Part 2: Birthday Present

33.9K 1.7K 300
                                    

                                                              Part 2: Birthday Present

                                                                        .          .           .

"You may now go" sabi ni teacher at lahat ng mga kaklase ko ay nagsilabasan na sa room..

Aayusin ko na ang mga gamit ko tapos inabot na saakin ni Christopher ang libro ko at paalis narin sana sa room,

"Thanks" sabi niya sakin,

"You're Welcome.." sabi ko at nakikita ko na siyang umaalis sa room.."Ah! Christopher..!"

Lumingon siya sakin "Anong kailangan mo, Ayumi?"

*Thump* parang tumalon 'yung puso ko sa saya! alam niya ang pangalan ko? engot ka ba Ayumi! malamang classmates kayo kaya alam niya pangalan mo!

"A... diba magbibirthday ka na next week?"

Nandun parin ang blank face niya pero parang may halong ngiti "Oo, bakit?"

"A..kasi..ano bang gusto mong regalo?" nahihiya na tuloy ako sa sarili ko,

Tinignan niya ako ng malalim tapos unti unting lumalapit saakin,

Biglang tumapat siya sa tenga ko "Kahit ano"

- -

"Panong kahit ano?" tanong sakin ni Alice, kinwento ko sakanya yung nangyari kanina, ano bayan kinikilig nanaman ako!

"E-ewan ko.. kaya nga nanghihingi ako ng tulong e.."

"Sa tingin mo, ano bang gusto niya?"

"Hmm... di ko alam eh."  nag-isip ako ng malalim.. "Ah! Pocketbooks!"

"Oh? edi yun nalang."

"E di ko alam kung anong pocketbooks ang gusto niya eh."

"Edi obserbahan mo siya!"

Napaisip ako.. "Obserbahan? Hindi ako stalker no."

"Ay Hindi mo kasi naiiintindihan, Titignan mo lang ang mga gusto niyang pocketbooks tapos bilhin mo! Problem Solved."

Hmm... oo nga no? ma-try nga..

 ..

"Um.. Christopher! anong mga hilig mong libro?" kinapalan ko na mukha ko, ayoko kasing mabili sakanya yung ayaw niya eh, sayang sa effort pati pera.

 Tumingin siya ng diretso sa'kin.. parang nanghina tuloy ang katawan ko.

Problema Mo?Where stories live. Discover now