Sa Prom

766 13 2
                                    

Calvin's POV

Nakikita ko siya sa malayuan na masayang nakikipag usap sa mga kasama niya. Sa mga taong nakapaligid sakanya. Naririnig ko pa ang kaniyang boses.

Si Patee Gonzales. Crush ko siya mula first year palang. Simple lang siya pero nakuha niya paningin ko. Nakuha niya puso ko.

Ako nga pala si Calvin Taberna. Third year high school. May crush na Batch mate at gusto siyang malapitan.

Lumapit ako papunta sa kanila. Wala rin naman akong kasama ngayon tsaka may ka close ako sa mga kasama ni Patee ngayon.

"Oo nga eh. Bigla bigla nalang sisigaw. Nakakainis. Hahaha" sabi ni Patee habang natatawa. Nasa likod lang niya ako.

"Hi!" bigla kong bati sakanya. Halatang nagulat sila.

"Hi Calvin!" bati ng iba sa akin.

"Sali ako sa convo niya ah. Wala ako magawa eh" sabi ko nalang at pumayag naman sila.

Nagusapan kami pero hindi na nagsasalita si Patee. Eto nanaman siya. Kanina lang naririnig ko ang boses niya sa malayuan pero pag lumalapit ako, hindi na siya nagsasalita. Lagi na lang siya ganito. Hindi ko tuloy siya nagiging Close.

Naiinis ako sakanya, oo. Bakit kasi lagi nalang siyang tatahimik pagka nandito na ako malapit sakanya. Hindi kita malapitan pag ganyan ka. Ang goal ko pa naman ay malapitan ka dahil nga may gusto ako sa iyo.

Ayaw magsalita. Parang naka zipper. Mabaho ba ako? Panget ba ako sa paningin mo? Naiinis ka ba sakin? May nagawa ba ako sa iyo? May narinig ka ba tungkol sa akin kaya ka ganiyan?

Pero kahit na ganiyan ka sa akin. Crush pa rin kita. Wala nang ibang magpapalit ng nararamdaman ko. Decided ko na eh. Ikaw talaga. Kailangan ko lang talaga maghanap ng paraan upang makalapit ka sa damdamin at hindi lang sa Literal.

Ilang araw na ang lumipas at wala akong nagagawa na progress. Ganun pa rin. Hindi ko parin malapitan. Ang luck ko talaga.

Naglalakad lang ako na ang kamay ay nasa bulsa ng pantalon ko nang nakita ko si Patee na may kasamang lalaki. Mukhang mas nakakatanda sa amin. Bakit may ganitong eksena sa school? Mukhang naiirita si Patee.

Hindi na ako nag dalawang isip pa at pumunta sa kanila. "Leave her alone" Sabi ko nang makalapit sa dalawa. Nagulat si Patee at ang lalaki naman ay natawa ng bahagya.

"Excuse me?" sabi naman ng lalaki.

"What business do you have with my girl friend? I need her now. Don't bother" Sabi ko at kinaladkad si Patee papalayo sa lalaki.

Sinadya ko. Girl-friend para sa pakinig ng lalaki ay girlfriend. Tae. Napa English pa ako kanina kahit hindi naman talaga kailangan.

"Okay ka lang?"tanong ko sakanya nang makalayo na kami.

"Bakit mo ginawa yun? Nagjojoke lang naman siya ng corny kaya hindi ako natatawa" sabi niya habang nakatingin sa kaliwa niya. Puta napahiya pa tuloy ako.

"Ah. Ganun ba? Sorry" sabi ko at akmang aalis na.

"Thank you na" sabi niya pero hindi niya ako tinitignan. Bakit hindi mo ako tinitignan? Tumango nalang ako at umalis na talaga.

Ilang araw na ulit ang nakalipas. Prom na nga pala. Pero hindi ko siya matanong. Pumunta nalang ako ng walang Date. Naaalala ko tuloy yung unang beses niya ako kinausap. Nun napahiya pa ako pero nag pasalamat naman siya.

Nakita ko siya sa gabi ng prom. Grabe. Ang ganda niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Hindi ko kasi siya nakikita pag acquaintance party. Masyadong maraming tao at hindi ko siya kaklase.

Since juniors at seniors lang ang tao sa venue ng prom ngayon. Mas maunti ang tao at agad ko siyang nakikita. Nagsimula na ako Program. Kung ano ano at maya maya ay parteng sayawan na.

Wala akong maisayaw. Wala naman akong Date eh. Pumwesto nalang ako dito sa dulo ng Gym kasama ang mga kaibigan ko na hindi pa nasayaw.

