Missing

7.3K 93 35
                                    

Lea's P.O.V


"Natawagan niyo na po ba si Madame?"

"Hinde, walang sumasagot..."

"Hanggang ngayon di pa rin umuuwi sa Madame..."

Lumipas na ang apat na oras at hanggang ngayon di pa rin umuuwi si Mrs. Montealegre. Napagalaman din naming di siya sumipot sa meeting ng mga bussiness partners niya. Bagamat laging umuuwi ng late si Mrs. Montealegre, ang pinagtataka namin ang biglang di niya pagsulpot sa meeting. Imposible yon kasi mahal niya ang trabaho niya.

Umalis din si Kuya Manny para ipahanap at humingi ng tulong sa presinto at sa mga Private Investigator. Pati ang magkapatid na Montealegre ay tumulong na rin sa paghahanap. Naiwan ako dito kasama ng ibang katulong, kung sakaling umuwi si Mrs. Montealegre. Lahat kami dito ay di mapakali at puno ng takot at pangamba.

Di ako mapakali...masama ang kutob ko dito.
Parang may di na naman nangyaring maganda. ' Natatakot ako' pero di ko pwedeng pangunahan ang takot at kaba.'Wala naman sigurong nangyaring masama diba?' pagkalma ko sa sarili ko.

Pati yung nangyari kanina, nung nabasag ko yung frame picture ni Mrs. Montealegre (sigh) napakaclumsy ko talaga. Napatingin ako sa sugat sa may daliri ko na hanggang ngayon ay dumudugo pa rin. Napatawa na lang ako sa sarili ko. Hindi na ako magtataka kung lahat ng bagay sa akin ay bigla na lang mawawala...


Flashback:

Nataranta ako ng makita ko ang nabasag na picture. Naku mukhang mamahalin pa naman, lagot ako nito! Mula sa baba, may narinig akong mga yabag ng paa papunta dito, siguro dahil na rin sa lakas ng impact ng pagkakahulog ng frame. Dahan dahan akong lumuhod para pulutin ang mga kalat kalat na bubog sa sahig.

"O-oww" natusok ako sa matatalas na bubog. Di bali na maliit na sugat lamang ito.

Dahil gawa ito sa mamahaling Mirror Glass, napatingin ako sa repleksiyon ng mukha ko. Napayuko na lang ako at umismid ng marahan .Kusa na lang may pumatak na tubig kasabay ng pagpihit ng doorknob. Saan nanggaling yung patak ng tubig?

"Anong nangyari dito?" napatingin siya sa akin at sa nabasag na picture frame. Biglang nagliyab ang mata niya at hinila ako patayo.

"Wala ka talagang silbe?! Tingnan mo ang ginawa mo?!"

Hinablot niya sa akin ang nabasag na frame at kinaladkad palabas. Isa isa na rin pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Gusto kong magsalita ng sorry kaso wala ng salitang lumalabas sa akin. ''Tama Na!!' at napaluhod ako sa harap niya.

Napansin niya umiiyak na ako at marahan niya akong tinayo.

"Nevermind, I'm sorry..nabigla lang ako."

Mahinahong sabi niya at pinunasan ang mga tubig sa mata kong kanina pa pumapatak.

"A-anong nangyayari d-dito?! Iha anong nangyari?!"

Gulat na gulat na pahayag ni manang at kasabay noon ay si Jerome na akay akay ng isa pang katulong. Nakita niya rin ang mga nagkalat na basag sa floor at malamang naintindihan niya rin kung ano ang nangyari dito.

"Bakit manang? Ano po ang nangyari kay Lea? Lea na andyan ka ba?" at kumapa kapa siya sa madadaanan niya.

"Jerome! A-ayos lang ako" pinunasan ko ang mga natira kong luha at dahan dahang lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Kumunot ang noo niya.

"Lea umiiyak ka ba? Si Luigi ba ang nagpaiyak sa iyo?!" nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw at tumingin ako kay Luigi na ngayon ay naguumapaw sa galit...di ko alam kung tama yung nakikita ko sa mga mata niya. Parang pinaghalo halong matinding lungkot at selos? Binitawan ko na rin ang kamay ni Jerome dahil kanina pa siya masamang nakatitig doon. Siguro nandidiri siyang hinahawakan ko ang kamay ng kapatid niya.

"Magsama kayo dyan?!" kasabay noon ang malakas na pagbagsak ng pinto..balak ko sana siyang sundan kaso kumapit sa akin si Jerome. Siguro ipagpapaliban ko muna hanggang sa humupa ang galit niya...

"Ayos lang ako at ako naman talaga ang may kasalanan, dapat di na kayo nag-away."

"Kahit na! Pwede namang kausapin ka niya ng malumanay. Huwag mo nga siyang ipagtanggol." sabay pout ni Jerome. Ang cute niya talaga! Dahil malandi ako,  masaya na ulit ako!!!! Party! Party! Grabe ang bilis mawala ang galet!

Hinatid ko na siya sa kwarto at ang kulit kulit niya...parang tuta lang ang peg, magamo nga silang dalawa ni Pochi. Di ko na nga napansing dumudugo yung sugat ko kanina sa dalire. Nag-paalam na rin akong lalabas para tumulong sa ibang katulong. Di pa nga siya pumayag nung una dahil di ko daw trabaho yun, pero syempre makulit ako edi yun nakalabas na din ako >_<

Tumingin tingin muna ako sa paligid kung may tao at ni anino walang tao sa may corridor.Wanna know my Secret, baby?

Actually lumabas talaga ako para...

*Frrrrrt*

Syempre para umutot! <3

Ayoko namang umutot sa harap ni Jerome! Kahiya noh...katurn-off

Akala ko dito na magtatapos ang malungkot na pangyayari...nawawala si Mrs. Montealegre na siyang kinagimbal ng lahat ng tao sa Mansion.

End of Flashback...


Medyo magtatakipsilim na at hindi pa rin bumabalik si Mrs. Montealegre. Napagpasiyahan ko na ring tumulong sa paghahanap. Naglibot ako sa Mansion gamit ng hawak kong mapa. Mahirap na, baka maligaw ako sa laki ng mansion na ito.

Sa Kwarto:

Wala

Sa kusina:

Wala

Sa Garden:

Wala

Di ko talaga makita si Mrs. Montealegre. Isa na lang ang di ko pa napupuntahan.

Cr:

Wala pa rin, ang binuksan ko na ang bowl wala talaga doon si Mrs. Montealegre.

Haist! Ang tanga tanga ko talaga! Di ba sabi di nga makita si Mrs. Montealegre, eh bakit ko siya hahanapin dito? Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa marating ko ang gate. Tumulong na rin kaya ako sa paghahanap? Lumingon ako at nakita ko ang lahat ay abalang abala pa rin. Ayoko namang makaistorbo at tumuloy na ako palabas sa gate. Di naman siguro nila mahahalata na nawawala ako diba? Sa dami ba naman ng katulong.

Limited EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon