Chapter 8. No space for love

978 40 31
                                    

Erma POV

"What's the problem?"
Masungit na tanong ni Third. Normal na ata sa amin ang away bati na parang kaming mag-asawa pero hindi nga kami magkasintahan.

"Nothing"
Sagot ko at matalim syang tinitigan. "Ang landi mo! Ang landi-landi mo!" Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya.

Halos isang linggo na kami dito sa Australia at walang syang ginawa kundi i-date si Valentine. Yun lang ang tanging paraan na makalapit kami sa target at mapatay sya nang hindi kami natutunugan ng mga kalaban na kumikilos na kami kontra sa kanila.

"Okay"
Simpleng sabi uli ni Third at uminom ng kape nya. Nasa dinning area kami ng headquaters at kanya-kanyang tutok sa laptop para ifinalize ang plano.

Urgghhh! Fuck him!
I really hate this guy. Magtanong tapos babalewalain ka lang.

Eh ano ba ang gusto mo Erma. Lambingin ka nya? Kayo ba?

Hai. Napabuntong hininga ako sa aking mga naiisip. Ano ba ang nangyayari sa akin?

**************************

Third POV

Napatingin ako nang tumayo si Erma at shinut down ang Mac book nya.

"Saan ka pupunta?"
Tanong ko sa nakasimangot na babaeng paalis.

"Sa kwarto, matutulog"
Walang modong sagot nito.

Napangiti ako. May pilyong mga ngiti ang sumilay sa aking mga labi.

"Sama ako!"
Maagap ko na sagot.

Bang!
.

.

.

.

Fuck!

Buti at nakailag ako. May baril pala na dala-dala si Erma at muntik ng sumabog ang ulo ko kung hindi ko agad napansin ito.

"Sumunod ka at sa pangalawang bala at wala ka ng hininga"
Mapanganib nyang sagot at dire-diretsong umalis sa dinning room.

Anong problema nun? May regla kaya yun at mainit na naman ang ulo? Mga babae talaga.

Napailing lang ako at pinagpatuloy ang pagsearch sa aking laptop. Kaylangan perpekto ang lahat ng mga detalye sa huling araw namin dito.

Napangiti ako ng makita uli ang litrato ni Valentine sa files namin bilang pangalawang target. Maganda nga naman ang babae, sofisticated, classy and wild.

Yah. I took her to bed. She invited me. Sino ba naman ako para tumanggi, lalaki lang ako. Well, I really do understand if hindi nya mapigilan ang sarili nyang magustuhan ako. Who can't resist the gorgeous Architect in Town?

Well, there is only one woman who doesn't.

Napayuko ako.

"Erma"

I mentioned her name on my mind.

Kinuom ko ang aking mga palad. Hindi pwede. Sa mundo na aming ginagagalawan ngayon, walang lugar sa pag-ibig. Para sa mahihina lang ito, yun turo sa amin ni Draco ng paulit-ulit. Sya ang ama ni Xien, at isa sa mga pinakamagigiting na Mafia King ng Jang Mafia.

Naghintay muna ako ng isang minuto bago magtype na naman sa laptop ko.

Sa hindi inaasahan, tumunog ang aking cellphone at tawag ito mula sa Pilipinas.

Si Rye. Ang kanan kamay ko sa Shark Gang.

"Boss"
Bati nito. Kalmado ang boses ngunit alam kong my problema. Hindi sya mangangahas na tatawag sa Australia kung hindi importante ang sasabihin.

"Sinugal na naman po nya ang pera, nasa hostipal po sya. Naaksidente ito dahil sa pagmamaneho ng lasing. Natalo po nya lahat ng perang binigay nyo."

Maikli, ngunit detalyado na pagrereport ng aking tauhan.

"Bullshit!"
Mahina pero nakakamatay ko na mura. Kung may taong man sigurong dumaan sa harap ko ay binaril ko na sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.

"Ligtas na po sya Boss"
Dagdag pa ni Rye.

"Okay. Yun lang ba?"
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"O. . .opo Boss"
Tila nanginginig na sagot mula sa kabilang linya. Suguro nagdadalawang isip ito kung tama ba na sinabi sa akin ang balita o dapat hinintay muna na makauwi ako sa Pilipinas.

"Tumawag ka pa sa akin tungkol sa babaeng iyon at wala na kang hininga pagkauwi ko dyan. Naiintindihan mo ba?"
Klarong utos ko dito.

"O. .opo Boss"

Tinapos ko na agad ang tawag.

"Shit!"
Malakas na mura ko sabay tapon ng tasa sa aking harapan.

Napatayo ako sa sobrang inis.

Nakipagkita sya sa akin nung nakaraan para humingi ng tawad at para makapiling ako bilang anak. Hindi ko sya pinansin pero sa halip ay binigyan ko sya ng 5 milyon sa account nya. Hindi ko sya pwedeng ipagtabuyan dahil may alam sya sa Jang Mafia at Shark Gang. Kung hindi lang sya ang nagsilang sa akin, matagal na syang pinapatay ni Draco at ni Xien.

"Tsk. Mga babae. Lahat, walang kwenta.

*********************

Bogsh!
.

.

.

.

Honey! Ano ba! Nakakagulat ka na naman.

Nabiglang sabi ni Dagger nang malakas na nabuksan ni Hannister ang sliding door ng kanyang private office. Sa mukha nito, hindi mababasa kung ito ay natatakot o nag-aalala.

"Kuya, nawawala ang anak ni Erma!"
Sabi agad nito sa nakakatandang kapatid.

"What the hell are you talking about sister?"
Kumunot ang noo ni Dagger. Hindi nya nagustuhan ang pinagsasabi ng taong sa harap nya.

"Kuya, si Milky kagabi pa nawawala!"
Sumisigaw na si Hannister sa kanyang Kuya.

"Fuck!"
Mura ni Renan ng banggitin ng kanyang kapatid ang pangalan ng bata.

"Sit ang let's talk"
Paanyaya at utos ng Hari ng Black Mafia.

"Tell me the details"
Pag-uumpisa ni Dagger.

"No, tell me the truth first"
Nangiti si Renan dahil sa pagmamatigas ni Hannister. Kapatid nga nya ito, ang tigas ng ulo kahit kaylan.

"I am the King. You obey me first"
Binigyan diin ni Dagger ang bawat salita nya.

Sa ganitong pagkakataon. Walang pwedeng makakatalo sa Mafia King ng Black Mafia, kahit pa mismo ang Mafia Queen ng Jang Mafia na sarili din nyang kapatid.

"Tsk. Fine. After school, nang sinundo ng yaya ni Milky ang bata ay hindi na ito makita sa campus ng Black University. Nagreport na ito sa sa security ng school agad. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matrace kung sino at paano nakuha si Milky knowing mahigpit ang security ng paaralan ko. Those are really designed for dangerous people's children.

"Planado kaya nila ito?"
Natanong ni Dagger ang sarili at napaisip ng malalim.

"What are you saying Kuya? Dont tell me nagtatrabaho pa rin sayo si Erma hanggang ngayon?"
Naguguluhang tanong ni Hannister.

Natahimik naman ang kanyang Kuya.

"Dagger!"
Muling sigaw ng nakakababatang kapatid.

"Yes Honey, in fact nasa misyon sila ngayon ni Third"
Maikling sagot nito at nagpatuloy sa pag-iisip.

"What? Magkasama sila ngayon at walang kamalay-malay na nawawala ang anak nila?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Gangster and his SonWhere stories live. Discover now