Kabanata 4

35.4K 242 8
                                    

Chapter four- Jake Villioso
Sasagutin ko na sana kaso bigla niyang pinutol. At agad na nag text

Unknown.
-Sorry napindot lang. I am about to send a text but then napindot ko ang call.

Shit umasa ako doon ha! So i saved his number. And then nag reply ako ng okay. Alangan namang tumawag ako. Umasa pa naman ako na SOP kami. hahahaha pero slight lang. Hindi talaga ako umasa as in 100 percent.

Ang huling mensahe na natanggap ko galing sa kanya ay ang salitang

'Good night :* Sweet dreams'

Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Totoo ba talaga eto? Na ang lalaking matagal ko ng pinapangarap ay papalapit na ng papalapit sa akin ngayun? Hindi ako makapaniwala. Mag aalas dose na ng hating gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Ano kaya ang ginagawa ni pilot ngayun? Nakangisi ako habang iniisip ang susunod na mangyayari.

Liberated man akong babae dahil ibinigay ko sa kanya ang 'first time' at least babawi ako at pinapangako ko na sa susunod na may mangyari sa amin ay 'yung totoong meron ng kami. Upang hindi ako mahirang na isa sa mga ka-one-night-stand niya lang.

Sa wakas ay dinalaw na rin ako ng aking antok.

Nagising ako dahil sa silaw ng araw na dumapo sa aking buong mukha. Hinarangan ko ang aking mukha gamit ang aking dalawang kamay. Nakita ko si Kuya Aldrich na nakatayo sa may bintana at inilalagay ang kurtinang sobrang gusot sa magkabilang dulo nito

"Kabababeng tao, daig pa ang lalaki sa dumi ng kwarto" Kumunot ang noo ko. Bakit ba ang agang mang gulo ni kuya. Wala ba siyang duty ngayun?

"Arish!" Napatayo ako dahil sa silaw.

"Ano ba kuya" Inis na untag ko.

"Mag linis ka nga ng kwarto mo. Mag aalas 3 na ng hapon at nakahiga ka pa rin diyan" Aniya. Napabalikwas ako sa pagkakaupo at agad na tumayo upang pumunta sa harap ng salamin.

"Anong oras na?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Mag aalas 3 na ng hapon" Aniya. ugh! Kinuha ko agad ang tuwalya ko. Tinignan ko muna ang cellphone ko bago ako tuluyang pumasok sa CR. Shit muntik pa akong mabangga sa pintuan ng CR.

Kinagat ko ang labi ko at napasapo ng palad ko ang aking noo.

12 messages
3 missed calls

Patay ako nito.

Pilot R.
-Goodmorning baby. Kumain ka na ba?

Pilot R.
-Baby?

Pilot R.
-Busy?

Pilot R.
-Fine

Shenny
-Nasaan ka na? Nandito na kami sa MOA?

Shenny
-Babae? Nasaan ka na ba? Reply ka gaga

Shenny
-Last na call na lang, iiwan ka na namin.

Laura
-Hoy nasaan ka na?

Laura
-Nasaan ka ba ngayun?

Laura
-Mauna na kami. If u want, sunod ka nalang

Mother
-Goodmorning anak :*

Zelly
-Hello Beshe. Magkikita na tayo soon. I miss you :*

3 missed calls from Shenny. May usapan pala kami ngayun nina Laura at Shenny since day off namin ngayun. Manglilibre pala ngayun si Laura sa amin.

Agad agad akong tumakbo papunta sa CR. Hindi ko naman aakalain na hindi ako magigising ng maaga e. Ang usapan kasi ay alas 2;30 ng hapon. Akala ko maaga lang akong magigising. 'Yun pala anong oras na ngayun. Grabe naman akong matulog. Alas 12 ng madaling araw tapos gigising ng alas 3 ng hapon. Kasalanan 'to ni Pilot e.

S ON PLANE (UNEDITED)Where stories live. Discover now