Chapter 42

144K 1.5K 53
                                    

Chapter Forty-Two


Elle's POV

For the whole 5 days walang Lance na nagparamdam. I didn't know if he's disappointed? Angry? Or what? I thought gusto niyang makilala si Sammy but after that night hindi na siya bumalik. Maaga rin siya umuwi kaya agad siya hinanap sa akin ni Sammy pagkagising.

Bakit naman hinahanap mo, Elle? Akala ko ba you need time? Ito na binibigyan ka pero ngayon hahanap-hanapin mo. Gaga ka ba?

Napailing naman ako.

Flight namin mamaya at walang nagpakitang Lance sa amin. Walang nagtext, wala lahat.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis, isa pa Sammy is a little bit sad these past few days. Hindi ko rin maintindihan 'tong bata na 'to.

Nang magland kami sa LAX ay balot na balot na kami ni Sammy ng jacket, hindi pa naman winter pero sadyang malamig talaga ang klima sa L.A. baka manibago si Sammy lalo na't galing kami sa mainit na Pilipinas.

Syempre walang magsusundo sa amin so we're going to take a cab nalang to surprise Mommy.

It takes almost 25 minutes going to Beverly Hills, where my parents live.

Nung una hindi pa ako papasukin but when I gave my passport saka lang nila ako nakilala. Sobrang higpit kasi ng security dito.

We just have small luggage na dinala dahil unting damit lang naman ang kailangan namin maybe we'll stay here for 3-5days because I still have work to do. OA lang talaga si Lance.

Tomorrow pa ang birthday ni Mommy kaya sinadya ko na dumating ngayon, dahil for sure if tomorrow pa kami darating ni Sammy mai-snob ang mga bisita niya sa sobrang attention nito sa apo, tho I'm not yet sure if may pa-party nga ba si Mommy dahil hindi naman hilig 'nun sa party.

Sobrang love ni Mommy si Sammy that's why naawa siya sa anak ko na hindi nito makilala si Lance at pinagpipilitan sa akin na umuwi ng Pilipinas.

Pagkababa namin ng sasakyan ay swerte rin naman nang makita namin ang isa sa kasama namin sa bahay na papalabas. Si Manang Chiky, dati rin naming kasabahay ito sa Pinas at naisipan naming na dalhin nalang sila dahil sobrang close na rin sila sa parents ko. May pamilya na si Manang Chiky na nadala niya dito sa L.A nang makakuha siya ng citizenship niya.

"Ms Elle!" sigaw nito pero agad akong naglagay ng hintuturo sa bibig ko para wag siyang maingay, baka nandyan lang si Mommy kasunod niya eh marinig pa siya.

"Hala, Ms Elle. Welcome back po. Kayo ni Sammy." Ngiti nito sabay hawak sa pisngi ni Sammy.

"Hello Manang Chiky." Bati naman ni Sammy.

"Nandyan bas a loob si Mommy, manang?" tanong ko rito.

"Yes, Ms Elle. Nasa harap po sila ng pool ng Daddy mo kaya puntahan niyo nalang doon.

Sakto, it's breakfast time.

Agad ko namang dinala si Sammy sa pool side. Unti-unti ko na naririnig mga boses nila na parang nagtatalo.

"I miss our apo, Paul, kailan kaya natin makikita si Sammy?" mangiyak ngiyak na rinig ko rito.

"Soon, hon. Puntahan natin sila after your birthday celebration." Kita ko naman ang yakap ni Daddy sa Mommy ko.

"Gusto ko na talaga makita ang apo ko sa personal lagi nalang nags-skype tapos minsan ang bagal pa ng internet doon! Ayaw ko na ng virtual kisses at hug. I want him here." Maktol ni Mommy na parang bata.

Si Mommy Tin talaga parang bata kung magmaktol pero nakakatakot rin siya pagnagalit.

Kilala nga 'yan si Mommy as one of the terror of our company. Iba kasi si Mommy as a business woman, she's smart, innovated and effective boss. Pero kahit terror man si Mommy sa company maalaga siya sa mga employee namin.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now