Chapter 6-Huntres

7.7K 122 11
                                    

A/N: POV po ito ni Aliza
-------------------------------------
Aliza's POV

Nakaka 1 linggo na rin ako dito sa mundo ng mga Huntres. Nakakamangha rin dito. May iba't ibang kapangyahiran ang mga nilalang na katulad ko. Sa Ice group ang grupo kung san ako napapabilang. Napagtantuan ko rin na kaya kong gumawa ng yelo gamit lamang ang aking mga kamay.

Kasalukuyan akong nagmumuni-muni rito sa White Division. Namimiss ko na rin kase sila Vienn at Joyce. Kamusta na kaya sila? Okay lang kaya sila dun? Hays. Siguro na-weirduhan mga kaklase ko kung ba't ako na-expel. Di naman talaga ako na-expel eh, pinalabas lang na na-expel ako. Hays miss ko na sila. Miss ko na rin si mama, miss ko na silang lahat.

"Aliza! Aliza!" Tawag sakin ng isang pamilyar na boses.
"Ah? Ano yun Zyle?" Phew. Si Zyle lang pala. Kaklase ko siya sa Capitol School. Na-late siya kase ng punta dito, kaya di ko rin in-expect na Huntres siya. Kami lang dalawa yung napunta dito sa Huntres kaya kami na rin yung laging magkasama. Kabilang naman 'to si Zyle sa Flame Spectre. Malakas rin siya. Nagsisimula na rin mag iba ang kulay ng mata niya. Ambilis nga eh.
"May balita ako kila Joyce at Vienn." Sambit niya. Biglang lumiwanag ang aking mga mata. Balita? Anong balita? Tungkol saan?
"Senshins pala sila." Paninimula niya. Ah kaya pala may green envelope silang hawak noon. That explains it.
"Sino sino ang mga Senshins?" Pagtatanong ko ulit. Malamang kasama si Tantamco dun.
"Si Aneeka, Joyce, Vienn, Robert, Ram, Roswel, Dominique, Hiroshi. Tapos yung dating ka-schoolmate natin na si Anthony na akala nating na-expel dati eh Senshin rin pala." Pagpapaliwanag ni Zyle. Kataka taka. San niya nakuha ang impormasyon na ito? Malayo kami sa kanila. Malayo kami sa Pilipinas. Dahil sa pagkakaalam ko, ang base ng mga Senshins ay sa Pilipinas.
"San mo naman nalaman yang mga yan?" Tanong ko kay Zyle. Srsly? May skype ba sa mundo ng mga Erityian Tribes? HAHAHA.
"See it for yourself." Pagkasabing pagkasabi ni Zyle nun. Bigla akong napatingin sa likod niya. Napagulantang ako sa gulat. Di ko 'to inaasahan.
"Ram?"
"Aneeka?"
"Robert?"
Sunod sunod kong sabi sa mga taong nasa likod ni Zyle. Ano ito? Bakit sila nandito?
"B-Ba't kayo nandito?" Tanong ko. May okasyon ba? Wala naman. Nakakapagtaka lang. Alam kong di sila allowed lumabas ng Tantei High pag di pa bakasyon. Pero bat sila nandito ngayon?
"We're on a mission." Sagot sakin ni Tantamco. Seryoso ang mukha niya. Kakaiba. Di naman siya ganito nun. 1 linggo palang ang nakakalipas at ang laki na ng pinagbago niya. Maloko 'to dati ah, nyare ngayon?
"Mission? Dito? Huh bakit?" Tanong ko ulit.
"May naliligaw daw kasing Senshin dito. Kailangan namin siyang hanapin." Sagot naman sakin ni Aneeka. Senshin? Nawawalang Senshin?
"Maari mo ba kaming tulungan?" Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ko ang boses na yun. Naramdaman ko nanaman ang paru-paro sa aking tyan nang marinig ko ang boses niya. Boses ni Robert.
"A-ah o-oo naman. A-ano ba ang maitutulong n-namin?" Utal kong sagot. Di ako makatingin ng deretso sa mga mata niya.
"Aliza, tignan mo itong litratong ito." Pinakita naman sakin ni Aneeka ang litratong sinasabi niya. Kilala ko ito ah, si Lawrence ito. Siya ba ang nawawala?
"May nakita ba kayong lalaki na ganyan ang itsura? Siya kase ang nawawalang Senshin." Tanong ni Ram.
"Kilala ko yan. Si Lawrence yan. Sa pangalan ko siya kilala. Noong mga nakaraang araw ko palang siya nakilala. Niligtas ko siya sa isang gang galing sa Black Division. Tas ayun nagpakilala siya saken, sinabi niya ang pangalan niya ay 'Lawrence' kaso di ko na alam kung san na siya nagpunta pagkatapos nun." Sagot ko naman. Biglang na-alerto si Robert na para bang bigla siyang may naisip.
"Paano ba makakapunta sa Black Division?" Tanong ni Ram.
"Wait, so balak niyo hanapin yung nawawalang Senshin dun?" Tanong naman ni Zyle na kanina pa di nagsasalita.
"Oo, palagay ko dun siya dederetso eh." Sagot naman ni Robert.
"Ngayon na?"
"Oo."
"Halika, turo namin sainyo yung daan." Sabi ko at naglakad na kami papuntang gubat na nagkokonekta sa black division.

Habang naglalakad kami nakita ko si Aneeka na napatigil habang sila Ram naman ay patuloy na naglalakad kasama si Zyle. Lumapit naman ako kay Aneeka. "Uy Neeks, nyare sa'yo?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ko. Siguro mga 5 segundo ganun. Weird
"Patigilin mo sila." Sambit niya
"Huh? Ano?" Nakakunot noo kong tanong. Di ko siya magets asdfhj!
"Patigilin mo sila Robert sa paglalakad, bilis!" Tulak niya sakin papunta sa gawi nila Robert. Tumakbo naman ako papunta sa kanila, hingal na hingal ako kase medyo malayo na rin ang nalakad nila.
"T-tigil daw k-kayooo! Sabi ni Aneeka!" Sigaw ko sa kanila. Napalingon naman si Ram at napatigil silang lahat. Lumapit sila sakin at nagtanong.
"Bakit? Ano sabi ni Sumiye?" Tanong ni Kenji.
"Sumiye?" Sino si Sumiye? Si Aneeka?
"Oo, alternative name ni Aneeka yun."
"Ahh. Ayun kase, sabi niya balik daw kayo dun oh." Tas tinuro ko yung direksyon kung nasan si Aneeka. Pagkatingin ko kay Aneeka para siyang may hinahanap.
"Ba't daw?"
"Di ko alam eh."

Tantei High: The New EraWhere stories live. Discover now