Sebong 1

13 1 0
                                    

Sebong Squad
Active now

Jeonghan: Mga bakla! Nililigawan ako ni Joshua

Mingyu: Ha?! Akala ko M.U kayo ni Scoups?

Seen by Mingyu, Scoups, Joshua and Jeonghan

Jeonghan: Ha?! Walang ganon. Bestfriend kami.

Scoups: Lol. Tangna. FZ

Joshua: Hehehe

Scoups left the group
Jeonghan added Scoups in the group

Jeonghan: Bakit ka umalis?

Mingyu: Selos lang yan si coups! Alam ko na mga style nan... bulok!
Nagawa ko na yan.

Scoups: Edi gawin mo ulit.

Joshua: Hon. Sabay tayo umuwi mamaya ha? Hahatid kita.

Jeonghan: Ikaw bahala... Shigi! Hihi

Joshua: Daan muna tayong church.

Scoups: Aww... ang sweet nemen! Kenekeleg eke! Tengene! Pero WAG KAYONG MAGLANDIAN DITO!

Mingyu: Dumali ka na naman gilagid

Scoups: Wag kang mangialam! Kaya ka siguro namumura ni wonu, masyadong makulit ang lahi nyo.

Mingyu: Kahit naman wala pa kong ginagawa, nagmumura na yon!
Selos ka lang

Scoups: Hindi no! Anong ikakaselos ko dyan sa hatid-sundong putanginang yan?!

Mingyu: E bat ka galit? Nagmumura ka pala?

Scoups: Masaya lang ako! Anger of Joy! Ulul. Lahat tayo nagmumura. Gago!

Mingyu: Gago!

Seungcheol's POV

Pagbukas ko agad ng messenger, tumambad agad sakin ang ligawang nagaganap sa group chat. Ewan ko ba kung bakit nasaktan ako sa bestfriend kaya napamura ako ng wala sa oras.

Kakadating lang nya galing Canada, at heto naglandian agad.

E ako? Ilang taon na kaming magkaibigan at magkakilala. Hanggang ngayon, ganon pa rin! Bespren pa rin! Hindi man lang nag-level up.

Hindi naman sa naghahangad ako ng higit don.

PERO TANGINA GRABE LANG!

Yeah. Tama kayo sa nabasa nyo sa group chat kanina, nagliligawan na ang mga ulupong!

At ngayon, kasama ko si Hoshi at Woozi. Hindi ko alam kung bakit ko sila kasama ngayon. Bakit nga ba?

"Sining hinihintay mo? Si Jeonghan?" Tanong ni Woozi

"E diba nga nililigawan na sya ni Joshua? Bakit mo pa rin sya hinihintay? Malamang sabay sila umuwi ngayon." Hirit naman ni Hoshi

Tiningnan ko silang dalawa...

"Sinabi ko bang si Jeonghan ang hinihintay ko dito? Hindi pa nga ako nagsasalita e" sagot ko

"Galit agad?" Sabi ni Woozi

"E sino?" Tanong ulit ni Hoshi

"Si Na----"

"Cheollie!" Sigaw ng isang tinig ng babae

"Sino yan?" tanong ng dalawa

"Hindi mo kilala yan? Si Nayeon?" tanong ko habang papalapit palang si Nayeon sakin

"Ayy? Si Nayeon?" Tanong ko habang papalapit palang si Nayeon sakin

"Ay si Nayeon ba 'yan?" Hirit ulit ni Hoshi

"Tatanga nyong dalawa! Bakit kasi nakapikit kayo palagi? Mulat mulat!"

"Cheol. Tara na?" Sabi ni Nayeon saming tatlo

"Anong meron sa inyo ni Nayeon?" Tanong ni Woozi na parang gulat na gulat

"Ano sa tingin nyong dalawa?" tanong ko naman sa kanila, sabay hawak sa kamay ni Nayeon

"Ay confirmed!" Sagot ni Hoshi

"Hindi pa naman. Nanliligaw la lang po sya" sagot ni Nayeon

"Hindi pa? E bakit may holding hands na agad?" Tanong ni Woozi na parang galit

"A-aah... sorry po" sagot naman ni Nayeon

Naramdaman ko namang gusto nyang kumalas sa pagkakahawak ko. Pero lalo ko pang hinigpitan

Anong problema ni Woozi?

"Hala sya? Bakit parang galit na galit ka? Affected?" Tanong ni Hoshi kay Woozi

Umirap lang si Woozi.

"Wala. Tara na" sagot ni Woozi sabay hila kay Hoshi palayo.

"May problema ba si Woozi? Ayaw nya ba sakin?" Tanong ni Nayeon

Ngumiti ako ng kauntian. Mga 1.02%.

"Ewan. Baka wala lang sa mood"

"Kinakabahan tuloy ako. Baka mamaya ayaw nya sakin" sabi ni Nayeon

"At tsaka, M.U daw kayo ni Jeonghan, kaya siguro ganon sya makitungo sakin"

Pinisil ko ang pisngi ni Nayeon

"Hindi kami M.U magkaibigan kami. At tsaka may nanliligaw na don"

"Si Joshua ba?" Tanong ulit nya

Walanjo! Kalat na kalat na talaga!

Tumango nalang ako.

Mahal ko ba talaga si Nayeon?

Ayokong gawin syang rebound.

Kasi alam kong masakit sa pakiramdam.

Pero hanggang saan?

Matutunan ko din syang mahalin.

Yung tipong hindi na namin namamalayan ang araw, at nahulog na pala ako sa kanya.

Ang tanong...

Kaya ko kaya?

SEBONG SQUADWhere stories live. Discover now