V - Date

2 0 0
                                    

ZIRCONIUM BLADE'S POV

"I'll be your so-called 'girlfriend' until you've found the right one for you."

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga sinabi ni Kazumi kahapon.

Wala rin ako sa sarili ko noong practice kaya hindi muna ako masyadong kinukulit nina Paul. Aish! Hindi ko alam ang gagawin ko!

"Zirc, pare, ayos ka lang ba?" Tanong ni Xander kaya nagbuntong hininga ako.

"Hindi lang ako makatulog ng maayos. May pupuntahan pa ako. Una na ako," sagot ko sa kaniya at nagtatakang tumango siya sa akin.

Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi ni Kazumi kaya napagpasyahan kong puntahan si Joana.

"Kuya Zirc? May kailangan ka ba? Linggo ngayon ah," nagtatakang saad ni Joana na halatang kagigising lamang.

Tipid akong ngumiti at umupo sa couch nila.

Tumabi siya sa'kin at nagbuntong hininga ako.

"Kung may kaibigan kang papayag na maging rebound ng isang tao... Ayos lang ba sa'yo?" Panimula ko at tinitigan ako ng maigi ni Joana kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Si Kazumi ba?" Tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya.

Napangiti siya ngunit batid kong malungkot ang ngiting iyon.

"Si Kazumi lang ang pwedeng gumawa ng bagay na iyon. Dahil hindi pa niya nararanasan magmahal ng iba bukod sa pamilya niya... Gagawin niya iyon para malaman kung kaya niyang magmahal ng ibang tao..." ani Joana at nagbuntong hininga.

Natahimik kaming dalawa at tumayo na siya.

"Hayaan mo siyang ayusin iyang puso mo. Malay mo, siya pala talaga ang para sa'yo. Ito ang number niya. Hindi siya nagbabasa ng text. Tawagan mo na lang," basag ni Joana sa katahimikan at ibinigay ang isang business card sa akin.

Kinuha ko ito at nagpaalam na sa kaniya at nagsabing ikamusta ako kay Auntie.

Nasa kotse ako nang mapagpasyahan kong tawagan na si Kazumi.

Hindi ko alam kung tama itong ginagawa ko pero sana... Walang masaktan ng malala eito sa gahawin namin.

KAZUMI FAITH'S POV

Nakatulala lamang ako sa kwarto ko dahil tinatamad akong kumilos. Linggo naman ngayon eh...

Tinatamad akong bumaba at hinainan ng breakfast ang sarili ko at si Mingming.

Napabuntong hininga na lang ako at kumain na habang tsinek ang mga nangyayari sa kompanya ni Papa. Napansin kong okay na naman ang mga nangyayari kaya pinatay ko na ang laptop ko at naisipang tawagan si Ran.

Matagal bago niya sagutin ang tawag kaya nagtaka ako.

"Zumi..." parang pagod na tawag niya sa pangalan ko kaya nag-alala ako.

"Hey... okay ka lang? Parang pagod ka?" Nag-aalalang tanong ko at nagbuntong hininga siya.

"No..." mahinang sagot niya na halos hindi ko na narinig.

Katahimikan ang namagitan sa'min ng ilang saglit hanggang sa magtanong siya.

"Bakit ka napatawag?"

"A-ah... w-wala... naalala lang kita kasi wala ka kahapon sa laro... hehehe" sabi ko kahit pa alam kong alam niyang nagsisinungaling ako. "Basta... sabihin mo sa'kin iyan kapag okay ka nang sabihin... Ingat ka. Bye..."

"Mmm... salamat..."

Binaba ko na ang tawag at napabuntong hininga. Napalingon ako sa phone ko nang mag-ring ito.

Broken AngelWhere stories live. Discover now