Damned Hearts 17

363 18 28
                                    

17


Tumayo agad ako at sinundan si Laura na ngayon ay tinatahak ang daan palabas ng Zoerey's.

I don't know what entered my mind. Bakit ko nga ba siya sinusundan gayong posibleng dumating na ang kanyang kuya para sunduin siya?

But I saw what she did! Kitang-kita ko kung paano niya pinalis ang luha sa pisngi niya! Something's really not right.

And I hope my hunch won't confirm it. Kung totoo ang hula ko ay hindi ko na alam.

Dire-diretso siyang bumaba sa hagdan ng Zoerey's hanggang sa marating niya ang car park. Bumagal ang lakad ko.

I bit my lips as I was trying to compose my question. Why is she crying? Why did she go out? And by any chance... I want to ask her...

"L—"

"Cassiedy."

Isang kamay ang agad na humatak sa braso ko bago ko pa masambit ang pangalan ni Laura. Napalingon agad ako.

It's Gavin. Hinihingal at halatang nagmadali sa pagbaba para abutan kami dito ni Laura.

"Ako na. Umakyat ka na sa itaas..." dagdag niya. Hawak pa rin niya ang braso ko.

My eyebrows a little bit furrowed. Nilingon ko si Laura saka bumaling uli sa kanya.

"P-Pero—"

"Sid... Nandyan na ang kuya niya." Nginuso niya sa akin ang kinatatayuan ni Laura.

Agad kong nilingon iyon at naabutan ang isang puting SUV na huminto sa tapat ng Zoerey's.

Someone got out from the car. Hindi ko na masiyadong maaninag kung sino iyon.

"Sasabihin ko lang kay Laura na mag-ingat sila pauwi. Susunod agad ako sa itaas. Okay?" Napabaling muli ako kay Gavin.

I let out an air before I nodded. Wala na akong nagawa.

He slightly squeezed my hand before letting it go. Ngumiti siya sa akin at naglakad na rin papunta kay Laura.

I balled my fists as my eyes were directly looking at the staircase. Gusto ko silang lingunin ngunit mas pinili kong umakyat na lamang ulit.

Pinalipas ko ang gabing iyon at pinilit na huwag na lang isipin ang tungkol kay Laura. It's pointless to bother myself regarding it. Kung may aayusin sila ni Gavin, siguro ay ipauubaya ko na lang sa kanila.

I'm not in the place to raise any question about it. Wala ako sa lugar, sa kahit anong anggulo natin tingnan.

"Sid, si Laura..." Cleo said in her low voice.

Siniko niya pa ako kaya nilingon ko agad ang tinuturo niya. It really is Laura. Mula rito sa third floor corridor kung saan kami nagpapahangin ay kitang kita namin siya.

The usual scrub suit she is wearing. Siguro ay papunta na siya sa kanyang OJT sa hopsital.

Dalawang linggo na mula ng mga pangyayari sa Zoerey's.

"Sa tingin ko talagang in love iyan kay Gavin. Kita mo na lang iyong ginawa niyang pagwo-walk out noon sa Zoerey's..." talak niya sa gilid ko.

Sinundan ko ng tingin si Laura hanggang sa siya'y mawala.

Nilingon ko si Cleo. I let out a sigh.

"Puro ka buntong hininga sa tuwing tina-topic ko si Laura." Ngumiwi siya.

Damned Hearts #Wattys2016Where stories live. Discover now