C h a p t e r 12

34K 620 134
                                    

Megan's POV

Tulala akong nakatingin sa sahig. Medyo nawala rin ako sa sarili ko ng ilang minuto. Bumalik lang ako sa katinuan nang biglang may humila sa akin palabas. May buhok pa ba ako?  Masakit ang scalp ko eh. Feel ko rin na may sugat ng konti yung labi ko kasi mahapdi TT n TT

Nahihirapan akong huminga. Pano ba naman kasi,  hila hila ako ng lalaking to! Unang una sino tong unggoy nato? Pangalawa,  bakit niya ako kinakaladkad ng ganito kalala? Tumigil ako sa paglakad. Tumigil rin siya.

*sobs*

Tumulo na nang tuluyan ang mga luha kong kanina pa gustong tumulo. Nagfflashback kasi sa akin yung pinagsasabi ni Jessica. Umiiyak ako hindi dahil sa sakit ng katawan na nararamdaman ko ngayon kundi sa mga salitang binitawan niya kanina. To be honest,  napaka-harsh niya talagang magsalita. Nakasali pa si mama dun. Shit lang

"Mag aaya ka ng away tapos di mo naman pala kaya"

Isang malalim at pamilyar na boses ang narinig kong umextra habang nag eemo ko. Iniangat ko ng mukha ko para makita kung sino ito. Hindi nga ako nagkakamali.

Si Kai.

Lalong pang bumuhos ang luha ko. Akala ko kasi si guard lang o kaya si janitor ang humihila sa akin eh. Di ko akalaing siya. Di ko alam pero bigla akong napayakap sa kanya. Yung feeling na masaya ka dahil prinotektahan ka niya. Feeling ko palagi akong secured kapag kasama ko siya.


"Pangalawa"


"What?"-Kai


"Pangalawang beses mo na ako niligtas" inilayo niya ng pagkakayakap ko sa kanya pagkatapos kong sabihin yon.

"Go home now" Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad papalayo. Mabait siya. Alam kong mabait talaga. Hindi lang halata. Ayaw niya lang ipahalata dahil masyado lang siyang bitter sa break up nila ng ex girlfriend niya.

"Komawoyeo! Kai " pahabol na sigaw ko kahit malayo na siya. Pero alam kong narinig niya yon. Opo. Nag aral ako ng korean pero yung basics lang.



**


Sehun's POV

What I saw is just heart breaking :(

Kitang kita ko ang lahat. Kitang kita ko kung pano sila tumakbo,  huminto at nagyakapan. Matagal ko nang alam na may gusto si Megan kay Kai hyung.


It's obvious.


Pinagmamasdan ko minsan si Megan sa classroom. She's always looking for Kai. She looks at Kai in a very different way. Dapat ako ang kasama ngayon ni Megan. Naunahan lang nga ako ni Kai hyung.


F L A S H B A C K

"Narinig ko kanina si Jessica. Tuturuan daw nila ng leksyon yung Megan daw. Yung sumuntok sa kanya"

Peter PanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon