{2}
Shin's POV
Haayy. Nandito ako ngayon sa ospital. Dito sa ospital na ito, halos natutulog ako dito kase nandito si Mama. Siya na lang kase ang natitirang pamilya na meron ako eh..siya pa ngayon mamamatay, Ayoko nga.
Btw, nag paalam na pala ako kay Mama na titira na ako sa bahay nung EXO ba yun? Ay basta. Dun na daw ako titira para mabantayan daw nila ako. Sus, as if kilala naman nila ako.
*bh3, bh3, I love you~ bh3--*
Wag kayong ano. Phone ko yon. Naka 5s ako, chos. Joke lang. Naka starmobile hit ako tas white pa ung color, oh diba?
"Yeobose--Hello?" sabi ko.
"Si Luhan toh. Anong number ng room?" Ah, siya lang naman pala.
"Number 312." sabi ko.
Tas wala pang isang minuto, nandito na siya agad? Waw. Ang galing! >:D
"Halika na... Ay wait. Sige, may oras pa tayo para ayusan ka para magmukha ka namang tao. Baka akalain pa kase ng nanay ko na hayop pala ang kasama ko." sabi niya sabay ngisi at sabay kaladkad nanaman saken, huhu. T^T
"Oy excuse me! FYI, kahit di pa ako inaayusan, tao paden ako at hindi lang basta tao, maganda ako!" sigaw ko sa kanya. Buset. Nilait niya kagandahan ko mga bh3. T^T
"Tss. Dami pang satsat. Halika na nga!" sabi niya sabay hila saken papunta sa kanyang Mercedes-benz. Naks, ikaw nang Mayaman! :D
Nanahimik na lang ako. After 15752178 years, nandito na kami sa mall. "Itry mo nga toh." sabi niya sabay bitbit ang isang white dress na may laces pa! Ang kyot pero magkano ba toh?
"Php 78, 000?! ANO KA BA?! GAGASTOS KA NG Php 78, 000 PARA LANG SA ISANG DAMIT?!" yan tuloy napasigaw ako. Biruin mo naman kase, dress lang ganun na kamahal? Mas mahal pa nga ung damit na yun kesa sa cellphone ko. Php 3, 500 lang.
"Daming satsat. Pumunta ka na nga sa Fitting Room!" sabi niya sakin sabay tingin sa akin ng matalim. Okay, nakakatakot siya.
So ayun. Wala akong choice kundi ang sumunod sa kanya. Tri-ny ko nga ung dress sa dressing room at inayos-ayos ang hair ko, ohmyprecious hair!
"Oy ang tagal mo naman na dyan! Bilisan mo na dyan, Shin!" oo, lalabas na, nakakaimbyerna talaga siya!
"Oo na! Ito na nga eh!" sigaw ko pabalik at huminga ng malalim. Lumabas na ako sa dressing room.
"Oy Luhan!" sigaw ko para makuha ko ung atensyon niya. Pano ba naman kase, nagpapabilis siya tas NAGP-PSP? Waw lang ah.
"Ano ba, ano bang kailangan mo--" napatingin na siya sakin at halata sa mukha niya na nagulat siya. Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng magandang babae? Chos. Sorry na sa Hangin. >:D
"Ano, okay na ba?" tanong ko sa kanya. Sus, sasabihin niya sakin 'Ang ganda mo, Shin.' Ehe! :)
"P-pwede na. Halika na, may pupuntahan pa tayo!" sabi niya sabay kaladkad ulit saken. Ouch mga bh3 T^T Okay, napahiya ako dun. Ako na ung assyumera #1. :(
Pumunta na kami sa isang shop. "Dyan ka lang.." sabi niya pero ayoko nga! May upuan naman eh, kaya umupo na lang ako.
"Hay nako, pasaway ka talaga kahit kailan. Oh sige, dyan ka na nga lang, tss." sabi niya sakin sabay hanap ng magandang..... HIGH HEELS?! JUSME! WAG NAMAN GANYAN! T^T
Mga ilang minuto naden akong nagdadasal na sana hindi niya ako papasuotin ng high heel kaso pag mulat ko, HIGH HEELS! T^T
"Oy, wag kang mag-inarte dyan. I-suot mo nga toh." sabi niya sabay bigay sakin ng high heels na kulay black na sobra ang taas ng takong. Lord, mamatay na ata ako dito. :(
BINABASA MO ANG
It All Started As A Fake Girlfriend (Exo Luhan fanfic) [EDITING]
Teen FictionEDITING. Utang na labas, wag niyo na po munang basahin, ha? xD Chos. Yun lang :) ~kynaxxi~