Chapter 55: Back

2K 67 2
                                    

Chapter 55: Back

"Baby Wifey..." nanginginig ako ngayon

"N-Nathan..." naluluha kong sabi

Narinig ko ang paglabas ni Tita sa c.r "Tanya why did-- Nathan?!" Sigaw ni Tita at lumapit kay Nathan

Nanatili lang na nakatingin si Nathan sa akin.

"Tatawag ako ng doktor" sigaw ni Tita at lumabas

"Nathan..." sabi ko at hinawakan ang kamay niya

Dumating ang mga doktor. Tumabi ako dahil ichecheck siya ng doktor

"Mr. Park, follow my fingers" sinundan ng tingin ni Nathan ang kamay ng doktor

"Squeeze my hand, mister" ani ng doktor. Sinunod siya ni Nathan.

Kung ano ano pa ang pinagawa ng doktor, lahat ay sinunod ni Nathan

Kinausap na nang doktor si Tita Annie "Nathan is very lucky. Mostly inaabot ng months or years ang pagiging comatose. But Nathan is recovering very well" sabi ng doktor. Nag usap pa sila ni Tita Annie at ako naman ay nilapitan si Nathan

Napatingin siya sa akin. Lumabas si Tita Annie at ang mga doktor para mag usap

"Bakit ngayon ka lang gumising?!" Sigaw ko. Pinunasan ko ang luha ko.

"I-I'm sorry..." inabot niya ang kamay ko at hinawakan niya ito

Nahihirapan pa rin siya mag salita at gumalaw. At least he's awake

"Alam mo bang halos mabaliw na kami sa nangyari sayo?! Halos di na nga kami umuuwi para lang mabantayan ka!" Sigaw ko

He smiled "You lost weight, Baby"

"Ilaw kasi!" Sigaw ko at kinuha ang cellphone ko "Tatawagan ko sila Kuya..."

Calling Kuya Kurty...

"Hello Kuya"

["Oh Tanya? Kung pasalubong ang hanap mo, umuwi ka muna! Nag aayos pa nga ako ng gamit eh!"]

Laah! Sunod sunod?! May gyera?!

"Hoy! Abnormal ka Kuya! Pumunta ka dito! As in now na!" Sigaw ko

["Eh! Ikaw may kailangan! Ikaw kumuha dito! Ano ako pa magdadala?!"]

"Abnormal ka talaga Kurt Mendoza! Pinapapunta kita kasi, Gising na si Nathan!"

["Palusot ka pa-- Ano?!"]

"Ano pupunta ka ba o hindi?!"

["We'll be there"] aniya at binabaan na ako

"What did he say?"

"Nathan, wag ka muna mag salita. Mahihirapan ka lang" sabi ko

Kumunot ang noo niya "You said something a while ago..."

"Ha? Ano yun?"

"You said na, may nanliligaw sayo" ah yun!

"Yun ba?" Tanong ko

"Didn't I told you to be a bad girl if I am not with you?!" Masungit niyang sabi

"Lah! Eh joke lang naman yun eh" sabi ko

"Not a good joke" aniya "But I guess it is?" Aniya. What? "Dahil dun, nagising ako"

"Uh-huh. At pagkagaling sa coma ang unang lumabas sa bibig ko ay 'F*ck'?!" Ani ko

Aangal pa sana siya ng pumasok na si Tita Annie

"Ghad Nathan! You made us all worried!" Sigaw ni Tita

The Five Bad Boys And The Bad GirlWhere stories live. Discover now