I just want you to listen. Because no one does.

21 0 0
                                    

Sabi nila kahit na anong iwas mo, mararanasan at mararanasan mo ang isang bagay. Ako, buonng buhay ko tinanim sa isipan ko na hindi na ako sasaya. Na never na ako magkakaroon ng kaybigan. Kasi una sa lahat, tahimik ako. Ayokong nakikipagusap sa iba. Pero tulad ng sinabi ko kanina, hindi porket iniwasan mo eh maiiwasan mo na talaga. Ngayong college nakilala ko ang ibat'-ibang tao na nagbago ng buhay ko. Yung mga taong kahit na anong pagpapakita ko ng walang pake face eh pinilit paring ilabas yung ibang version ko..

"Hoy bakla! Nakatulala ka nanaman jan!" -Monique
"Laban na laban yata to eh, hindi natulog para sa quiz!" -keanna
"Wow ah! Haha, nasobrahan nga ako sa tulog eh." -ako
"Mukha mo! Hahaha" -keanna

Si monique at keanna, dalawa sa limang taong nagbago sakin. Sila yung mga kaybigan ko since first day of class. Sila yung dalawang taong maasahan ko sa lahat. Sila yung dalawang tao na hindi ako iniwan kahit na sobrang tahimik ko pa noon. Oo ganon ako katahimik, dati pa nga sasabihin nila na: hala nagsalita sya! Makinig kayo baka magalit yan!!* oh diba? Mga loko loko din kasi sila paminsan minsan eh. Kung ano ano naiisip.

"Anong score mo?" -Queila (kayla)
"20/25 lang eh. Ang baba." Ako
"Mababa pa yan ha, ako nga 17/25 lang eh. 1 pt nalang pasado na! Dami kasing ginagawa!" -joana
"Ako nga mga teh 10/25! Hayup na yan. Hindi ako nakapagreview kasi pinatawag ako ni sir james sa work. Nakakainis!" -Ella

Si Queila, joanna and ella. Original group sila. Napasama kami sakanila dahil kay keanna. Sila yung bumubuo sa limang taong nagbago sa pagkatao ko. Sila yung naglabas non. Sila yung nagpakita sakin na hindi naman masama makipagkaybigan. Na masaya na may kasama at karamay ka.

"Kinakabahan ako sa quiz bee mamaya. Tapos seminar pa natin. Na sstress ako!" -Queila
"Kaya mo yan, kaya natin to no! Kinakabahan nga din ako kasi yung sayaw mamaya din." -ako
"Hahahaha! Kaya natin to! Sige dito ka muna sa library ha? Hintayin mo ko." -Queila
"Sige, goodluck!" -ako

Naiwan ako sa library. Nagbasa ako saglit ng irereport namin sa seminar. Pagkatapos noon ay yumuko ako at nagcellphone.

"Oy diba classmate tayo sa filipino? Ayaw kasi nila maniwala eh" -jp
"Ah, oo." -ako
"Bakit mo binusted si jake?" -justin

Si jp sya yung irregular classmate ko sa filipino noon. Ayaw ng mga kaybigan ko sa kanya kasi masyado daw feeling close. Si justin naman.. Isa sya sa mga taong nagbago din sa buhay ko..

*facebook chat
"Hi? Mag-isa ka yata sa library kanina?" -justin
"Eh? Ganon talaga, sanay na din naman akong mag-isa. Haha!" -ako
"Introvert?" -justin
"Ewan, siguro? Haha kasi hindi ko din masabi." -ako
"Na master mo na ba? Hahaha!" -J
"Hindi naman, medyo madaldal na kasi ako pero sa friends ko lang" -A
"Bakit? Ilan friends mo?" -J
"Ah, lima!" -A
"Marami naman pala eh." -J

Si justin, naging malaki yung parte nya sa buhay ko. Sya lang naman kasi yung lalaking minahal ko ng sobra. Sya na kakaiba yung ugali, sya na may kakaiba sa mga ngiti nya. Sya ba kinabaliwan ko ng sobra. Na kahit na sabihin man nila na hindi sya ganon kagwapo para sakin, so what? Hindi naman mukha ang basehan ng pagibig diba? Sya na kahit na hindi nya ko kinakausap in public places, na kahit minsan feeling ko kinakahiya ako eh mahal na mahal ko parin.