Maya maya ay sumayaw na rin sila kasama ang mga Date nila. Oo. Mangiiwan sila eh. Ang galing galing naman ng mga kaibigan ko.

Tumingin ako sa kanan at nakita ko si Patee. Mag isa rin siya. Wala rin ba siyang Date? Since may courage na naman ako. Lumapit ako sakanya.

"Hi Patee" bati ko sakanya. Ngumiti siya. Wag. Yung ngiti mo. Lalo akong naiinlove.

"Wala ka pang sayaw?" tanong ko sakanya.

Umiling siya bilang sagot.

"May date ka ba?" ang brave naman ng tanong ko sakanya.

Umiling ulit siya bilang sagot.

"Gusto mo umalis muna ng dito? Maingay dito eh" sabi ko. Tumango naman siya.

Umalis kami ng Gym at napadpad ang paglalakad namin sa may mini field. Mini garden Ata ang paligid. Malawak. Walang tao.

"Tara. Upo muna tayo" salita ko at umupo kami sa tabi.

"Ang ganda ng bituin no?" sabi ko at tumingala naman siya. Magsalita ka naman. Nasasayang ang laway ko eh.

"May alam ka ba na constellation?" tanong ko at umiling naman siya.

"Ako rin eh. Ang alam ko lang ata ay yung Orion's Belt. Ayun. Yung tatlo dun. Ayun yung Orion's Belt." sabi ko habang tinuturo ang tinutukoy ko. Sinundan naman ng tingin ni Patee.

"Masaya ba ang prom?" tanong ko. Tumingin muna siya sa baba bago itaas baba ang kaniyang balikat.

"Ayaw mo ba sa akin? Galit ka ba sa akin?"sunod kong tanong sakanya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Tumingin siya sa harap niya agad eh.

"Pansin ko kasi eh. Pag lumalapit ako. Pag nagsasalita ako. Hindi ka umiimik. Kahit tingin man lang hindi mo magawa. Naiinis ka ba sa akin? Ayaw mo ba? Ano bang nagawa ko?"

"Calvin, hindi naman sa ganun" sabi niya ng mahina.

"Tignan mo nga ako at ulitin mo ang sinabi mo" Sabi ko sakanya. Kahit ayun man lang. Please lang.

Ilang segundo ang nakalipas. Hinintay ko lang na humarap siya sa akin. "Hindi naman sa ganun" ulit niya sa sinabi kanina.

"Eh bakit parang iniiwasan mo ako?"

"Hindi kita iniiwasan"

"Eh bakit pag lumalapit ako, tumatahimik ka at nahihirapan tignan ako"

"Kasi mahirap. Mahirap itago ang nararamdaman ko. Pag lumalapit ka, bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapagsalita. Nagsasalita nga ako. Mabuti nalang naiwasan kong mautal. Hindi kita ma tignan ng deretsuhan. Para bang nanghihina ako pag nakikita kita. Kasi gusto kita, Calvin. First year palang gusto na kita. Kaso natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi tayo mag kaparehas ng nararamdaman." nakikinig lang ako sakanya habang siya ay medyo nanginginig. Sayang wala akong vest or something. Polo lang ako ngayon eh. Buti nga pinayagan.

Lumapit ako sakanya. "Bakit hindi mo sinabi ng mas maaga? All this time, Patee. Pinipilit kong mapalapit sayo. Gusto rin kita" sabi ko nalang at nagulat siya. Katahimikan ang pumaligid sa amin.

"Diba sabi mo wala kang Date?" sabi ko sakanya. Napatingin siya sa akin. Tumayo ako at pumwesto sa harap niya.

"Maaari ba kita maisayaw?" I said. Offering my hand.

Ngumiti muna siya. "Nandito na tayo sa prom. Sayang din naman kung hindi ko maisasayaw ang gusto kong i sayaw" sabi niya at tinanggap ang kamay ko.

Sumayaw kami. Rinig pa naman namin ang kanta mula dito. Wow. Si Patee Gonzales. Kaharap ko na. Kasayaw ko na. At nag aminan kami sa isa't isa.

"Ang galing naman ng confession natin sa isa't isa. Sa prom" sabi niya.

"Oo nga eh"

"Alam mo matagal ko na ito gustong gawin. Okay lang ba?" sabi niya. Gawin ang ano?

"Gawin ang an-" tatanongin ko sana siya pero ginulat niya ako sa sunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ako ng napakatamis. I responded. May narinig akong fireworks. Pero hindi kami tumigil ni Patee sa aming ginagawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prom (Oneshot) Where stories live. Discover now