THE UNWANTED DAUGHTER

777 8 0
                                    

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon upang humiling, ito'y sana'y mabigyang-pansin din ang pagkatao ko bilang isang anak. Kahit isang beses lang. Wala na kong mahihiling pang iba kundi ang pagmamahal na dapat ay nararamdaman ko mula sa aking mga magulang.

...

Simula ng mabuksan ang isip ko patungkol sa mga bagay sa paligid ko ay wala akong ibang hiniling kundi mahalin ako ng aking magulang higit sa pagmamahal ko sa kanila bilang tao, bilang anak. Kahit kailan ay hindi nila binigyang-pansin ang pag-ibig ko para sa kanila. Ayaw nila sa akin. Hindi nila ako gusto. Bakit nga ba? Ang sagot, hindi ko rin alam. Isa na rin ito sa rason ko kung bakit patuloy ko silang minamahal bilang magulang ko. Wala akong alam. Hindi nila sinasabi ang problema kung bakit ayaw nila sakin. Siguro ay may rason din sila kung bakit ayaw nila sakin.

Patuloy kong pinanghahawakan ang mumunting pag-asang iyon. Na sana nga ay may rason lang talaga kung bakit ayaw nila sa akin at hindi dahil kinamumuhian nila ako bilang anak. Ganun pa man, nagpapakamanhid na ako sa mga dapat kong nararamdaman. Hindi ako mahal ng mga magulang ko at iyon ang totoo. Ang pag-iisip ko sa mumunting pag-asa kong iyon ay nagpapabuhay sa mumunti ko ring puso. Sana lang talaga. Sana'y may pagmamahal din silang nakaalay para sakin.

Hindi ko kailan man naranasan na makapunta sa eskwelahan kasama ang aking mga magulang para sa mga meetings ng guro at magulang. Ang sabi nila'y wala naman silang mapapala kung pupunta sila roon at masasayang lang ang oras nila. Napag-isipan ko na lamang na, "Oo nga naman. Wala namang gagawin kundi pag-usapan ang mga bagay ng pinoproblema ng eskwelahan, grading system ng DepEd, etc. Sayang nga ang oras." Sa madaling salita, pinaniwala ko na lamang ang sarili ko na ayun ang tama.

Isa pa ay hindi ko rin naranasang makipag-bonding kasama ang magulang ko. Bukod sa nagsusugal sila pareho, sino nga ba ako upang humiling ng gala kasama sila?

"Wala kang kwenta! Simpleng pagsasaing lang hindi mo magawa? Tignan mo ang sinayang mo! Letse ka!" Bungad sakin ng aking ina ng masunog ko ang sinasaing ko. Isa iyong malaking pagkakamali. Panigurado'y lalo ng lumalaki ang pagkagalit sakin ng magulang ko. Sumasakit ang ulo ko noong panahong iyon kung kaya't hindi ko napansin at naalala na may niluluto nga pala ako. Katangahan. Ngayon, isipin mo ang nagawa mo. "Ang bobo mo kasi! Puro ka hilata! Wala ka ng magawang matino! Bwisit! Batugan! Walang kwenta!" Napangiti na lamang ako. Hindi ko aakalaing may mas ihahaba pa pala ang mga puri sakin ng aking ina. Oo, puri. Iniisip ko na lamang na mga puri ang sinasabi niya at hindi panlalait na puno ng poot at galit mula sa kaibuturan ng kanyang kalamnan. "Paulit-ulit na lang! Hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako, sawang-sawa na ko sa kabubunganga sa iyo! Naiintindinhan mo ba ko!? Ano?!" Hay. Unti-unti na kong nasasaktan. Ang pagkamanhid na pinilit kong damahin ay nagigiba na, nawawalan na ng talab. Nararamdaman ko na ang sakit. Kasalanan ko na naman. Ako na naman ang may gawa. Ang bobo ko. Wala akong kwenta. Tanga. Mangmang. Tamad. Letse.

"Yan kasi ang hirap sayo! Napakamakasarili mo! Hindi mo iniisip ang kapakanan ng iba!--"

Makasarili.

"Wag mo kong tatalikurang letse ka! Ano?! Naiintidihan mo ba ang sinasabi ko?!" Muli, ako'y tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo sa kanya. Sobra na. Napakasakit. Hindi ko na kaya. Tuluyan ng nawala ang pag-asa ko. Hindi ko na kakayanin pa---"Aba! Ano?! Tinatalikuran mo ko? Bumalik ka dito! Hoy! Aba't-- hindi ka babalik?! Isa! Letse ka talaga! Ano?!"

THE UNWANTED DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon