Macho Hearts Book 2: Blossoming Hearts [COMPLETED]

5.2K 38 8
                                    

Macho Hearts Book 2: Blossoming Hearts [COMPLETED]

Description:

Kaya mo ba'ng patusin ang matalik mong kaibigan? Eto ang problema ng baseball hero at high school heartrob na si Kiyoteru Kaneshiro sa kanyang bestfriend na si Yuuto Hisagi. Para sa isang normal na lalakeng tulad ni Kiyo, hindi pangkaraniwan ang magkaroon ng kaibigang lalake na may pusong babae. Ano ang gagawin niya sa sandaling ipaalam sa kaniya ng matalik niyang kaibigan na iniibig siya nito?

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Preview: CHAPTER 5

DALAWANG TAON na ang nakalilipas simula nang magkahiwalay kami ni Yuu, at marami na ang nagbago sa akin.

Ang dating totoy na campus crush ay isa na ngayong star athlete. Second year college na ako at ngayon ay ipinagpapatuloy ko ang buhay ko bilang isang baseball player. Noon kasing hindi ako nakuha sa scholarship program ng swimming team ay nagpasiya akong bumalik sa baseball. Sa kabutihang palad ay ito rin ang larong nagdala sa akin sa isang kilalang unibersidad.

Mas lalo pa akong nakilala at nadagdagan din ang aking mga tagahanga. Mabuti na lamang at malawak ang pag-iisip ni Sandra at hindi siya madaling magselos sa mga babaeng lumalapit sa akin upang makipagkilala. Paminsan-minsan, may mga baklang naglalakas loob makipagkaibigan sa akin. Hindi ko naman sila tinatinggihan. 

Sa mga pagkakataong ito, muli ay naiisip ko si Yuu -- eighteen na rin siya gaya ko. Katatapos lamang niyang magdiwang ng kaniyang kaarawan nitong nakaraang Abril. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makamusta ang bestfriend ko. Wala na siyang account sa facebook, tweeter, o sa kahit ano pa mang social networking sites. Maging sa facebook account ng mommy niya ay wala man lang akong makitang larawan niya sa Japan. Marahil ay tuluyan nang pinutol ni Yuu ang lahat ng ugnayan niya sa akin. Kasalanan ko ang lahat!

Bigla akong natauhan nang tapikin ako ni Sandra, at napatingin ako sa paligid ng coffee shop na tinatambayan namin ngayon.

"You're spacing out again, Kiyo." Ani niya. "Let me guess, naalala mo si Yuu?" Sabay abot sa akin ng coffee frap na in-order ko.

Tumango lang ako. Hindi naman kasi ako magkakaganito kung alam ko lang sana ang laman ng isip ni Yuu sa mga oras na ito. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang galit niya sa akin, at kung mapapatawad pa ba niya ako. Hanggat hindi ko nakakausap si Yuu, hindi rin ako mapapanatag.

"Kiyo!" Halata ang tensiyon sa boses ni Sandra nang tawagin niya ako. "Look, si Hazel iyon di ba?"

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko nga si Hazel, umoorder ng kape -- at may kasamang bata!

Bigla kong naalala: noong mga high school kami, hindi na pumasok si Hazel nang sumunod na school year at wala na rin akong naging balita sa kaniya. Hindi kaya ay batang iyon ang dahilan ng pagkawala niya sa paaralan?

Nang maka-order si Hazel ay pumuwesto siya sa mesang malapit sa amin ni Sandra, at halos mapanganga ako nang makita ko ang hitsura ng batang kasama niya: kamukhang-kamukha ito ni Yuu noong mga bata pa kami!

Macho Hearts Series (Tagalog BxB)Where stories live. Discover now