Decision

4K 61 2
                                    

Hello False Alarm readers,

Alam kong 'yung karamihan sa inyo ay hinihintay ang update ng 'novel' version. Sa kasamaang palad, hindi ko na po 'yon matutuloy. To be honest, matagal na mula noong sinulat ko ang one-shot na 'to at sinubukan ko naman na palawakin ang kwento pero mahirap na talagang sundan. May mga pagkakataon kasi talaga na may masusulat ka na hanggang short story lang at kapag pinilit mong buuin, pumapangit lang ang takbo ng istorya.

Kung ilalagay ko ang aking sarili sa posisyon niyo bilang mambabasa, hindi ko rin naman pag-aaksayahan ng panahon na basahin ang isang istorya na pangit ang takbo. 'Di ba sayang sa effort at oras? Gano'n din sa pagsusulat. Sandamakmak ang drafts na ibinasura ko dahil nagiging sablay na bawat chapter. Kung magsusulat man ako, gusto ko 'yung mae-enjoy ng magbabasa kaya nga sinasabi ko na ngayon na hindi ko na itutuloy ang novel version ng False Alarm. Sa halip, pinost ko na ulit ang original part 2 ng one-shot version. May special chapter din pero naka-private. Hindi ko ginawang private 'yon dahil gusto kong dumami ang followers ko. Medyo SPG kasi 'yon. Pwede naman i-follow niyo ako para mabasa 'yon saka i-unfollow. Choice niyo naman 'yon. Ang sa akin lang, sana maintindihan niyo ako sa aking desisyon.

Isa pa nga palang dahilan kaya hindi na ako gaano nakakapagsulat dahil sa aking trabaho. Isa po akong editor sa tunay na buhay at hindi basta-basta ang trabaho ko. 'Yun lang. :)

Idadagdag ko nga rin pala, sa mga mahilig magsulat dyan, baka magkaroon ulit ako ng writing contest dito sa Wattpad account ko pero hindi ko pa alam kung kailan. Naging successful kasi ang una kong contest. Inaayos na rin ang self-published book anthology nila. Sa mga interesado na bumili, hintay lang kayo ng announcement sa FB page ko: https://www.facebook.com/liflovesyou/ ♥

Maraming salamat!

- Liflovesyou

P.S. May mga one-shot pa ako na naka-post dito sa WP. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FALSE ALARM (Short story)Where stories live. Discover now