EI: Road Trip

26 2 0
                                    

Joanne's POV

Huehue,Eksayted na ako.This is the first time na magbabaksyon kami ng sama-sama for a long time.Hay,Sayang at 'di na kami kumpleto.


"Taraaay!May pa-Bus ang Tito mo." Wika ni Kent.Well,Sasang-ayon ako.



"Hiniram ko lang 'yan dun sa kaibigan ko saka ako naman 'yung magda-drive."Sabi ni Kuya Law at dahil nga eksayted kami.



"Anong bus ang naninilip?" Tanong ni Kurt na mukhang humihirit ng joke.



"BUS-TOS!"Sabay-sabay naming sigaw.Common Sense.



"Anong bus ang tawag sa joke mo?"Hirit ni Danzell.Nagningning ang mata ni Kurt,Akala yata pupurihin 'yung joke niya.


"BUS-AG."Lalong nag-asaran ang mga kaklase ko at pinamumukha pa kay Kurt na waley 'yung joke niya.Lahat ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan maliban kay Nicole na nakatulala lang.May pinagdadaanan siguro.Oh,well.



Aira's POV



"Kuya Law,Pwede bang bagalan 'yung pagdadrive?Nahihilo na ako eh." Sabi ni Kurt na hinahawakan pa ang bibig.


"Sorry,Ganito na lang.Matulog muna kayo kasi mahaba pa ang byahe.Mahihilo talaga kayo lalo na't baku-bako ang daan." Sagot niya.


Sinunod iyon ng lahat.Ang kaninang nag-iingay at nagkukulitan ayun,Tulog agad.Kinuha ko muna 'yung Time Capsule at kinuha ang isa pang papel.


Sumali ako sa isang grupo with my sister.In my years of existence ngayon ko lang naramdamang magkaroon ng kaibigan that feels like a family.It felt like home.



"Aira,Bakit hindi ka pa natutulog?"Tanong ng katabi ko—si Briton.Agad kong itinago ang papel na hawak ko.




"Ikaw?Bakit hindi ka rin natutulog?"


"Ah kasi hindi ako inaantok?"



"Same."At dahil kapwa kami hindi makatulog.Nag-kwentuhan na lang kami.



"Sana maging masaya 'tong bakasyon natin."Sambit ko.


"I hope what you said will happen.Sana magbakasyon din ang masamang nangyayari."



"Let there be peace."



"Amen." We both giggle to his reply.



"Lakas niyong maka-bitter.Matulog na nga kayo." Sabi ni Michael.



"Palibhasa hindi ka na naka-iskor."Asar ni Philip sa kanya.Teka,Nag-away ba sila ni Janica?



Tiningnan ko si Janica.She forced a smile on me at hindi ako tanga para sabihing walang problema ang kaibigan ko.Maybe it's between the two of them—Their Relationship.





"Guys!Matulog na kayo.Malayo pa ang Batangas."Rinig naming sigaw ng aming driver na si Kuya Lawliet.



Nag-akbayan ang mga boys at pumwesto na parang kakanta."Malayo pa ang Batangas~~"



Nagtawanan kaming lahat dahil sa ginawa nila.Kahit si Nicole na kanina pa tahimik ay napangiti.Sana ganito kami palagi.Sana ganito kami kasaya.Sana kasama pa namin 'yung iba.




Ipinikit ko na ang mata ko at natulog.




*****



Nagising ako dahil sa kalampag ng mga kaklase ko.I think we're already here.Tumayo ako mula sa upuan ko at napakapit sa leeg ko.Nangalay siguro dahil hindi ako nagdala ng unan.Bumaba ako dala ang gamit ko.Bumungad sa akin ang isang mansyon—palasyo rather.

"Shet!Ang yaman ni Bes."Turan ni Kris.




Masasabing sosyal ang rest house na ito dahil sa chandelier.Mahal 'yan panigurado.




"Nasaan po 'yung kwarto namin?Napagod po kasi kami sa byahe."Tanong ni Wyne.



