Chapter XVII

1.3K 49 9
                                    

Matapos ang tagpong iyon nila Mickey ay dumaretso na siya sa bar nina Drew at Kenny. Nagtext na kasi si Gia na nandoon na daw ito.

Ang aga namang magbar ng babaeng iyon. Mukhang may dalahing mabigat ang mabait kong pinsan ah!

Pagdating sa bar ay agad kong hinanap si Gia.  Hindi naman ako nahirapan hanapin ang pinsan. Sa tangkad nun madali ko lang itong natanaw.
She's wearing her official uniform. Mukhang hindi na nag-abalang magpalit ng damit itong si Gia. Kahit kailan talaga napakapormal ng taong ito.

Gia is also like me. She's a lipstick lesbians.

"Hey! "Agaw atensyon ko dito.

Napatingin naman ito sa direksyon niya.

"You're late"Seryosong wika nito.

"Maaga pa kaya.Grabe ka talaga! "Reklamong wika ko dito.

Seven o'clock palang jusko! Kung makasabi naman ng late ito.

"Kanina pa ako dito."

Napapailing na lang ako sa napakalamig ng tinig nito. Dati naman hindi ganyan si Gia. Simula ng mamatay  ang magulang nito at makipagbreak si Fatima dito ay naging ganyan na siya. Hindi ko rin naman masisi ang babaeng ito kung bakit bigla nagbago ito. Ikaw ba naman ang maiwanan at lahat ng naiwan ng magulang nito si Gia ang naghandle pati pagiging magulang sa twins brother nito ay inako na nito.

Like Gia ulila na rin ako sa magulang.

Hindi na ako nagreact pa sa sinabi ni Gia.  Dama kong may pinagdadaanan ang isang ito eh.

"So what's up? "Tanong ko dito ng umupo ako sa tabi nito. Nandito sila sa may stool bar.  At si Joey ang nagseserve ng maiinom nila.

"Jo yong dati sa akin ah "Sabi ko kay Joey na pinsan ni Kenny. Nagpapart time ang batang ito sa bar,  at sa umaga naman pumapasok ito sa Belmont University.

"Sureness, Micks "Sabay smirk nito sa kanya. Napangiti naman ako sa kalokohan ng babaeng ito. Joey Emerald Garcia ang pangalan nito. And she's a girl. But with a heart of a man.

Best enemy ni Jeniel ang babaeng ito eh.

"Micks,  naramdaman mo na ba yong feeling na nalilito ka? "mayamaya ay rinig kong tanong nito.

Sabi na nga ba may problema ang queen of Belmont eh

"What do you mean by that? "Naguguluhang wika ko.

"Nalilito ako sa nararamdaman ko Micks,  kapag nakikita ko siya bumibilis yong tibok ng puso ko..... "Sabay inom ng alak sa baso nito.  Tahimik ko lang pinakikinggan ang sinasabi ni Gia.

"tapos....iyong ex boyfriend niya kapag umaaligid para akong tinutusok ng kung anong bagay sa puso ko. I never feel that before with Fatima. "Tila upset ito sa nararamdaman nito ngayon.

Sa pagkakataong yon ay nagsalita na ako. "Means in love ka sa babaeng yon. Bakit kasi ayaw mo na lang aminin sa sarili mo na in love ka sa kanya. "

Napatingin ito ng diretso sa kanya.  Napakaseryoso ng mukha nito.

"She's straight Micks. "Kibit-balikat na wika nito.

Napailing naman ako sa sinabi nito. "Gia girl,  walang straight-straight sa taong naiinlove malay mo mutual ang feelings ninyo sa isa't isa "Sabi ko.

Napaka-nega talaga ng babaeng ito.

"Paano kong hindi? "Tila may takot sa tinig nito.

"At least inamin mo,  kaysa naman sa huli magsisi ka....look Gia hindi ka na bago sa ganitong sitwasyon,  hindi ka na bago sa sakit.  Kaya dapat mas matapang ka na ngayon. Whatever happened at least lumaban ka. "Bigla akong natigilan sa sinabi ko. Para kasing pinapayohan ko din ang sarili ko. Biglang nagbalik sa isip ko iyong nangyari kanina sa amin ni Candice.  Iyong pag-amin ko na mahal ko pa rin ito.  Ngunit,  hindi naman nagrespond ito sa sinabi niya. Oo, nasaktan ako pero ano bang magagawa ko kung sumuko na talaga siya. Nalungkot ako bigla sa isiping iyon.

She's My Lady(GxG)Where stories live. Discover now