"Mag-usap tayo mamaya." -Ako

*calling justin

"Wag mo kong tawagan. Mamaya tayo mag-usap pag nakauwi ka na. Aral mabuti." -ako

Nang dahil sa anxiety ko, nang dahil sa pagiisip ko na hindi kami para sa isa't-isa, na hindi sya sasaya sakin.. Gumawa ako ng dahilan para iwan nya ako..

"Break na tayo." -ako
"Bakit? Ano ka ba, strong nga tayo diba?" -justin
"Pagod na ko." -ako
"Ano ka ba? Laban lang diba? Strong tayo diba?" -justin
"Ikaw nalang yung lumalaban. Please lang." -Ako

Oo, sinaktan ko yung taong mahal na mahal ko. Yung taong kumukompleto sa pagkatao ko. Napaka tanga ko kasi inisip ko na hindi sya para sakin, na malulungkot lang sya sa piling ko. Na magsisisi lang sya kapag kami nagkatuluyan talaga. Ang tanga tanga ko..

"Tayo nalang ulit please." -ako
"Ayoko na. Hindi mo ba maintindihan yon? Gusto mo ba i-spell ko pa sayo na A.YO.KO NA." -justin

Sana naging selfish nalang ako. Nagsisisi ako kasi gumawa ako ng isang bagay na ikakasira ng puso ko. Ang sakit sakit. Halos isang buwan ko syang kinulit. Hanggang sa hindi na kinaya ng puso ko. Hindi ko na kaya na ipagtabuyan nya ko. Hindi ko na kaya na ipamukha pa nya na hindi na nya ako gusto. Oo i deserve all of those. Kasi putangina naman kasi talaga ng ugali ko. Pero naaawa narin ako sa kanya, kasi nabwibwisit lang naman sya sakin eh..

"Hindi ko na kaya.. Ayoko na.."

Halos gabi gabi umiiyak ako. Gabi gabi pinagsisisihan ko lahat. Kasi hindi lang yung mahal ko yung nawala sakin. Pati na din yung mga kaybigan ko. Bakit? Kasi gusto ko magshift. Hindi ko na kaya yung course na kinukuha ko..

"Ang tanga ko talaga sana tinuloy ko nalang!"

Pero nagsisi ako na nagshift ako. Naiinggit ako sa mga nakikita ko sa facebook. Gusto ko talaga kasi na nasa medical course ako. Ayokong mapunta sa iba. Pero bumagsak ako sa hrm. Napaka baba na ng tingin ko sa sarili ko. Feeling ko lahat kinakahiya ako. Kaya nawalan ako ng friends, kasi gago ako.

"Gusto ko na mamatay.."

At ngayon, halos tatlong buwan na ang lumipas simula nung sumuko ako sa lahat. Wala akong ibang kinapitan kundi yung sarili ko. Walang ibang tumulong sakin kundi ako. Sa tatlong buwan na nalunod ako sa luha ko, hindi ko na alam kung ano pa nararamdaman ko ngayon. Basta ang akin nalang, gusto ko nalang mawala kasi wala naman na silbi yung buhay ko. Kasi sinira ko naman na yung sarili ko. Kaya.. Kaya lagi nalang ako nakakulong sa kwarto ko. Kung makikita man ako ng iba, nakangiti ako. Pero alam kong deep inside me wala na akong ibang nararamdaman. Wala na yung saya. Lahat lungkot.. Kasi alam kong habang buhay, luluha lang yung puso ko. I deserve all of these because i'm stupid. Currently, i'm drowning at the of my opvery own thoughts. Ready na ko sa kahit na ano man mangyari. Handa ako sa kung ano man kahahantungan ko. Gago ako eh. Sooo.. Hindi pa ko nagpapakilala, hindi nyo ba napansin? Sabagay wala naman ding interesado na makilala ako. Pero ganun pa man, ako si Athena, at eto ang kwento ko.

Listen to me, please?Where stories live. Discover now