"I almost forgot to say that.Your rooms are on the second floor.There are 8 rooms.Kayo na bahala kung sino ang makakasama niyo sa iisang kwarto.Hiwalay ang Girls at Boys ha!"Paalala ni Kuya Lawliet na nakatanggap ng mahiwagang "Yes,Sir!"


"Besplen,Roommates tayo ha!"Sabi ni Janica habang nakangiti.Buti naman kahit papaano ay bumalik na yung sigla niya.



"Syempre naman."Sagot ko.Hindi lang naman kami ang nagshare ng room.Kasama rin namin sila Nica at Shiela.



Agad tumalon si Nica sa kama."Why so lambot?Try niyo mga bes.Nakakarelax!"




Ganun din ang ginawa namin at totoo nga ang sinabi niya.Dala na rin siguro ng pagod ay nakatulog kami.



****





"Guuuuuys!Wake up na." Katok ni Pia.




"Takte,Ang ingay!"Reklamo ni Nica na kagigising lang.





Bumangon na kami at naghilamos para makababa na kami.Alas sais na ng gabi,Kaya siguro kami ginising ni Pia para kumain.




Pagbaba namin ay nandoon na sila,Mga bagong gising kaya wala pa sa sarili.





"Kain na!"Sigaw ni Kuya Lawliet na nakapagpagising sa kanila.Kanya-kanyang kuha ng pagkain.




"Ang huling makaubos ng pagkain ang maghuhugas ha!"Sabi ni Sir Lawliet kaya naman nag-unahan sila lalo na ang mga boys.



Nag-eenjoy silang lahat base sa nakikita ko.Napatingin ako kay Nicole na tahimik pa rin.Hindi niya ginagalaw ang pagkain.




"Wahaha si Nics ang maghuhugas."Sigaw ni Claire.Lahat ay napatingin kay Nicole pati na rin ako kahit kanina ko pa siya pinagmamasdan.



"Si Aira din."Wika ni Kurt.Napatingin din sila sa akin.Naku naman!Nakalimutan kong kainin yung pagkain ko sa kakatingin kay Nicole.




Pumalakpak si Briton para makuha ang atensyon nila."Tulungan na lang natin sila sa pagliligpit ng pinagkainan tapos mag-isip tayo ng pwedeng gawin pagkatapos nilang maghugas."



Gaya ng sinabi ni Briton ay nagtulong-tulong kaming ligpitin ang pinagkainan namin at linisin ang lamesa.Pagkatapos ng kanilang gawain ay nagsipuntahan ang lahat maliban sa amin ni Nicole sa sala.



Tahimik pa rin si Nicole.Kaya niyaya ko na siyang maghugas para matapos kami agad.Apat na plato na ang nahugasan ko pero siya hawak pa rin ang isang kutsara na kanina niya pa sinasabon.



"Ah..Hindi kaya masyadong kumintab yan kutsarang hawak mo?" Tanong ko pero tiningnan niya lang ako.


Umubo ako ng konti para makuha yung atensyon niya."So,Bakit parang ang dami mong dalang gamit?"


"It's none of your business." Sagot niya.

Finally,binitawan na niya yung kutsara pero hindi ko inaasahan ang bagay na sumunod niyang kinuha—Kutsilyo.It is probably used for cooking our dinner.



Habang hawak niya iyon ay tumingin siya sa akin.Namumula ang kanyang mata.Is it possible na killer din siya?Heck,I'm washing dishes with a killer.



Hindi ko na alam ang gagawin ko.Sisigaw ba ako para marinig ng mga kasama ko?Right,That is what I am going to do.Nakita ni Nicole na nagpapanic na ako.



Umiling siya as if she's saying "No,Don't do that." Which made me fear more.Pero iba pala ang ibig sabihin non.The next thing she said made my whole system shocked.



"I am not a killer like what you think.Believe me,Aira.I am a victim too.I was raped.Help me."




———————————————


Long Update for the Long Wait.


~MCB♥

















Enter In:Northbridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon