Chapter 1

84 10 4
                                    

Narration

Year x874, Month 12, Day 30 ng nag simula ang gyera. Isang araw na maraming naghinagpis at nawalan ng mahal sa buhay. Isang araw na puno ng pighati at paghihirap sa buhay.

Gehenna's POV

"Ilang buwan na lang Gehenna manganganak ka na. Makakasama ko na ang anak natin." Sambit ng aking asawa na si Azazel.

"Natatakot ako para sa anak natin. Ayokong maranasan nya ang gyera na ito." Pag sagot ko sa kanya.

"Hindi mo kailangan matakot. Hanggang andito tayo sa kaharian ng Vincordia, walang mangyayaring masama sa ating anak at andito naman ako para protektahan kayo." Dahil sa mga sinabi nyang salita ay napanatag naman ang loob ko.

Dalawang buwan na lang ay manganganak na ako. Patuloy pa rin ang gyera para sa kapangyarihan...

Sa panahon na ito ang mga walang kapangyarihan ay ginagawang mga alipin, pinapahirapan at pinaglalaruan. Kadalasan pa nga ay pinapatay. Ma-swerte na ako at napangasawa ko si Azazel na isang taong may angking kapangyarihan.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong nya na ikinagulat ko.

"A-hh a-ano.. Gumagalaw ang anak natin." Sambit ko kahit na hindi totoo. Hinawakan naman agad nya ang aking tiyan.

"Hindi naman ah." Sambit nya.

May mga paro-paro na lumitaw galing sa kawalan na ikinagulat namin ito pareho ng aking asawa. Natuwa kami sa nakikita, alam namin pareho na ang anak namin ang gumagawa non.

"Hindi pa naipapanganak ang ating anak mayroon na agad syang taglay na kapangyarihan." Sabi ng aking asawa.

x974,12,28 dalawang araw na lang. Isang daan taon na ang gyera na ito. Marami ng nawala sa akin ng dahil sa digmaan na to. Ayokong pati anak ko ay maranasan ang naranasan ko.

"Azazel..." Gusto ko ng makalayo sa lahat ng gulo na to, kahit imposible man pero kailangan.

"Hmmm?" Sasabihin ko ba sa kanya na gusto ko ng magpakalayo? Kaya ko ba?

"Gusto ko na..."

"Gusto mo na??"

"Gusto ko na ipangalan natin sa anak natin ay Asura." Hindi ko pa rin talaga masabi sa kanya.

"Asura?" May naglabasan na naman'g mga paro-paro.

"Mukhang nagustuhan ng anak natin ang kaniyang pangalan, Gehenna. Magpahinga ka na Gehenna, lumalalim na ang gabi. Sinunod ko naman ang sinabi nya sa akin at nagpahinga na.

------

Third Person POV

Habang natutulog si Gehenna siya ay may napanaginipan. Isang lalaki na nagpakita sa kanya ng pinagmulan ng digmaan. Hindi makapaniwala si Gehenna sa mga nalaman at nakita nya.

Nagpakilala ang lalaki bilang isang propeta. Dahil dito naguluhan na si Gehenna at itinanong sa lalaki kung sya ang propeta na sinasabi sa alamat dito sa Vincordia.

Hindi ito sinagot ng lalaki ngunit sinabi nya kay Gehenna na "Ang anak mo ang susi sa kapayapaan ng buong mundo. Siya ang magpapa-totoo ng propesiya."

Nagising si Gehenna ng dahil sa isang malakas na pagsabog at nakita nyang tumatakbo papunta sa kanya ang kanyang asawa.

"GEHENNA!! TUMAKAS NA KAYO!! ITAKAS MO ANG ANAK NATIN! NILUSOB TAYO NG MGA TAUHAN NI ASTAROTH!" Sigaw ni Azazel sa kanyang asawa na ito naman'g ikinakaba ni Gehenna.

Agad agad bumangon si Gehenna sa kanyang pagkakahiga at nilapitan ang kanyang asawa at niyakap. "P-paano ka? Sumama ka na din. Di ko kaya na wala ka sa tabi ko." Pag saad ni Gehenna habang siya ay umiiyak.

Essence WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon