hoy! Bitawan mo nga ako Jin! Gusto mo ba ako patayin! Aack- Ack - Help! "

" Papatayin kita!"

Hindi na nakatiis si Paloma habang pinapanood niya si Jin na unti unting binabawian ng buhay si Migz.

" Hoy Sungit! Awatin mo na kaya sila? " pabulong na sabi ni Paloma kay Dan.

" Ano? Tsk, wala akong pakialam kung magpatayan sila." Pasungit na sagot ni Dan.

"Hindi ka ba nag iisip?  Kapag pinabayaan mo yan dalawa, baka madagdagan yun parusa sa atin at siguradong, damay tayong dalawa."

" So? Nasaan ang pake ko? "

" Malamang nasa utak mo! Gwapo ka sana, bobo naman! "

" Tsk, kung gusto mo, ikaw gumawa! Ikaw umawat sa kanila!"

" Eh di ako na! Salamat sa concern ha! HA! "

Tumayo si Paloma at nilapitan ang dalawa para awatin ang mag ito,  kaya lang, biglang pumiglas si Migz at tumama sa mukha ni paloma yun kamay ni Migz. Napaupo si Cels sa ibaba at narinig niyang natawa ng mahina si Dan.

" Buti nga sayo. Pakealamera kasi, masakit ba? "

" Tangena! Mukhang makakapatay na rin ako ng tao ngayon."

" Hoy! Bilisan mo na! Tumayo ka na dyan at pigilan mo na sila bago tuluyan magpatayan yun dalawa. Bilis Face monster."

" Face monster!?"

" Di mo ba alam? Tsk, okay, Ita-translate ko para sayo.... Ikaw ay mukhang halimaw! " ( smirk)


" Anong sabi mo?"

" Ang - Sabe - ko - , Mukha kang halimaw! " sabay tawa na sabi Dan at kinuyom ni paloma ng mahigpit ang mga kamao niya.

" Humanda ka sa akin ngayon! Manghihiram ka ng mukha sa pwet ng aso niyo! "


Sinugod ni Paloma si Dan at sinabunutan ito sabay sinampal sampal niya ito sa mukha. Nagkaroon ng madugong labanan sa school ground at ang nanalo ay ang mga BABAE! YEHEY!!!  Kawawa naman yun mga lalaki, natalo na nga sila, nagulpi pa ng bongga bongga.

Dumating ang mga disciplinary teacher at inawat sila ng mga ito. Isa isa silang nakatikim ng tig -iisang hampas sa ulo gamit ang dyaryo at nadagdagan pa ang kanilang parusa. Ang bagong parusa nila ay linisin ang loob at labas ng buong gymnasium.

Itutuloy. 😄

Thank you for reading and always supporting my stories.

Next and last Batch na kayo.

CyronSantos

-_GoddessofLove_-

Bbmrly_

kshrcs-

USAPANG BOYS & GIRLSWhere stories live. Discover now