Chapter 15 - Change

412 18 4
                                    

Courtney's PoV.




"GUSTO KO MUNANG MAPAG-ISA LETISIANA!" Natigilan si Letis nang sigawan ko sya at tawagin ko sa buong pangalan nya.




Di ko sinasadyang sigawan sya pero, Lahat kasi ng saket na naramdaman ko noon, LAHAT YON, NARAMDAMAN KO ULIT Simula nang marinig ko na naman ang pangalan ng demonyo kong karibal noon.


Oo, Si Matilda Martinez.



Ang babaeng may dahilan kung baket nawala ang mga taong mahal ko sa buhay.



Ramdam ko parin ang presensya ni Letis sa labas ng pinto ng kwarto ko.



*Kring*Kring*Kring*



"K-kuya logan?"


Rinig kong boses ni letis iyon at may kausap sya sa cellphone nya.



Teka, Logan?



Logan Martinez? Ang kapatid nya?


Napahawak ako sa bibig ko nang mapagtanto ko,


Si Logan martinez ang isa sa mga tauhan ni Hayden sa Villa's. M-magkapatid sila ni Letis?


"K-kuya baket? May problema ba?"


"Ano kuya? Anong nangyare kela mama at papa?"



"Kuya wag kang magbiro! Anong ibig mong sabihing wala na?! *sob*"



Lalo akong nagulat sa mga narinig ko.



Ibig ba nyang sabihin, si Matilda martinez? Patay na?



"K-kuya, papunta nako."



Pagkatapos non, narinig ko ang paglagablag ng pinto ng unit ko. Mukhang umalis na sya at pupuntahan nya sila matilda.



Agad akong naghanda para sundan si Letis palihim. Mukhang nararamdaman ko na.



Malapit na . . .



Malalaman ko na tunay na anak ko na si letis.



Kung tunay ko ngang anak si letis?


I-ibigsabihin ba non ..



Anak ko din si Logan?



Ang isa sa mga myembro ni Hayden?


Agad akong napatakip sa bibig ko uli

Kailangan malaman ni hayden ang lahat ng ito. P-pero, pano ko sya mapupuntahan? P-paano ko sya kakausapin at nagdadalang tao ako?!


Bahala na.



Letisiana's PoV.



Humahagulgol na ng sobra sobra ang mga luha ko, pagod na pagod nako sa kakaiyak at sobrang hirap ng huminga.


Hindi ko matatanggap kung totoo nga na wala na sila.


Di ko man madama ang lukso ng dugo sa tunay kong mga magulang. Sobrang lumungkot padin ako nang sabihin saken ni kuya na wala na daw sila.



Hindi maari.



Hindi ako makakapayag.



Hindi!


The Innocent MafiaWhere stories live. Discover now