S13 - #IWLYUChooseToMoveOn

2.5K 109 9
                                    

Glaiza's Pov ...

After naming mag usap ni Rhian kagabi, I run to my villa. Binuhos ko lahat ng luha ko na pinipigil ko habang magkausap kami ni Rhian. Masakit din palang makasakit ng damdamin ng iba tao, lalo na kapag wala naman siyang ginawang masama sayo. Pagkagising ko liningon ko kung sino ang katabi ko, tuwang tuwa ako na tumabi pa si Rhian sa akin after what happened last night. But I was wrong si Bhess pala yung katabi ko, tiningnan ko naman sa kabilang bed si Vice at Kat lang ang magkatabi. Asan kaya si Rhian? Baka sa room siya ni Cristine nakitulog kagabi, no! Sana mali ako ng iniisip.

Nang makita kong 8 am na ginising ko na ang tatlo para sabay sabay na kaming magbreakfast sa resto.

Habang kumakain kami busy naman ang mata ko kakaikot para hanapin si Rhian.

"Ang sakit ng ulo ko grabe." angal ng bestfriend kong si Chynna. At lahat silang tatlo mga may hang over pa, si Vice naman hindi makapagsalita at napaos kakakanta kagabi.

"Mas lalo naman ako, pati panaginip ko apektado ng tama ng alak kagabi. Nanaginip ba naman ako, kasama daw ako don sa Train to Busan jeeez nakakatakot!" maktol nito na may cool aid pa sa ulo.

"Mas malala naman si Vice walang boses, akala mo naman kasi mala beyonce ang boses. Kung makakanta parang sumasali sa tawag ng tanghalan."  inirapan lang siya ni Vice dahil sa sinabi niya. "Nga pala asan yung manliligaw mo Bhess?"

"Hindi ko na siya manliligaw mgkaibigan nalang kami." sagot ko kay Chynna nabulunan naman si Kat sa sinabi ko.

"What?" bigla naman nagkaroon ng boses si Vice dahil sa sinabi ko.

"Ah gets ko na, mas okay na rin yon Bhess kesa pilitin mo ang sarili mo." saad ni Bhess.

"Teka di ko gets can you explain?" tanong ni Vice at pinilit niya magsalita.

"Naku no wonder kaya pala ganun si baby bear kagabi." Kat said at bigla naman akong na curious sa sinabi niya.

"Ha? What do you mean Kath?" pasimple kong tanong sa kanya.

"Nagkamali kasi ako ng villa room na pinasok kagabi. Nakita ko si Baby bear nakikipag chock chack cheness kay Cristine." she said parang hindi ko malunok ang pagkain sa bibig ko sa sinabi ni Katrina.

"Bruha ka linawin mo nga di ko gets!" Chynna said.

"Naku ang slow mong payatot ka, siguro wala kang jowa noh kay hindi mo alam ang chok chak cheness. Nakapatong si Rhian kay Cristine, oh ano gets mo na?"  deritsahan niyang sagot, nawalan naman ako nang gana sa narinig ko. Ininuman ko nalang ng tubig para malunok ko yung kinakain ko.

"Bhess okay ka lang?" tanong ni Chynna sa akin napatingin naman sila Vice at Kat sa akin.

"Oo naman okay lang ako. Bakit naman ako magpapa apekto? Besides I've already told her na wag niya na akong ligawan. Okay lang talaga ako." pinipilit ko ang sarli ko na umarte ng parang okay lang lahat. Pero sa loob loob ko sasabog na lahat ng lamang loob ko dahil sa narinig ko.

"Mabuti naman kong ganun, hayaan nalang natin si Rhian sa bagay na gusto niyang gawin." Vice said at namamaos pa.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain, sila kwentuhan ng kwentuhan samantalang ako lumilipad ang isip kay Rhian. Bakit parang ang sakit ng dibdib ko? Ramdam ko kong paano tinusok ng espada ni Pirena si Amihan, na para akong pinapatay. Yung sakit na naramdaman ni Perina nang kamuhian siya ni Mira na sarili niyang anak, ganun ganun yung pain.

Ngayon parang nagsisisi na ako sa ginawa ko kagabi, sana pala hindi ko nalang pinakawalan si Rhian. Para hindi ko maramdaman ang himagsikan laban sa puso ko.

I Will Love You Unconditionally (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon